Chapter 1

90 6 4
                                    

kringggggg!

Nagalarm na ang phone ko, pasukan na ulit. Hayssss...

Mahimbing pa ang tulog ko ng sumigaw si mama " Chelseaaaa! Bangon na papasok ka pa! Sigaw ni mama sa labas ng pintuan ng kwarto ko " pwede bang 5 min pa!" Bulong ko naman. " Ano?! May sinasabi ka? Kumain ka na dito sa baba ah!" Sabi ni mama. Nakakatamad pumasok, sino banaman di tatamarin pumasok noh!

Ako pala si Chelsia Ventura, nagaaral sa King Academy, 17 years old, junior high palang. Hindi interesado sa mga lalaki dahil mas priority ko ang mga friends and family ko. Kulot at mahaba ang buhok di kagandahan di rin pangit sakto lang. Madaming problema ang dumadating pero nalalagpasan namin. Mabait pero mataray pag may ginawa kayong masama sakin.

First day of school namin. Naligo na ko at nakakain narin, nagbihis ng school unifrom ko at nagayos ng sarili. Maaga palang kailangan ko na umalis ng bahay dahil naglalakad lang ako at may kalayuan ang school sa bahay namin. Nagtitipid ako para mabili ko yung gusto ko nakakahiya kaya magpabili lagi sa magulang!

On the way to school nako, may nakita akong lalake sa convenient store nakasuot ng uniform namin mukang new student kaso di familliar ang muka di ko nalang pinansin at dumiretso nalang ako ng lakad papunta sa school baka ma late pa ko!

Nangmakarating ako sa school as usual madaming studyante nakatambay sa labas, naguusap usap kung ano kaya ang section nila, hinintay ang mga kaibigan o boypren. BOYFRIEND?! Bata pa ko! Ayoko mag boyfriend di ako interesado! Dumiretso agad ako sa cafeteria para hintayin ang mga best friend ko.

Unang dumating si Gernika Alejandro, 17 years old, maganda kaso maliit. Nagkakasundo kami sa mga bagay at mahilig magtawanan

Sumunod naman si Patty Simon, 17 years old, pinakamatalino saming magbebestfriend top 1 siya simula elem. Nung elem pa kami sobrang tahimik niyan pero nung highschool na nahawaan na namin ng kakulitan pero maintain parin niya ang grades niya.

Hindi katagalan dumating na si Leanna Maldives, 16 years old,pinakang bata samin, medyo matalino. Pinakang makulit samin. Nagkakasundo nga kami lagi dahil sobrang kulit namin, may similarities din kami. Tawag namin sa kanya buto dahil sa sobrang payat kita na yung mga buto niya.

Mga ilang minuto dumating na si Euna Mae Montemayor, 17 years old' siya ang pinakang maganda samin at pinaka sexy (mas matangkad parin ako kesa sa kanila) madaming nagkandarapa sa kanya pero may isa lang siyang gusto wala nang iba.

Lahat kaming magbebestfriend matatalino si Patty top 1, si Leanna top 3, si Euna top 4, si Gernika top 6, at ako ay top 7. Tawag nga samin matalinong magkakaibigan kasi lagi kami nasa top, namamaintain namin ang grades namin at ang pagiging magkakaibigan. Madami ring problemang dumadating pero nalalagpasan din namin ito.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Actually may chap 1 na mas mahaba dito kaso nadelete ko ng di sinasadya sorry kung maikli huhu

Sana nagandahan kayo sa story ko chap 1 palang yan wait nalang kayo for chap 2 :))))) busy sa school eh! Hahahahhaha thank you for reading my chap 1!! Lots of love!

Unknown FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon