Part 3.

56 0 0
                                    

Joime's POV.

Natulala ako sa sinabi nya.

Hindi ko alam gagawin ko.

Tumulo na naman ang luha ko.

This time, sa right eye ko naman.

Happiness.

Masaya ba ako?

Oo masaya ako kasi nalaman ko yung katotohanan.

Nabuhayan ako ng loob. 

Pero parang hindi ko ata kayang makasira ng pamilya.

Hindi ko akalaing magagawa pala talaga yung dahil sa sobrang pagmamahal.

Oo nagalit ako.

Pero wala na akong magagawa.

Nangyari na. 

Gustuhin ko man syang sampalin ng kaliwa't kanan, hindi ko magawa.

Kasi nagmahal lang naman sya eh, hindi natin sya masisisi.

"Sheila, salamat. Salamat dahil sinabi mo sakin ang totoo. Pero hindi ko kayang makasira ng pamilya. Ayokong lumaki ng anak nyo ng sira ang pamilya nya. Hindi ko kaya. Hindi kaya ng konsensya ko." 

At ito ang mas ikinagulat ko.

Ang naging sagot nya.

"Joime. Kayo ni Miguel ang magiging pamilya ng anak kong si Kimberly. May sakit ako. At hindi na ganung katagal ang natitirang mga araw sa buhay ko. Mahina ang puso ko. Isang himala nga na naipanganak ko si Kim ng maayos gayong ganto ang kalagayan ko. Isa rin yun sa mga ginamit ko para hindi ako iwan ni Migz. Hindi ko na kayang tumagal pa. Pagod na pagod na ako. Hindi ko na talaga kaya." ngumiti sya. 

Nalungkot ako ng sobra. Si Sheila? Ang bata pa nya para mawala sa mundong ito. Nasaktan ako sa nalaman ko.

"Thankful ako kasi nabigyan ako ng chance makilala ka. Napakabait mo Joime. Hindi ka nagalit sakin. Alam kong hindi nyo papabayaan ni Migz si Kimberly. Mahal ni Migz ang anak namin. Nagseselos na nga ako kasi nadaig pa nya ako." tumawa sya saglit. Hinawakan nya yung kamay ko.

"Joime maraming salamat. Ingatan mo sila ha? Mahalin mo. Sana mabigyan mo pa ng isang chance si Miguel. He deserves it. Kasi, sa simula palang talaga, wala na siyang kasalanan. Ni hindi nga siya nagparticipate nung nangyare yun eh." napatawa kaming pareho.

"Sorry talaga and thank you, Joime." tapos niyakap nya ulit ako.

Niyakap ko na rin sya.

Ang gaan ng loob ko. 

Gusto ko ng puntahan si Miguel at yakapin.

Miss na miss ko na taong pinakamamahal ko.

Nagpunta kami saglit ni Sheila sa CR para magretouch. Haha. Masayang kasama si Sheila. Tinitigan ko sya habang nagkukwento sakin ng kung ano ano. Masiyahin rin sya. Iisipin mong walang pinoproblema. Parang ako lang.

Pagbalik namin sa Mcdo, agad kong nilapitan si Miguel.

"Joime --" hindi ko na pinatapos kung ano man yung sasabihin nya. Niyakap ko na agad sya.

Humarap ako sa sa kanya.

"Alam ko na ang lahat. Lets forget the past, ha? I love you so much, Lito."

Ngumiti sya. Yung ngiting abot langit.

"Sabi mo eh. I love you too, so much, Meng." tapos sya naman yumakap sakin ng sobrang higpit.

Syempre, hindi yan kumpleto kung walang kiss. Hahahaha

Kiniss nya ako. =))))))))))))

Sa noo.

Pain and Happiness.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon