Chapter 10

23 1 0
                                    

Inexplain sakin nung tauhan sa bar na nakatulog daw si Troy sa bar. LEGAL NA BA TO SA KANYA? Jusme. Alas 10 ng gabi agad kong pinuntahan yung bar na sinabi nung lalaki. Hindi na ko nakabihis tanging suot ko lang eh yung shorts na maong tsaka sando, hindi ako sanay na nagsasando kaya kinuha ko yung favorite ko na oversized sweater.

"Ma! Alis muna ko! Saglit lang babalik agad ako! Promise!" Sigaw ko kay mama habang nagmamadaling umalis.

"Hoy! Bata ka! Di pa nga kita pinapayagan eh!" Sabi ni mama habang nakapamewang.

"Ma! Saglit lang talaga to, may emergency kasi yung friend ko eh. Please ma!" Sabi ko tas paawa effect.

"Emergency naman pala eh di mo naman agad sinabi nako." Sabi ni mama. Sus bipolar.

"Bye ma! Text nalang kita." Sabi ko habang tumatakbo sa kalsada.

Wala na akong pake kung mahal, magpapara na ko ng taxi. Sinabi ko yung pangalan ng bar. Agad naman akong nakarating.

Ugh! I dont like it here. Masyado maraming naninigarilyo. Pwe. Pinasok ko na yung bar, daming nakitingin sakin, ganda ko talaga. Tsk. Habang naglalakad ako sa bar nakita ko na si Troy naka heads down kaya nilapitan ko.

"Troy.. Troy! TROY!" Ayaw kasi gumising eh.

"I hate you che, but i love you, what am I supposed to do?" Tinatanong niya ba ko? Alam ba niya andito ako?

"Hate mo 'ko?" Sabi ko habang nakaupo sa tabi niya at hinihimas yung buhok.

Hindi siya nag salita pero gising na siya, tumingin siya sakin, yung muka niyang nakakaawa lumalabas nanaman. Nagulat ako kasi niyakap niya ko. Di ko alam gagawin ko. Niyakap ko rin siya. Naririnig ko yung pagiyak niya, ang higpit ng yakap niya.

"Troy hatid na kita sa inyo, tahan na." Sabi ko habang yakap niya ko at hinahaplos ko ang likod niya.

"Mmm." Yan ang tanging salita na narinig ko sa kanya.

Lumabas kami ng nakaakbay siya sakin, parabang tinatago niya yung muka niya sa mga tao. Tinignan ko yung muka niya, sobrang pula nito dulot ng kalasingan.

Tumawag agad ako ng taxi at sinabi ko agad yung adress nila troy. Nung nakaupo kami sa taxi nakatulog agad si troy nakita ko na umuumpog yung ulo niya sa salamin kasi magalaw yung taxi, kaya kinuha ko agad yung ulo niya at ipinatong ko yung ulo niya sa balikat ko, pero wala naman akong narinig na sinabi niya. Tinititigan ko yung muka niya habang tulog, ang gwapo parin.

"You're such a beautiful creature" sabi ko.

Nakarating na kami sa bahay nila kaya ginising ko na siya. Agad naman siyang gumising at lumabas na kami sa taxi. Binayaran ko narin. Ganun parin bahay nila maliwanag sa labas pero madilim sa loob. Naka akbay siya sakin hanggang makapasok kami sa bahay nila, dapat ko ba siya ideretso sa kwarto niya? Wala na papunta na kami sa kwarto niya, naalala ko nanaman yung nag stay ako dito sa kanila.

"Okay ka na ba?" Sabi ko kay Troy.

"Kung ikaw lang din mag taganong, siguro hindi" gulat ako sa sinabi niya, kaya napa yuko nalang ako.

Binuksan ko na yu kwarto ni troy. Hindi parin nagbabago yung itsura at amoy. Hiniga ko siya sa kama para makapag pahinga na siya.

"Siguro pwede na kong umalis?" Tanong ko habang nakaupo sa gilid ng kama niya.

Tatayo na sana ako kaso hinawakan niya yung kamay ko kaya napahiga ako, nakahiga ako sa kanya. Shttt.

"I know you want me" sabi ni troy.

"Lasing ka lang. Aalis na ko." Sabi ko.

"I am, pero alam ko parin ginagawa ko." Sabi niya. Di ko pa na try malasing kaya di ko alam yung feeling.

Tumayo nako, nagmadali ako makalabas nang nabuksan ko na yung pinto bigla niyang sinara kaya napaharap ako. Nakahawak siya sa pinto, ako nakaharap sa kanya pero nakayuko ako. Nilapit niya yung muka niya sakin napagilid ako. Ramdam ko yung hininga niya.

"I want you by my side." Sabi ni troy. Di ako makasalita ni isa. Para akong yelo dito, naninigas.

Hinawakan niya yung baba ko at inangat ito, para bang hahalikan ako. Di ako makatingin sa kanya ng diretso. Unti unti niyang nilapit ang muka niya sakin kaya napapikit ako. Naramdaman ko yung labi niya sa labi ko. Hindi ako makakilos, nang hihina ako. Agad na lumalim ang halik niya sakin. Di ko alam kung tama ba tong ginagawa ko. Ano ba dapat gagawin ko? Di ko alam. Di ko alam..

Wala akong nagawa kung di halikad din siya. Oo, mahal ko si troy, nasabi ko lang ang mga iyon dahil, natatakot ako baka masaktan ko siya. Hinimas niya yung likod ko, inangat niya yung damit ko.

"Troy, stop." Sabi ko. Agad naman siyang tumigil sa pag angat pero hinahalikad parin niya ko.

"How can i make you mine? gusto lang kita mapasakin, bakit ang hirap hirap mo makuha?" Sabi niya habang nakatingin sakin.

"Ni hindi mo panga ako tinatanong kung pwede ba manligaw eh." Sabi ko at medyo nakangiti.

"Edi.. Pwede ba manligaw che?" Sani niya with matching kneel.

Tumungo ako. Niyakap niya ko. Finally this will be the happiest moment in my life.

"Yeessssss!" Sigaw ni troy at patakbo takbo siya sa loob ng kwarto.

"Magpahinga ka na dyan aalis nako." Sabi ko.

"Ihahatid na kita" sabi niya.

"Lasing ka, baka may mangyari pa" sabi ko. "Dito ka nalang"

Tumungo siya. Hinatid niya nalang ako sa labas hanggang makahanap ako ng taxi. Nang may napara na kaming taxi kiniss ko siya sa pisngi kaya nagulat siya.

"Bye! Goodnight!" Sabi ko. Pero tulala parin siya.

Nakalayo na yung sasakyan, tinignan ko yung phone ko. 12:30 na pala. Tas puro text at calls ni mama.

Mama:
Hoy bata ka! Sabi mo saglit lang?

Mama:
Ano bang klaseng emergency yan? Bat ang tagal.

Mama:
Nag-aalala na ko nak. San ka na ba?

At madami pang text.

Me:
Ito na ma pauwi na, kalma ka lang ha!

Di na nag reply si mama siguro nakalma na. Mga 12:50 na ko nakarating ng bahay nakasara yung ilaw sa baba pero bukas sa taas.

"Pano na si Leanna? Anong sasabihin ko sa kanila?!" Nakahiga ako sa kama at malalim ang iniisip.

Ano ba dapat ang gawin? Ayoko magtago sa kanila ng sikreto.

Ano nalang sasabihin ni leanna?

Alam ko na may gusto siya kay troy pinatulan ko parin si troy? Ano nalang sasabihin niya? Traydor ako?

Ano ba dapat gawin?

Di ko alam.

Di talaga.

Unknown FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon