Chapter 33 (Shopping)

51 1 0
                                    

*Ana*

Hihihi we gonna go shopping today. YAY!!!!! Its a great day to shop and spend money. The best talaga itong si Dom. Siya na daw magbabayad sa jeep eh, di go. Pagbaba namin ng jeep, pasok agad kami sa loob ng mall. HHAAAYYY ANG LAMIG.... BUUUURRRR. Napansin siguro ako ni Dom kaya...

Dom: Nilalamig ka ba?

Ana: Oo eh.

Dom: Bakit ka naman nilalamig? Eh lang beses ka nang nakapunta dito.

Ana: Ikaw kaya mastuck sa room mo tapos naka electric fan ka lang. Tsaka pagbigyan mo na ako. Kakagaling ko lang sa sakit eh.

Dom: Hmm. Sige. Malamig ba talaga?

Ana: Oo nga!! Sobra!! Kanina ko pa sayo sinasabi eh!!

Dom: Woah just chill, or hot... Gusto mo akbayan kita? Para lang kahit uminit ka ng kunti.

Ana: Ano? Jacket mo?

Dom: Sabi ko AKBAYAN KITA.

Ana: Ahhh.. sige go ahead.

Dom: *inakbay si Ana* Feel warm already?

Ana: Yeah...Cause I already have you.

Dom: What did you say?

Ana: I said YEAH.

Dom: .... Saan mo muna gustong pumunta?

Ana: Department store pwede? Tapos sa National Bookstore then we can eat for lunch.

Dom: Ok let's go then.

Ang sarap pala ng feeling na inaakbayan ka ng best friend mo. It feels like heaven ^_^… Hahaha weird talk ulit. Pero Realtalk, ang bango ni Dom, as in sobrang mabango. Para bang Bench Cologne yung gamit. Hahaha... Anyhow, papunta na pala kami sa Department store, sa may bandang shoes section. Hindi ko namalayang nakapasok na kami sa department store dahil sobra akong kinikilig sa pagakbay ni Dom. Minsan lang naman kami ganito eh.

Ana: Dom ito. Maganda bang tingnan yung pink and white? Or yun violet and pink?

Dom: Mas ok yung Violet and pink.

Ana: Ok thanks... Ikaw wala ka ba bibilin?

Dom: Ano naman bibilin ko dito sa girls section?

Ana: Malay mo para kay Kathryn.

Dom: Marami naman akong nabili na sapatos para sa kanya dati pa eh. Ikaw hindi pa kaya pumili ka lang ng mga gusto mo tapos ako na magbabayad.

Ana: Ikaw? Magbabayad? Parang si Kyle lang ah.

Dom: Parang si Kyle ka dyan. Mas sweet pa kaya ako sa kanya.

Ana: Paano mo naman nasabi yun?

Dom: Mas maraming sweet surprises akong nagawa sa inyo ni Kathryn kaysa kay Kyle noh?

Ana: Hmmph.. May point ka din. Ikaw magbabayad ha! Sabi mo yan eh.

Dom: Basta para sumaya ka lang gagawin ko ang lahat.

Ana: Nagpapakilig ka ba?

Dom: Maybe... Basta. Argh. Pumili ka na lang para makapagbayad na tayo.

Ana: Hihihi ok sige.

Ang sweet din pala ni Dom. Parang mas sweet nga siya kaysa kay Kyle. Si Kyle wala eh, no surprises, gifts or whatsoever. Si Dom kasi ang super sweet, may surprise gifts, surprise parties, siya nagbabayad kapag kumakain kami. Basta kung naging kami lang dati, tatagal ang relationship namin siguro. Pupunta na kami bookstore para tumingin ng mga books to read sa bahay. Pero this time, share kami ni Dom sa pagbayad.

Ana: Uy Dom, ngayon ko lang narealize na....

Dom: Na ano Ana?

Ana: Mahilig ka din pala magbasa ng mga libro.

Dom: Weeh? Ngayon mo na lang nalaman. Wattpad book lover ako eh...

Ana: Hahaha pareho pala tayong dalawa (I'm serious)

Dom: Geek ka talaga.

Ana: Nerd ka naman.

Dom: Hmmph.. Hahaha may napili ka na bang libro?

Ana: Yes. Itong "A and D"

Dom: Parang tayo lang yun ah. "Ana and Dominic".

Ana: Oh my God oo nga noh. I will buy this talaga. Ikaw may napili ka na?

Dom: Itong Teen Clash. Sabi sa internet, maganda raw story nito.

Ana: Nerd ka nga. Hahaha joke lang... Pila na tayo sa Cashier.

Dom: Share na tayo sa bayad ha.

Ana: Ok sige. Nakakaawa ka naman eh.

Sobrang saya makasama si Dominic!!!! Kinikilig na ako! ^_^

D & KTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon