*Mytha's POV
Nandito ako ngayon sa isang Coffee Shop. Dito ako nag papart time job. Kahit ayaw akong payagan ni mama na magtrabaho dito nag trabaho padin ako alam ko namang hindi sapat yung pera na kinikita nya kaya kailangan ko ring gawin to.
Mag iisang buwan palang akong nagttrabaho dito at dalawa lang kami ng kasama ko kaya ang trabaho ko sa cashier yung kasama ko naman yung taga serve sa mga foods at taga linis ng mesa. Pero kapag minsan na wala naman akong ginagawa tumutulong na din ako sakanya sa paglilinis.
7am ngayon at kakabukas lang ng shop namin. Napag alaman ko na aabsent ngayon ang kasama kong si Milee dahil sinugod daw sa hospital yung kapatid nya at walang magbabantay kaya mag isa lang ako ngayon.
Habang nagpupunas, nag aayos at naglilinis ako ay biglang pumasok ang First Costumer namin sa araw na 'to. Agad akong tumakbo palapit sakanya.
"Goodmorning sir" nakangiting sabi ko sabay bow bilang pag galang tinuro kasi samin yan ng manager namin dapat ganun daw sa lahat ng costumers"Welcome to the Sweets Shop, what's your order sir?" sweet's shop yung name ng Coffee shop hindi lang naman kasi sya puro kape madami ding sweets dito like Cakes, donuts, etc...
"Just give me Coffee Latte" naka poker face nyang sabi habang naka cross legs, at cross arms. Infairness gwapo sya ah hihi. Ay joke lang anlandi :3
Chinekan ko yung hawak kong Check list at chinekan dun yung order nya.
"Is that all sir?" at tumango sya "Okay just wait for a moment sir and I will serve your Coffee Latte" nakangiti ko paring sabi at dumiretso na sa may counter kung saan nakalagay yung mga Coffees and Cakes. Bukod kasi sa pagiging Cashier ako din yung gumagawa ng mga orders at dahil wala akong kasama ngayon mukhang madami akong gagawin ngayon.
Nang matapos kong gawin yung order ay agad akong lumapit kung saan naka upo yung nag order at sinabing "Here's your order sir" at inilapag kona sa table nya yung tray na may laman ng order nya at maliit at pa square na plate kung saan nakalagay ang ammount ng babayaran nila. "Enjoy your coffee sir" nakangiti kong sabi. Nilagyan ko ng maliit na flower design sa gitna yung coffee nya hindi ko naman kasi alam kung anong design gusto nya eh.
Lalapit naman sila sa Cashier para mag bayad at kung sakto naman yung ibabayad nila iiwan nalang nila sa maliit na plate yung pera at aalis.
Habang nakatayo dito sa may counter tinignan ko ang kaisa isang costumer sa shop namin ngayon nakaupo sya sa tabi ng bintana at nakatingin sa labas habang nakahawak sa kape nya mukhang sobrang lalim ng iniisip nya.
Yung buong shop kasi namin ay puro glass window kagaya ng ibang coffee shops. Pero tinted yung samin kaya yung mga tao lang sa loob ang nakakakita ng nasa labas at kapag nasa labas ka naman hindi mo masyadong makikita ang tao sa loob dahil nga tinted ito.
Habang nakatingin ako sakanya or i must say nakatitig ako sakanya bigla syang napatingin sa gawi ko na ikinabigla ko naman. Bigla akong umayos ng tayo at hindi alam ang gagawin nang biglang tumunog ang pintuan may parang maliit na bell kasi yun kaya kapag may papasok malalaman kaagad.
May pumasok na dalawang babae at nagtatawanan agad ko naman silang nilapitan. Hoooh mga ate maraming salamat talaga at pumasok kayo bigla hindi ko alam kung bakit pero sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko.
Agad kong kinuha ang order nila at bumalik sa counter para gawin ang order. Nang mapatingin ako sa table nung lalaki kanina nakita kong wala nang tao at pagtingin ko sa pinto kakalabas nya lang. Haaay buti nalang talaga! Nakahinga ako ng maluwag at nagpatuloy sa ginagawa ko. Hinatid ko na sa mga babae yung order nila at sinabing
BINABASA MO ANG
Take Me Back to the Start
Novela JuvenilNakakatawa, Nakakakilig, Nakakakaba, Nakakainis at Nakakaiyak na kwento. Medyo corny dahil corny ang author nyo pero sana magustuhan nyo hehe :) enjoy reading ;)