No. 106 [Kaibigan]

14 0 0
                                    

Kaibigan
By: iSeayah
06|30|18

Pasensya na kaibigan kung hindi na kita pinapansin.

Napagod na rin siguro akong humingi ng tawad saiyo.

Noong mga panahon bang nag papapansin ako saiyo binigyan mo man lang ba ako ng pansin?

Hindi ba't hindi naman?

Kamusta ka na?

Ayos ka naman ba?

Alam kong masaya ka.

Pero totoo ba?

Totoo bang masaya ka sakanila?

Oo nga. Siguro nga.

Ano bang malay ko?

Ano bang pake ko?

Bakit ba ako nag aalala sayo?

Ako ba ni minsan inaalala mo?

Alam ko namang gusto mo na akong mawala sa buhay mo.

Sana hindi mo na lang ako naging kaklase.

Sana hindi mo na lang ako nakilala.

Sana hindi mo na lang ako naging kaibigan nang sa ganon wala ng samaan ng loob ngayon.

Sana mag ka amnesia ako para makalimutan ko na kayo.

Sana isang araw magigising ako na wala na 'yong sakit.

Sakit na dinulot nyo noong mga panahong iniwan nyo ako.

Sakit na dinaramdam ko mag dadalawang taon na ang nakalipas.

Mga salitang binitawan niyo na masasakit.

Ang mas masakit pa pinag tulungan niyo ako.

Sana namatay na lang ako.

Walang araw na hindi ko kayo iniisip.

Lagi akong umiiyak sa tuwing ang gabi ay sumisilip.

Saksi ang aking unan sa mga luhang aking binubuhos sa tuwing ika'y naiisip.

Tuwing gabi laging bumabalik ang mga alaala na masasakit.

Saan na 'yong dating saya?

Saya tuwing magkakasama?

Saya na kailanman ay hindi mabubura sa alaala.

Saan na 'yong mga pangakong hindi tayo mag tataguan ng sekreto?

Saan na 'yong mga pangakong pareho tayo ng kukunin sa koleheyo?

Bakit?

Bakit kahit anong gawin ko wala pa rin?!

Bakit ang hirap?

Bakit ang hirap niyong kalimutan?

Bakit hindi ko kayo makalimutan?

Bakit ayokong maiwanan?

Hindi ko rin alam

Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Hindi ko alam kung paano na ito.

Bakit ba ako nag kaganito?

Sino bang nag bago?

Ako ba o tayo?

Gusto ko na makalimot

Pero paano sa tuwing ngingiti kayo saakin nawawala lahat ng kirot

Kahit alam kong sa pagkatapos ng araw agad nyo akong malilimot.

Kahit paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko na TAMA NA

Tama na kasi ang sakit-sakit na

Tama na kasi wala na talaga

Tama na kasi masaya na sila

Masaya sila sa iba

Kaya wag kang tanga.

Sa tuwing makikita ko kayong masaya

Nag papanggap na lang din akong masaya.

Nang sa ganon hindi naman ako mag mukhang tanga.

Kailan kaya maibabalik muli ang masasayang alaala?

Kailan kaya ang panahon na iyon?

Kailan kaya muling ngingiti ng totoo?

Kailan kaya magiging ayos ang lahat?

Kailan kaya? Kapag patay na ako at wala na sa mundo?

Minsan o lagi kong sinisisi ang sarili ko sa lahat ng nangyari.

Minsan naisip ko sana hindi na lang ako nabuhay sa mundo.

Sana balang araw makalimutan ko na lahat.

Sana balang araw magigising ako na wala na lahat.

Sana balang araw makakatulog na ako ng maayos.

Sana balang araw na makita ko kayo totoo na ang mga ngiti sa labi ko.

Sana balang araw mag kaayos na tayo.

Paalam kaibigan, hanggang dito na lang.

©2018

(ewan ko bigla na lang pumasok sa isipan ko ang mga salitang ito. Hindi talaga ako marunong gumawa nito pero kagabi bigla na lang 'tong pumasok sa isip ko.)

QUOTES|HUGOTWhere stories live. Discover now