shout-out kay sophhjade !!
THIRD PERSON'S
kinilabutan si chenle sa narinig. tila ba may dumaloy na kuryente sa buong katawan niya.
❝mica?sino ba siya?❞ napalunok si chenle.
❝bestfriend ko. nawala siya ng tatlong araw at nakita nalang ang bangkay niya noong hinukay diyan at pinagtaniman ng punong iyan.❞ nagbago ang timpla ng mukha ni chenle. kung kanina ay nagulat siya,ngayon ay naguguluhan na.
❝malaki ang paaralan na ito at hindi mo matutukoy kung saan siya nakalibing pag natanggal ang punong iyan. bawal naman maglagay diyan ng lapida.❞inikot ni jazzy ang paningin niya sa malawak na damo ng paaralan.
❝malaki rin daw ang itatayong canteen kaya mahirap matukoy ang eksaktong lugar❞ dagdag pa ni jazzy. tumango lang si chenle.
BINABASA MO ANG
˗ˏˋ love tree ˎˊ˗ ♡﹙chenle﹚⁺ ˀˀ
Conto❝welcome sa bantay-puno squad!❞ short story. nct's chenle . taglish .
