Neo's POV
"With this ring, I give you my heart. I promise from this day forward, you shall not walk alone. May my heart be your shelter and my arms be your home. Megan, you are the only woman I want to spend the rest of my life with. I love you..."
"Kuya Neo, wake up! Kuya Neo!"
Nagising ako dahil sa sigaw ng aking nakababatang kapatid. Napanaginipan ko na naman na ikinakasal na kami ni Megan, ang aking long-time partner for almost 8 years.
"Kuya Neo, ngayon na 'yung kasal mo, 'di ba?!"
Oo. Ngayon ang pinakamahalaga at pinakahihintay kong araw dahil ngayon, totoong ikakasal na ako sa babaeng pinakamamahal ko. Hindi na puro panaginip, totoo na. Hindi na ako makapaghintay na ikasal kay Megan, ang girlfriend ko.
First year college kami pareho nang magkakilala kami sa Academia de San Juan. Pinakilala siya sa'kin ni Marco, bestfriend ko na bestfriend din ni Megan.
Tatlong buwan bago ko aminin ang tunay kong nararamdaman sa kanya. Hindi ko napigilan ang aking sarili na yakapin siya pagkatapos niyang sabihin na gusto niya rin ako.
Halos isang taon ko siyang niligawan. Kaya labis ang tuwang aking naramdaman nang ibigay na niya sa'kin ang kanyang matamis na oo.
Sigurado na ako na siya na ang gusto kong makasama habambuhay kaya naman hindi na ako nagdalawang-isip na yayain siya magpakasal. Doble ang tuwang naramdaman ko nang pumayag siyang magpakasal sa'kin kaysa noong pumayag siyang ligawan ko siya.
The first time I saw you, I knew it was true, that I'd love you forever. It was the only time that I had ever wanted to make someone a permanent part of my life.
"Oo, Kyle. This is the day I will never forget because this is the day I will marry the only woman I love"
"Naks, kuya! Wala nang atrasan 'yan ha?"
"Wala na talaga, Kyle! Ikaw talaga. Walang dahilan para umatras 'no. Mahal na mahal ko ang ate Megan mo at siya lang ang babaeng gusto kong makasama hanggang pagtanda ko"
Niyakap ako ni Kyle.
"Congrats, Kuya. I'm so happy for you"
"Salamat, bunso. Sige na mag-ayos na tayo. Hindi ako pwedeng mahuli sa kasal ko"
Umalis na si Kyle sa kwarto ko. Nakita ko ang unang picture namin ni Megan.
Aaminin ko, hindi naging perpekto ang aming relasyon. May mga pagkakataon na akala namin, hindi na namin maaayos pa ang aming relasyon. Nandyan ang awayan, selosan at hindi pagkakaunawaan. Kasama naman 'yon sa isang relasyon at wala namang perpektong relasyon 'e. Basta para sa'kin, kung talagang mahal niyo ang isa't isa, gagawa at gagawa kayo ng paraan para maayos pa dahil pagmamahal ang mas nananaig at hindi ang pride.
Naligo na ako at nag-ayos na dahil sobra na ang excitement na nararamdaman ko. Tinawagan ko si Megan para kamustahin siya.
Sinagot naman niya pero nagtataka ako kasi hindi siya nagsasalita.
"Hi, Love. Konting oras na lang, ikakasal na tayo. Magiging isa na tayo, mahal ko. Hindi na ako makapaghintay ikasal sa'yo. I love you so much, love! Kamus— *tooooooooot*"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko kasi biglang may tumunog na sobrang nakakarindi. 'Yung tunog ng Life Support Machine. 'Yung parang tunog kapag mamamatay na ang isang tao. Ayon nga! Ang creepy pero hindi ko na pinansin 'yun. Iintindihin ko pa ba 'yun 'e araw ng kasal ko ngayon sa babaeng pinakamamahal ko.
Si Megan lang ang nakapagparamdam sa'kin na kahit hindi ako perpekto o mayaman, hindi niya ko ipagpapalit kahit kanino. Na kaya niya akong ipaglaban kahit kapalit noon ay buhay niya. Hindi ko alam ang nararamdaman ko ngayon. Naiiyak ako sa tuwa kasi finally, ikakasal na ako sa babaeng bumuo ng pagkatao ko. 'Yung tumanggap sa'kin kahit na hindi ako katulad ng iba na kayang ibigay sa kanya lahat ng pangangailangan niya.
YOU ARE READING
The Wedding Day (One-Shot Story)
RomanceSabi nila, ang kasal daw ang pinakamahalagang pangyayari sa dalawang taong nagmamahalan. Tama nga naman dahil ito ay sagrado. Ibig sabihin, ang pinagsama ng Panginoon ay hindi puwedeng paghiwalayin ng tao. Ngunit, paano kung ang pinakahihintay na ar...