Chapter One.

3 0 0
                                    


"WHAT THE FUCK IS THIS! HUH!  ARE YOU FUCKING STUPID! ITS JUST A FUCKING SIMPLE PAPERWORK AND YOU CAN NOT FUCKIN' DO IT PROPERLY!  YOUR WASTING MY FUCKING TIME!  YOUR FIRED!  GET OUT!"

Shit!  Napatahimik kami lahat sa labas ng opisina ng aming boss dahil sa lakas ng kanyang pananalita.

Ayan nanaman siya. This is the fifth time someone got fired this day. Well literally this happens every day. Nagpapasalamat na lang ako na hindi pa ako napapahamak. Isang buwan pa lang ako dito ay nakita ko na madami nang natanggalan ng trabaho.

"I SAID GET THE FUCK OUT! "

Narinig pa naming sigaw niya. Nakita na lang namin na lumabas ang isang empleyado na taga finance department. Umiiyak siya. Ganyan naman talaga eh. Walang awa, walang puso.

Bumalik na lang ako sa aking trabaho. Mamaya ko na lang ipapapirma ito at mainit pa ang ulo ng boss namin, na akala mo ay may dalaw araw araw. O di kaya ay may saltik  sa ulo. Tsk. Tsk.
Nagtungo ako sa elevator para makapunta sa amin floor.

"Ano napirmahan ba niya? " salubong ng department head sa akin. Pagkalabas ko palang ng elevator.

Napabuntong hininga na lang ako. " Hay. Mamaya na lang baka ako pa paginitan niya ng ulo. " sabi ko na lang sa kanya at nagtungo sa aking desk. Sumunod naman siya sa akin. Minsan di eh may pagka chismosa ang isang to buti na lang at tumagal.

"May natangal nanaman ba.?" Tanong niya sa akin.

"Ano ba ang aasahan mo dun. Wala atang araw na walang tinatangal iyon. " sabi ko sa kanya.

"Hay. Buti nalang at alam mo ang ginagawa mo. " tinapik niya ang aking balikat at bumalik na sa kanyang trabaho. Isa kasi sa rule ng boss ay walang chismisan, iba na lang kung work related. Pero kahit naman work related ang usapan ay chismis parin yon sa kanya.

Heps!  Heps! Teka di pa pala ako nagpapakilala ako nga pala si Callie Jones, 20 at isang empleyado sa Apple Tech na pagaari ng isang Youngest billionaire in the world. Palagi kasing mukha niya ang nakikita sa balita.

So back to work na tayo para di na tayo matangal sa trabaho.

Nang magaalastres na ay nagtungo na ako sa elevator. Pagdating sa 30th floor ay nagtungo ako sa may pintuan niya.

Hingang malalim, Whoo fighting.
Kumatok ako ng mahina sa pinto pero ilang segundo pa ay walang nagbubukas. Kaya kumatok ulit ako ng medyo  malakas pero wala paring nagbubukas kaya inunti unti kong binuksan ang pinto para di makalikha ng ingay at maingat na pumasok.

Pagpasok ko pa lang sa opisina ay isang salas ang dadatnan mo para ata sa mga bisita niya. Pagkalingon ko naman sa kaliwa ay merong glass wall na naghahati sa loob ng opisina at sa living room. Meron akong nakitang sliding door kaya lumapit ako para sana kumatok pero bigla itong nagbukas automatic pala. Don ko nakita ang aming boss na kunot noo at seriosong nagbabasa ng mga paperworks.

"Excuse m..." Naputok ang aking sasabihin dahil sa biglang pagsigaw niya at nagulat naman ako dun kaya bigla ankong nastatua. Hindi ko inexpect sisigawan niya ako.

"WHAT THE FUCK I TO..." Pero bigla naputol ang kanyang sasabihin nag umangat ang kanyang ulo. Our eyes and that eyes. It give me chills through my whole body. Pero agad naman akong nagiwas ng makita ko ang walang kaemoemosyin niyang mata.

"Ehmm. Um s..sir the.. the HR wan...ts you to si..sign this." Utal utal kong sabi sa kanya tsaka inabot ang folder. Kinuha naman niya iyon kaya medyo ako nakahinga nang sa folder siya tumingin. Nakakamatay ang kanyang tingin grabe.

"Sit." sabi niya. Umupo na lang ako. Tumingin tingin naman ako sa kanyang opisina. Napaka aliwalas ang loob nito para ngang doble ito sa aking apartment. White ang interior nito pati na rin ang mga furnitures ay puti. Merong isang sofa at isang book shelf sa gilig katapat ng bintana. Hindi pala bintana dahil isa itong glass wall na tanaw mo ang siyudad. Napakaganda as in. Sa tangang buhay ko ay ngayon lang ako naka kita ng ganito. Paano ba kasi di ako naipanganak na mayaman.

THE KING'S PROPERTYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon