Forbidden Love 25

7.3K 97 3
                                        

CARMEN P.O.V

PANAY ang punas ko ng luha habang pinapanood si Jeff na umiinom na naman habang nakalumpasay sa bermuda grass. Kawawa yung anak ko, tila wala na siyang pakialam sa mundo. He was so broken. Ang sakit-sakit makita na ganyan siya, wala ng gana sa buhay, kitang-kita ko yung pagod sa mga mata niya.

Ang mukha niyang andaming pasa sa kakabugbog ng mga pamangkin ko, doble ang sakit na nararamdaman ko bilang ina sa tuwing nakikita ko na sinusuntok siya... pero mas masakit sa akin ang makita na ang Daddy na niya ang nananakit sa kanya.

Never kong nakita noon na pinagbuhatan ng kamay ni Junseo si Jeff, nung isang araw lang. Mahal na mahal ko si Jeff... he's my prince, my forever baby boy. At gagawin ko lahat para maging masaya lang siya. Kaya kong mag-sakripisyo para sa ikakasaya niya.

As a mother, gagawin mo ang lahat para sa anak mo. I can't stand looking at him like that, he was devastated, deeply hurt. He's breathing but he looks lifeless. He was so cold...

Wala na siyang kinakausap—si Ara...si Ara nalang parati ang hinahanap niya. Maybe Ara was his first love. Mas lalo akong naiyak, kung mas nasubaybayan ko lang sana sila noon sana nalaman ko agad at naputol ang kasalanang ginagawa nila.

But I'm a useless mother... di ko alam...di ko alam ang kasalanang ginagawa ng anak ko. Tumalikod na ako at umakyat sa kwarto. Naabutan ko si Junseo na umiinom din. Alam kong sobrang apektado din siya sa nangyayari..

"J-Jeff look so miserable," iyak ko nang maupo na ako sa kama. "I can't stand watching him destroying his life! Di ko kaya, di ko kaya na nakikita siyang nagpapakalunod nalang sa alak. Ayaw ko na Junseo, Jeff is not living anymore... he's more like a living corpse!"

"Junseo nakikinig ka ba ha?!" bulyaw ko na sa kanya out of frustration. "Yung anak natin malapit ng mawala sa atin! Panu kung mawala siya sa katinuan ha? Hindi ka ba natatakot ha?!"

Nanatili pa din siyang tahimik, pero mas lalong dumilin yung mukha niya. Napasubsob na ako sa kamay ko, I was sobbing hard. "Ngayon ko lang nakita na ganyan si Jeff at natatakot ako sa pwede niyang gawin sa sarili niya. He's not even talking to anyone!"

"Let him realize what he did wrong," he said.

"For god sake! Alam niya 'yun!"

"Then why did he do it in the first place? Kung alam niyang mali sana hindi na niya ginawa!" pagtataas na din niya ng boses. "He approached her intentionally! Kung tutuusin, walang kasalanan dito si Ara, he—damn it! He abused her for god sake! He's still lucky that your brother didn't put him behind bars!"

Parang pinu-punit ang puso ko sa dalawa. "J-Jeff is so precious to m-me, he's my life. I'm his mother and I need to do something para matapos na yung paghihirap niya."

Napatingin siya sa akin na nakakunot ang noo. "What do you mean? Kahit na anong gawin natin di na magiging tama yung ginawa nila."

Pinunasan ko yung luha ko. "Sasabihin ko na yung totoo sa kanya."

Nailapag niya yung hawak niyang kopita at napalapit sa akin. "No! Di mo pwedeng gawin 'yan! Nangako tayo na hindi niya dapat malaman ang bagay na 'yun! I don't wanna see you hurting and—"

"Pero mas mahirap para sa akin ang makita siyang ganyan. I'll be better dead kaysa sa panoorin kong unti-unting pinapatay ng anak natin yung sarili niya. Di ko 'yun kaya...di ko kaya."

"Hon... mag-isip pa tayo ng ibang paraan. I believe na may iba pang paraan para bumalik si Jeff sa dati."

"Si Ara lang ang paraan para sumaya ulit ang anak natin. Si Ara lang—" anas ko. "Kaya—kaya ayoko ng maging selfish pa, aaminin ko na kay Jeff na hindi—hindi ko talaga siya anak," sabay hagulhol ko na.

Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon