◆◆1: Here Comes the Carriage◆◆
[[Akashi Seiya]]
Nasa kotse ako ngayon kasama ang baliw kong pinsan. Oo, baliw. Talagang may tama, literally. Itrato raw ba akong bata? First day ko sa Subarashisa High, at andito ako sa loob nang limo kasama ang pinsan ko na si Akashi Seijuro.
"Juro, talaga bang kelangan kasama pa kita hanggang don? Pwede namang ipahatid mo na lang ako."
"No, Eya. Kailangan kasama ako. I want to see the school itself. Pati na rin ang mga nag-aaral dito."
"Pero diba napuntahan mo na to dati? Alam naman nating excellent talaga ang mga nag-aaral dito. Duh. Nasa pangalan kaya nang school."
(Subarashisa = excellence)
"I still have to go. Besides, andito na ko. You can't make me jump the car."
Psh. Nakakain na naman to nang sibuyas eh. Bakit sibuyas? Sabihin nating may nangyari dati. Sa susunod ko na lang i-eexplain. Ipaalala niyo na lang saken.
Napaka-protective netong si Juro sakin. Sabay kase kaming pinanganak. Pero syempre, iba magulang ko. Mag-pinsan nga eh. Kaya parehong may 'Sei' ang pangalan namin. Eya at Juro ang nickname namin sa isa't-isa. Kase alangang Sei diba? 'Sei, paki-abot naman yung cellphone ko.' 'No, Sei. Busy ako.' Diba? Okay, baliwag alert.
Kambal kami ni Juro, as in. Pareho kami nang likes and dislikes. Pero nung nag-iba siya, nawindang ako. Nilayuan ko siya, at ganun rin ang ginawa niya saken. Pero napaka-saya ko at bumalik na si Juro sa normal.
"Eya, andito na tayo."
"O sige. Wait lang."
Kinuha ko ang bag ko at bumaba ako kasama si Juro.
Ang laki nang Subarashisa High. Ito kase ang isa sa most prestigious schools sa bansa. Ito ang rank 2, next to Rakuzan. Doon ako nag-aral sa first 2 years ko kasama si Juro. Eh kaso, gusto ni mama na bumalik ako sa Tokyo, kaya dito na lang nila ako pag-aaralin.
As expected, nakuha namin ang atensyon nang marami.
"Sino sila? Mga model kaya?"
"Transferees ba sila?"
"Ang cool nila tingnan.."
Common na yan para samin ni Juro. Minsan ka nga lang naman makakita nang Japanese na may pulang buhok.
"Akashi(-kun)/Akashicchi/Aka-chin?"
Napatingin ako sa kung sinong tumawag saken. O baka kay Juro?
May mga may rainbow hair ang lumapit samin ni Juro. Hindi naman sa rainbow talaga ah. May yellow kase, green, blue--Ah basta! You get the point.
"Ryouta, Daiki, Shintaro, Atsushi, Tetsuya, Satsuki, Kagami...Nagkita ulit tayong lahat."
Kilala niya ang rainbow hair gang?
"Juro, sino sila?"
"Juro?!"
"Ah oo. Ito nga pala ang pinsan ko. Ang pangalan niya ay Akashi Seiya. Simula sa araw na to ay sa Subarashisa High na siya mag-aaral."
"Ikaw, Akashi-kun? Sa Rakuzan ka pa rin ba?" tanong ni light blue hair.
"Oo. Pano, mauna na ko. Alagaan niyo sana ang pinsan ko."
Umalis na siya. Hay nako ang talino niya talaga! Ipapakilala niya ko sa mga kaibigan niya pero di niya sila ipapakilala saken?! Grr! Sarap batukan!
Humarap ulit ako sa mga kaibigan niya.
"Ah...Ako si Akashi Seiya. Nice to meet you. Tulungan niyo sana ako," pakilala ko ulit.
BINABASA MO ANG
◆Please Take Care of the Princess [A Kuroko no Basuke Fanfiction]◆
FanfictionOnce upon a time nang 20XX, may isang prinsesa ang dumating sa Subarashisa High kasama ang pinsan niyang sadyang sadista lang. Maganda ang prinsesa at meron siyang pulang buhok. Hindi nga lang pala-ngiti ang prinsesa at may pagka-bangag. Kasama niya...