chapter four

44 7 32
                                    

written in the stars
chapter four

[ lowercase intended ]
#daintynessWITS

hindi pa rin ako mapakali sa inaasta ni drake. nakakailang ang mga titig niya sa akin. mabuti na lang at hindi ito napapansin ng mga pinsan ko kung hindi ay maghihinala sila.

bakit naman sila maghihinala? wala naman silang dapat paghinalaan ah? baliw ka na talaga, callie.

nakita kong umakyat ang isang lalaki sa nakahandang platform sa gitna. bihis na bihis ito at nakaguhit ang ngiti sa kaniyang labi.

"good evening ladies and gentleman. well, you know the purpose of this party, right? our aphaea selene monteverde is now back after how many years" tigil niya upang pumalakpak ang mga tao. nakisabay na din kami sa ingay ng palakpak ng mga tao at ngumiti.

"now, let us all welcome back selene monteverde. please clap your hands" anunsyo niya at bumaba sa platform.

in a grand staircase, there, selene walks gracefully. but her face, it looks like, she's not happy?

pumapalakpak ang mga bisita habang nagtatawanan naman ang mga kapatid niya sa sinapit ni selene.

she's wearing a simple black high low maxi dress. her hair was on curls and her make up was light since she is just eleven years old. she is wearing a black wedge too.

nagsalita ang kaniyang mga magulang sa harapan at ipinakilala ito. ganoon din sila lolo at lola na masayang masaya sa pagbalik nito.

nang matapos sila ay nakisalo na din sa amin si selene na nakakunot pa din ang noo sa iritasyon.

"welcome back, princess" bati ni donny at hinalikan sa pisngi si selene, gayon din naman ang ginawa ni kuya lucas sa kaniyang kapatid.

"kuya! i didn't know lola will invite other people. it bothers me a lot" reklamo niya habang inaayos ang kaniyang suot pagkaupo.

"arte, gusto mo din naman" asar ni astrid sa pinsan.

sa aming murang edad ay nakakasiya na malalapit kami sa isa't isa. our bond together as family is a treasure.

ang mga bisita ay nagsimula nang kumain pagkatapos pagsilbihan.ang mga trabahador namin ay siyang siya sa mga pagkaing nakahanda sa harapan nila. bigla akong napangiti sa kasiyahan nila.

"saan ka nag-aaral,arden?" tanong ni selene sa kaniyang kababata.

"kung saan ka mag-aaral" ngisi ni arden sa pinsan ko at nagngitian silang dalawa sa isa't isa.

mahaba ang naging kwentuhan namin upang makahabol kami sa mga nangyayari sa taon na hindi kami magkakasama.

nagpaalam muna ako na pupunta muna sa comfort room. habang papunta doon ay binabati ako ng ilang mga bisita at binabati ko din sila pabalik.

nandito lamang ang mga iyan dahil gustong mapalapit sa aming pamilya at negosyo. pero kung tutuusin ay wala silang pakielam sa amin. puro pera lang ang iniisip nila.

pumasok ako sa comfort room at ginawa ang gagawin ko. naghugas din ako ng kamay at tinignan ang sarili ko sa salamin. nang makuntento ay lumabas ako.

nagulat ako nang bumungad nanaman sa harapan ko si drake. nakasandal siya ngayon sa pader habang nakahalukipkip. ngayon ko lang din napansin ang kaniyang ayos. ang kaniyang buhok ay halatang inayos para sa okasyon na ito. he's wearing a simple white v-neck shirt and a maong pants.

"sinundan mo ba ako?" pag-aakusa ko sa kaniya dahil sa presensya niya sa harapan ko. tinaasan niya ako ng kilay at marahang pinagmasadan muli ang aking suot. pang-ilan niya na iyan. ano bang problema niya?

Written in the StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon