Chapter 1

597 1 0
                                    

A/N: Bago niyo ito basahin, nais ko lamang ipabatid sa inyo na ang bawat chapter or any content nito ay maaaring magtaglay ng typographical (including spelling, ha? Hacdog) and grammatical errors. Isang hard na pasasalamat sa pag-try na basahin ito! (Kahit na alam kong mga kaklase ko lang kayo d--,bv)

Ito pa, Inedit ko po ang chapter na ito para mahaba hahaha. Nabitin din kasi ako hais. Kung mapapansin mo po, iba na po ang title. Yes 'no? Oo naman, yes. Naging "Father" na, sa halip na "She's Gone". Hehehe, sana mapansin mo. Aylabyo :*

Father.

"Mommy, gusto ko ng barbie."

"My, gusto ko 'yon oh!"

"Gusto ko nga 'yon eh!"

"Ang damot mo, mommy, hindi na kita love!"

"'Wag mo ako videohan! Hindi kita love!"

Narinig ko ang mahinang pagtawa ng mommy ko dahil sa pinapanood. Sumilip ako sa kwarto nila dahil magpapaalam ako para sa gala naming magkakaibigan kahit alam kong hindi niya ako papayagan, pero may narinig akong boses ng batang babae kaya nakinig ako. Hinintay kong matapos ang panonood ni mommy saka ako pumasok sa kwarto nila. Bigla niyang sinara ang laptop nang makita niya akong Pumasok sa loob.

"What do you need?" Oh, there she goes again.

"My, manonood kami ng sine ng mga kaibigan ko."

"No." Matigas niyang tinig.

"My naman. Hindi naman kami aabot ng gabi.

"Nak, this is for your good."

"Okay." Nakasimangot akong lumabas ng kwarto at pumasok naman sa kwarto ko.

Lagi na lang akong hindi pinapayagan! I'm already sixteen and I can take care of myself! Ugh! I hate her for being so strict! Buti pa si daddy lagi ako pinapayagan! Kung nandito lang talaga si daddy, sa kanya na lang sana ako nagpaalam.

Nagcellphone na lang ako maghapon dahil sobrang buryong buryo na ako dito sa bahay. Sinabi ko na rin sa mga kaibigan ko na hindi ako makakasama at hindi na sila nagulat. Laging gano'n ang eksena.

Habang nagcecellphone ako ay may narinig akong umuubo. Si mommy 'yon! Hindi ko na tinignan dahil galit ako sa kanya.

Biglang tumigil ang pag-ubo at may narinig akong kalabog sa kwarto nina mommy. Agad akong pumunta sa kwarto nila at nagulat ako dahil nakita ko si mommy na nakahiga na sa sahig!

"My!" Pumunta agad ako sa kanya. "My! Anong nangyari?"

Hindi sumagot si mommy dahil nahimatay ito.

"Manaaaaang!" Sigaw ko, "tulungan mo ako! Dalhin natin si mommy sa ospital!"

Tinulungan ako ni manang na buhatin si mommy patungo sa sasakyan. Nag-drive ako papunta sa pinakamalapit na ospital.

Agad kaming sinalubong ng nurse at tinanong kung anong nangyari.

"Gamutin niyo na ang mommy ko! Bilis!"

Dinala siya sa emergency room. Hindi ako pwede pumasok doon kaya naghintay ako sa tapat no'n. Tinawagan ko si daddy para ipaalam sa kanya ang nangyari.

"Da-daddy." Basag na basag ang boses ko dahil sa pag-iyak.

"Nak? Why? What happened?" Nag-aalala ang tinig niya.

"Si-si Mo--mm-mommy..." Nararamdaman ko na ang paghikbi ko.

"Anong nangyari sa mommy mo?"

"Daddy, nasa ospital kami!" Napahagulgol na ako dahil nag-aalala ako kay mommy.

Papa's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon