Maaga akong gumising sa araw na ito. After lunch pa ang usapan namin ni Firth kaya nag pasya muna akong mag jogging sa Urba. Suot ko ngayon ang nike leggings at sports bra. Pati narin ang nike kong running shoes.
Naabutan kong nag hahanda nang almusal ang mga kasambahay. Mukang tulog pa sila Tita.
" Pag nagising si Tita pakisabi nag jogging lang ako! "
Tinali ko ang may kahabaan kong buhok.
" Sige po Miss! Ingat po! " Sabi nang isa sa kasambahay.
Ngumiti ako sakanya bago tuluyang lumabas nang bahay.
Mula rito sa Villesa hanggang sa Urba ay mga fifteen minutes walk na, kaya naman yun narin ang naging warm up ko!
Tama si Tito, marami nga ang nag jojogging sa umaga. Hindi ko alam na health conscious pala ang mga tao rito sa Liwahil. Nag stretching muna ako bago nag simulang tumakbo. Naka apat na ikot ako sa pa oval shape na daan, kaya naman hingal na hingal ako nang tumigil.
May ilan pang ngumigiti saakin, palabati naman talaga ang mga pinoy. Bandang alas siete ay nag pasya na akong umuwi.
Nag lalakad ako sa tabing kalsada nang may mabilis na sasakyan ang dumaan, at nag buga nang itim na usok.
Napaubo ako dahil sa usok! Shit smoke belching! Hinuhuli na ang ganung sasakyan huh! Sa bilis nang andar ay hindi ko nakita ang plate number. Tanging kulay lang nang sasakyan at ang malaking letter DR ang nakita ko.
Ang aga aga panira nang araw. Kala ko sa maynila lang may ganung sasakyan pati pala rito sa Liwahil.
Naabutan kong nag aalmusal na si Tito at Tita humalik ako sa kanila. Ang tingin ni tita saakin ay may bahid nang pag tataka.
" What happen sweety bakit naka simangot ka? "
Napabuntong hininga ako. " Wala naman po Tita. May sasakyan lang kasing dumaan sa harap ko, ang bilis bilis tapos nag buga nang itim na usok. Yun po napunta lahat sa muka ko!
" Ganun ba akala ko kung ano na ang nagyari sayo! Sige na kumaen kana. " Sabay ngiti ni Tita.
Nang magsimula kaming kumaen ay naging usapan ang nalalapit na fiesta, sa susunod na buwan na ito at naimbitahan sila Tita at Tito na maging judges sa gaganaping pageant. Yun pala ang laman nang envelop nung nakaraan.
Kaya rin pala sila nag punta nang bayan nung isang ara para mamili nang susuotin. BIniro pa ako ni Tito Roman kung gusto ko raw bang sumali sa pageant. Panay naman ang iling ko, kaya nag kakatawanan kami.
Nag paalam akong mamamasyal muli, hindi naman sila nag tanong kung saan ako pupunta kaya hindi ko narin sinabi. Besides kung mag tatanung sila ay mag sisinungalin nanaman ako.
Gaya nang suot ko kahapon. Naka jeans ulit ako, sleeveless loose croptop at boots. Gustong gusto ko talagang naka croptop I find it comportable at gusto ko ring nakikita ang navel piercing ko.
Tinali ko ang buhok ko para maging mas komportable ang pakiramdam ko.
Pag labas ko nang bahay ay saktong may dumaang Trycle nag pahatid ako sa Rancho nang mga Dela Riva.
Naabutan ko si Kuya guard na nakatayo sa tapat nang gate! Buti nalang at hindi ko na kailangang umakyat pa sa bakod.
Naalala ko ang nagyari kahapon kaya nainis nanaman ako.
" Kuya si Firth? " Tanong ko. Sabay taas nang kilay.
Para namang naka kita nang artista si kuya. Ngiting ngiti siya habang nag kakamot nang ulo. Nakita kong sumulyap siya sa bewang ko.
YOU ARE READING
Returning the favor
General Fiction" Revenge" Sounds so mean, That's why i prefer to call it " Returning the Favor"