Chapter 3

310 0 0
                                    


Trouble.

Mag-iisang linggo na rin ng paninirahan ko dito. At home na at home talaga ako. Sana hindi lang 'to sa umpisa.

Dito na talaga ako titira since wala naman din akong ibang matitirhan. Ayoko nang makita pa si daddy kahit kailan, baka mapatay ko lang siya.

"Good morning." Bati sa akin ni Kyle.

"Good morning din." Tugon ko habang nakangiti. Hindi naman sa pinaplastik ko sila pero kailangan kong kumilos nang normal para naman hindi ako maging pabigat.

"Kyle, malapit na ang pasukan ah. Kailan kayo mag-eenroll ni Sheena?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni papa. Pag-aaralin niya kaya ako?

"Next week pa po ang enrolment kaya po di pa po kami makakapag-enroll." Magalang na sagot ni Kyle.

"Pst, uy." Pagtawag ko ng pansin ni Kyle. "Tayo daw? Ibig sabihin mag-aaral din ako?"

Tumango si Kyle at sinabing, "bakit naman hindi?"

"Waah!" Impit akong napatili dahil natutuwa ako. Gusto kong maiyak. Bakit sa kabila ng ginawa ko sa kanila ay ang bait pa rin nila sa akin?

Isang normal na araw lang naman 'to pero sobrang saya niya.

Ginawa ko ang mga pangkaraniwang ginagawa ko. Days pass by at payapa naman dito, until an unexpected visitor came.

"Alexander! Ibalik mo ang anak ko!"

"Ano 'yon?" Napatigil si papa sa pagbabasa ng dyaryo at napatingin sa labas.

"Alexander!" After that call, papa stood up and went to the gate of our house.

"Rolando." Mahinahong bigkas ni papa. He then opened our gate, not afraid of what daddy will do to him.

Akma siyang susugurin ni daddy pero thank Kyle at mabilis siyang pumagitna sa kanila.

"Rolando, kumalma ka."

"Ibalik mo ang anak ko! Kundi, idedemanda kita!"

"Ikaw ang idedemanda ko dahil sa pananamantala mo sa akin!" Pagsingit ko sa sinasabi ni papa.

Natigilan silang lahat at napatingin sa akin.

"A-ano?" Naguguluhang tanong ni Kyle. "Ginahasa ka nito? Aba, gago ka pala eh!"

Susugod na sana si Kyle pero pinigilan siya ni papa. Alam kong hindi eskandaloso si Kyle pero sa mga oras na ito ay biglang siyang nag-iiba.

Sobrang bilis ni Kyle at nasuntok niya si daddy.

"Kyle!" Papa shouted. Lumayo si Kyle kay daddy dahil baka masuntok na naman niya ito.

"Rein, bumalik ka na sa bahay, please." Kalmadong nakikiusap si daddy sa akin. Animo'y isang maamong tupang tila walang ginawang nakakadiri sa akin. "Wala na ang mommy mo, di ko kakayanin kung wala ka rin."

"Ayoko." Matigas at nakatungo kong sagot.

"Anak, Alexander just brainwashed you. Bumalik ka na kay daddy."

"Ang kapal ng mukha mo! Hindi ganyan ang papa namin!" Pagsingit ni Kyle.

"Kyle."

"Anak, please."

Hindi ko talaga alam kung ano ang gagawin ko. Gusto ko siyang balatan! Gusto ko siyang hampasin, suntukin, tadyakan at kung ano-ano pa! "Matapos ang ginawa mo sa akin? Ang kapal naman ng mukha mo."

Naiyak na lang ako at napaupo sa sahig. Naiinis ako! Hindi ko alam kung sa sarili ko kasi di ko masaktan si daddy physically o kay daddy kasi napakakapal ng mukha niya. "Anak, please. Bigyan mo pa ako ng pagkakataon."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 08, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Papa's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon