Tanga Ka Dre? Chapter 2

218 5 3
                                    

Tanga Ka Dre? 2

Dylan's POV

-In That time hindi ako makapag-isip ng matino, eh pa'no ba naman pinaglalaruan ata ako ng tadhana kasi yung magpapaaral pala sakin eh yung daddy ni Johmar.

-Natapos yung misa na lutang isip ko. Natauhan lang ako nang magsalita si Tito Roel, daddy ni Johmar.

''Uhm! Dylan right? So ikaw pala yung pag-aaralin ko I'm Roel but, you can call me Tito Roel.''

''Ok po Tito Roel.'' Magalang kong pagtugon.

''Ang bait naman!''-Rinig kong bulong ni Johmar pero hindi ko nalang pinansin.

-Nagpaalam na sila para dalawin yung mama ni Johmar. Kakalungkot nga wala na pala siyang mama. Pero ok lang yun patuloy lang ang buhay! Nang nagkahiwalay na kami eh kumain muna kaming mag-anak sa Jollibee (YES!!! fav fastfood ko yan!) maya maya bigla akong binulungam ni Ate May.

''May gusto kaba sa anak ni Tito Roel? Yung bakla?'' Tanong ni Ate May.

-Abay syempre nanlaki mata ko!! parang gan'to 0_0. Panu nya naman kasi naisip na may gusto ako kay Johmar?

''Ah! Eh! Wala no! Bakit mo naman natanong? Tsaka lalake parin yun Ate may no!''

''Kasi magdamag mo tinitingnan yung anak ni Tito roel habang nag-mimisa. Ano nga pala pangalan nun? Bakit hindi manlang nila pinakilala sa'tin?''

-At yun nga natapos kami kumain na si Johmar yung topic.

''Basta bro nakasuporta lang ako sa'yo. Maiba nga pala tayo? Kamusta na kayo ni Cloe?''

-Oo nga pala! kahit sino sa pamilya ko walang kaalam-alam na wala na kami ni Cloe, but I can't helped it mahal ko pa rin siya at pinangako ko sa sarili ko na siya lang mamahalin ko.

''Eto ok lang kami. Tsaka busy kasi siya kaya hindi ko na naisasama sa bahay. :)''

-At yun na nga pauwi na kami sa bahay para makapag-ayos na ko nang mga gamit ko kasi syempre 1st day of school sa bagong school eh. Ang malas nga lang eh last year na nilipat pa 'ko ni papa! Pero ok lang may kilala na ko dun, syempre si Johmar ang kailangan ko lang eh huntingin at magpasama sa kanya para mai-guide nya ko sa school. Naku Dj feeling close na kayo?

-Lumabas muna ko ng bahay para bumili ng LALA, syempre favorite eh. Nang pauwi na ko eh nakita ko si Mark exclassmate at exbestfriend ko. Simula nung inahas niya si Cloe ko iniwasan ko na siya.

''Dj!''-Tawag niya sakin pero derederetso ako sa paglalakad. Pero sadya siyang makulit kaya humarap na ko sa kanya.

''Pwede ba kitang makausap?''

''Tungkol san?''-Painosente kong tanong.

''Pwede hanap muna tayo ng lugar na walang tao?''

''Bakit pa? pwede mo naman sabihin dito!''-Pero hinatak niya ko papalayo. At yun na nga lumayo kami para makapagusap.

****------****------****------****

-Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya! Is that for real? Bakla pala siya? Na kaya pala niya inagaw sakin si Cloe para wala na siyang kaagaw saken? Well well hindi pwede yun, mahal ko si Cloe, pero ang nakakalungkot lang eh pumunta pala sa America si Cloe na depressed kasi sa pag-amin ni Mark.

-Gabi na at ngayon kumakain kami ng hapunan nang magsalita si Ate May.

''Dj!! Nga pala may ibibigay ako sayo. Pero mamaya ko na kukunin nasa taas pa eh.''

''Ano naman yun? Ang sweet naman ni ate.''

-Natapos ang pagkain namin ng hapunan at ako na ang naghugas ng plato. Habang nag-huhugas ako eh naisip ko si Cloe. Kawawa naman kasi talaga siya eh. Sana ako nalang ulit ang mahalin niya.

Tanga Ka Dre? (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon