Chapter 4 - Beat

2.1K 124 16
                                    

Sabay sa pag- ring ng bell ay nagsitayuan ang mga estudyante. Naiwan naman si Kathryn sa kanyang upuan dahil may sinusulat pa ito sa kanyang notebook.

She's a hardworking student. Madalas siyang nag to-top sa klase. She doesn't take her studies for granted even though they're very rich. Mas iniigihan pa niya lalo ang pag aaral para may maipagmamalaki siya sa kanyang mga magulang.

"Bunny!" sundot ng bestfriend niyang si Daniel sa kanyang tagiliran. "Tara na, kain tayo. I'm hungry." reklamo nito. Pero hindi siya agad pinansin ni Kathryn. Nagpatuloy lang ito sa kanyang pagsusulat.

He sat beside Kathryn and moved his face even closer. Halos nasa harapan na ni Kathryn ang mukha ni Daniel. Ramdam na niya ang paghinga nito sa kanyang pisngi. Ayaw nito umalis hanggat di niya ito kikibuin.

Nasanay na si Kathryn sa kanya dahil likas na clingy si Daniel. Feeling niya ay hindi sila nag binata at nagdalaga kung makapulupot. Hindi niya pinapahalata pero sa totoo lang ay abot langit ang kaba na nararamdaman niya sa tuwing ginagawa ni Daniel ang mga ginagawa niya.

Hindi alam ni Kathryn kung napapansin ba ni Daniel ang pamumula ng kanyang mga pisngi sa tuwing titigan niya ito sa mata. She could deny it but she knows the truth as well, matagal na niyang crush ang bestfriend.

Nakakalungkot lang dahil tila hindi ganon ang nararamdaman ni Daniel para sa kanya. Close sa maraming babae si Daniel pero batid niya na espesyal ang pakikitungo nito sa kanya dahil nga mag bestfriend sila.

They are childhood friends. Mula elementary pa lang ay classmates na sila at magkaibigan.

"Wait, I'll just finish this." she said still looking straight at her notebook.

Sumimangot si Daniel dahil sa pag hindi pagpansin ni Kathryn.

"You can finish it sa cafeteria Bunny." hindi na inantay ni Daniel ang sagot ni Kathryn. Isinara niya ang notebook nito, binitbit ang bag sa kabilang balikat saka kinuha ang kamay palabas ng classroom.

Magkahawak sila ng kamay habang naglalakad papunta sa cafeteria.

Anyone who could see them will only assume one thing-- they are a couple even though they are not.

Nagpatangay naman si Kathryn sa kanyang bestfriend papuntang cafeteria. Pagdating nila doon ay agad na nakahanap si Daniel ng mauupuan.

"Ano gusto mo Bunny?" inilapag niya muna ang bag at notebook nito sa mesa at pinaupo si Kathryn.

Nag isip saglit si Kathryn "Ahm, burger with large fries na lang Puppy. Tapos large coke." she smiled. Gutom na rin siya.

Nagkatinginan silang mag bestfriend na tila may naiisip na parehong bagay.

"...and one chocolate sundae with strawberry toppings." they said in unison. Napatawa sila ng sabay. Kilalang kilala na nila ang isa't isa pagdating sa pagkain.

"Ikaw talaga Bunny. Takaw." he said pinching her chubby cheeks. Lagi niya itong ginagawa. "Kaya ang taba taba taba taba ng pisngi eh." pinangigilan niya ito lalo.

Agaw pansin agad sila dahil sa kasweetan. Hindi maiwasan na sumimangot ng ibang babae na naroon na may gusto kay Daniel habang ang iba naman ay kinikilig sa kanilang dalawa. Palihim din na kinikilig si Kathryn.

"Puppy! Stop doing that. Ang sakit na ng pisngi ko eh." she tried to get away from him.

"Eh ang cute cute mo kasi eh. You're my Bunny. Baby, baby bunny." ngayon ay dalawang kamay na niyag pinangigilan ang pisngi ni Kathryn.

Love, Bunny.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon