The Gay Model

27 1 0
                                    

In Between: The Gay Model


Nandito ako ngayon sa modeling agency na nagma-manage kay Reo, meron siyang pictorial ngayon, at ngayon ang tamang panahon para umpisahan ang mission ko.

Muli kong tinignan ang sarili ko sa salamin.

I'm wearing a blue fitted high-waist pants, a peach v-neck spaghetti-strap and a black stilettos.

Hindi ako puwedeng mag-patalo sa baklang 'yon. Kung maganda siya kailangan mas maganda ako!

Paglabas ko ng restroom ay dumiretcho ako kung saan nagkukumpulan ang mga tao. And I saw there a breathtakingly gorgeous model, nakasuot siya ng simpleng black pants at white polo na nakabukas ang mga butones.

Sabi na 'e, may abs talaga 'tong baklang 'to!

Nakalugay ang hanggang balikat niyang buhok which makes him look more sexier. He's doing different kinds of poses, isang tingin pa lang alam mong isa siyang professional sa ganitong larangan. I bet the photographer enjoys capturing photos of him.

Inilibot ko ang tingin ko sa paligid. Napag-aralan ko na ang blueprint nitong buong building. At may lima itong exits, kung totoo ngang balak siyang dakipin ng sindikatong 'yon, at dito siya maisipan dakipin malamang isa sa mga exits na 'yon ang gagamitin nila.

Napatingin ako sa taas, biglang nanlaki ang mata ko ng makita kong may babagsak na ilaw mula sa itaas.
Dali-dali akong tumakbo papunta kay Reo, (naka-6 inch heels pa ako niyan ah!) mabilis kong hinatak ang bewang niya at niyakap siya.

Rinig na rinig ang malakas na tunog ng pagkabasag ng mga ilaw. Bakas ang gulat sa mukha ng lahat, ramdam ko rin ang panlalamig ng katawan ni Reo.

Sino ba'ng hindi matatakot? Kung hindi ko siya nahatak baka kritikal na siya ngayon.

Tinignan ko ang buong paligid ng masiguro kong ayos ang lahat ay muli kong tinignan itong lalaki- I mean baklang nakayakap sa 'kin.
Nakatitig lang siya sa 'kin, tulala.

"Reo, are you okay?" Tanong ko sakanya pero hindi ito nagsalita at nanatili pa rin na tulala.

Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang pisngi ko, "R-Reo?" takang tawag ko sakanya.

Pero mas ikinagulat ko ang sinabi niya bago siya mawalan ng malay.

"Thanks for saving me...

Wonder woman."

Biglang napataas ang kilay ko. W-Wonder woman?

Psh, ang bakla talaga ng isang 'to.

-----

- Kang Reo

"Okay, another pose! That's right! Beautiful!" Sigaw ng photographer na mukhang kabute.

Sa totoo lang kanina pa ako imbyerna sa photographer na nasa harap ko. Kung anu-ano ang hinihinging pose, pina-cancel ko na nga itong photoshoot na ito dahil waley ako sa mood today. Pero itong photographer na ito masyadong mapilit! Hindi naman yummy, duh!

Paano ba naman ako makakapag-trabaho ng maayos after ng mga shocking events na nangyayari sa aking life?

You know, wala pa'ng isang linggo 'nong nakipag-break sa akin si Fafa Kervie. Tapos nalaman ko pang hindi lang pala ako ang only one! May isa pa, at isa 'yong girlalo.

Kahit kailan talaga malas sa buhay ko ang mga eba'ng iyan. Sila ang mga karibal ko sa mga adan kaya never, as in neveeeeer ko talagang makakasundo ang mga babaing 'yan!

In Between Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon