"Ji Hyo Unniee!! Gising na kanina pa ako talon ng talon dito hindi ka parin gumigising!" Sigaw ni Ji Eun habang patuloy na tumatalon sa kama ng kanyang Unnie Ji Hyo."Ji Eun tama na nga! Ito na okay, ito na nakakahilo ka!"
Sigaw pabalik ni Ji Hyo sa kanyang nakababatang kapatid."Unnie, sabi ni So Min Unnie dalian mo kasi ikaw na lng ang hinihintay namin kasi papasok na tayo sa University!" Sabi ni Ji Eun habang bumababa sa kama at naglalakad papunta sa pinto.
"Ano naman?" Sabi ni Ji Hyo na halatang lutang na lutang pa.
"Unnie! First day natin sa university!" Sigaw ni Ji Eun habang nakasilip mula sa pinto.
"Shet! Bakit di nyo ako ginising?!" Sigaw ni Ji Hyo habang bumabangon sa kama.
"Ano?! Hindi ginising?! Eh halos buhusan ka na ng tubig ni Unnie So Min at Haha Oppa!" Sigaw ni Ji Eun na halatang naiirita na.
"Oo na ito na! 10 minutes!"
Sigaw ni Ji Hyo habang pumapasok sa banyo."Dalian mo! 30 minutes na lang malelate na tayo!" Sigaw ni Ji Eun at lumabas na ng kwarto.
Pagkatapos maligo at magbihis ni Ji Hyo ay bumaba na sya ng kanyang kwarto.
"Unnie, bakit ang tagal mo naman gumising?" Tanong ni Jisoo
"Nagpuyat kasi ako kagabi. Akala ko kasi next month pa pasok natin." Sabi ni Ji Huo habang sinusuot ang kanyang sapatos.
"May narinig ako na tumatawa kagabi ah, ikaw ba yun Unnie?" Tanong naman ni Lisa.
"Unnie, Hahahha alam mo ba nung ginising ka ni So Min Unnie at Haha Oppa ay bumaba si So Min Unnie at kumuha ng timba tinanong namin sya kung saan nya gagamitin yon at ang sabi nya ay ibubuhos nya daw sayo iyon." Sabi ni Seulgi habang tumatawa.
"Nga pala, bakit ka pala nagpuyat ha Ji Hyo?" Tanong ni Haha.
"Mamaya mo na sabihin yan at malelate na tayo." Sabi naman ni So Min habang binubuhat ang kanyang bag.
"Ano ba yan So Min. Paepal ka talaga kahit kailan." Naiinis na sabi ni Haha.
"Tara na." Sabi naman ni Ji Eun.
Makalipas ng 15 minutes ay nakarating na din sila sa Seoul University.
"Wow! Ang laki naman ng dito!" Sabi ni Liza habang tinitignan ang buong campus.
"Oo nga!" Dag-dag naman ni Seulgi.
"Unnie, dito na lang tayo ah. Ayaw ko na lumipat." Sabi naman ni Ji Eun.
"Mamaya na natin libutin ang buong campus." Sabi ni Jisoo.
"Pumasok na muna tayo dahil malelate na tayo!" Sabi naman ni So Min na halatang kinakabahan na mapagalitan.
Pumasok na sa loob ng building ang magkakaibigan kasama ang kanilang mga kapatid.
"Tignan nyo oh! May bagong estudyante."
"Mukhang maganda sya ah."
"Nako mukhang may bagong mabibiktima nanaman si Kwang Soo."
"Hindi naman sya ganon kaganda mas maganda parin ako at ako ang magugustuhan ni Kwang Soo."
"Excuse me ako ang girlfriend ni Kwang Soo. Kaya back off bitch. He's mine."
"Goodluck sakanya"
"Unnie ano yung mga sinasabi nila na goodluck sakanya...?" Pabulong na tanong ni Ji Eun.
YOU ARE READING
Bully L Ø V Ê
ФанфикSong Ji Hyo a simple girl with a Cruel life. Paano kung mag transfer sya sa Seoul University. Simpleng school na maraming bully..... Lee Kwang Soo a simple boy with a happy life. Spoiled kaya lahat ng gusto nya ay nakukuha nya. Isang kinatatakutang...