Prologue

224 6 0
                                    

"Why are you doing this?" kinakabahang tanong ko dito habang umaatras papalayo sa kanya.

"May sasabihin ako sayo kaya umayos ka dyan." For fuck sake, nag-aalis siya ng pangitaas sa harapan ko at binato niya lang ito sa kung saan. Rinig na rinig ko ang mabilis na pagtibok ng aking puso.

Sana lang hindi niya ito marinig.

Ngumiti siya sa akin at nagsimulang humakbang papunta sa lugar na aking kinatatayuan.

Sa gulat ko, umatras ako at biglang natakid sa night stand ng aking kwarto na naging dahilan upang mapaupo ako sa malambot na kama.

"Scared baby?" He said while biting his lips, amusement visible in his almond eyes. Tumayo siya sa harapan ko at hinawakan ang aking baba upang maiharap sa kanya.

Agad ko naman itong tinanggal at tiningnan siya ng masama, "Tang'na Ryder! Huwag kang magbiro ng ganito!" Sinipa ko siya paa pero agad niya naman itong nahawakan at hinila palapit sa kanya na naging dahilan upang mahulog ako sa kama.

Hinawakan ko ang pang-upo ko habang naiiyak na tumingin sa kanya.

Ang sakit lang! Wala talaga siyang pakielam kung masaktan ako.

"Napakasama mo talaga! Hindi ka gentleman. I hate you! Ang kapal ng mukha mong ihulog ako sa kama."

Tiningnan niya lang ako ng ilang segundo at napahiyaw ako dahil bigla niya akong binuhat na parang isang sakong bigas.

Hindi ako nakapalag dahil agad niya din akong nilagay sa kama at pinahiga bago siya tumabi sa akin.

Tatayo sana ako kaya lang bigla niya akong niyakap ng mahigpit. Nagulat ako sa ginawa niya. Bumilis na naman ang puso ko.

Hinawakan ko ang kamay niyang nakapalibot sa aking bewang. Sa totoo lang, gusto ko itong nararamdaman ko ngayon. Nakahiga lang kami at nakayakap siya sa akin. I find this a little bit relaxing and normal.

Normal nga ba?

Humarap ako sa kanya nang marinig ko siyang paulit-ulit na bumuntong-hininga. Kumunot ang noo ko dahil nakapikit siya na parang wala lang ang pagyakap at paghiga-higa niya sa kama ko.

This skinship is too much for the both of us. Never nya nga akong hinawakan sa kamay. Hindi niya ako malapitan na parang may dinadala akong nakakahawang sakit. Kaya lagi ko siyang sinisigawan kasi naiinis ako sa kanya.

"Ano na naman ba itong laro Ryder? Isa na naman ba ito sa mga laro at kasinungalingan mo?" mahinang sabi ko dito sapat na upang marinig niya.

Hindi ko alam kung bakit pero lahat ng inis at galit na naramdaman ko kanina para sa kanya ay naghalo ng parang bula.

Siguro dahil ang payapa niyang tingnan habang nakapikit at ayaw ko na itong mawala. Para siyang anghel.

Sana ganito na lang siya parati.

Bigla niyang minulat ang kanyang mga mata at parang may nakita akong kakaibang emosyon na ayaw kong paniwalaan.

Ayaw ko ng umasa, dahil paulit-ulit na lang.

Ngumiti siya sa akin, yung totoong ngiti na alam ko sa akin niya lang pinapakita.

Ang mga ngiti niya sa mga oras na ito, parang hindi siya ang Ryder na puro laro lang ang alam.

Tinaas ko ang aking kaliwang kamay at pinaglandas ang aking mga daliri sa mata niya patungo sa kanyang mapupula at nakakatakam na mga labi.

Agad ko itong tinanggal ng makita ko kung paano nagbago ang kulay ng kanyang mata. It becomes darker at hindi ko yun maintindihan.

"Kailan ba kita niloko? Lahat ng sinasabi at gina--" hindi niya natapos ang kanyang sasabihin nang may kumatok sa pinto ng condo ko.

Walang kumikibo sa aming dalawa at napakunot ang noo ko ng may marinig akong boses na kilalang-kilala ko.

'Clelia! Are you here?'

Palakas ng palakas ang pagkatok sa aking pintuan at paulit-ulit nitong binabanggit ang aking pangalan.

"You chose him." bulong na sabi nito. Nakatitig siya sa akin na parang hindi makapaniwala sa nangyayari.

Tumayo ako at pinasadahan ng kamay ang aking buhok.

"I had no choice. Please understand me."

"No. It's obvious that you picked him over me," tumayo siya rin siya sa kama. Mabilis siyang pumunta sa harapan ko at niyakap ako.

"I don't get it. This is what you want right?"

"Don't leave me." he whispered.

"Instead of saying 'don't leave me', give me a reason why I should choose you." Hindi siya nagsalita at mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin.

"Now, you're hugging me." I snickered. Tinanggal niya ang pagkakayakap sa akin at hinawakan ang mukha ko. Nakatitig lang ako sa kanyang mata. Why are we having this kind of conversation?

Dapat nagtatawanan kami ngayon dahil sa wakas hindi na namin pagtitiisan ang isa't isa.

"You never touch me, Ryder. It's new. This is kind of shocking." I laugh with full of sarcasm. Nakita kong lumungkot ang mga mata nito.

Huwag mo kong tingnan ng ganyan.

"Bakit ganyan ka ngayon tumingin? Tapos ganyan ka pa magsalita na parang ayaw mo kong mawala. Bakit ayaw mong iwan kita? Hindi ko maintindihan. Wala akong maintindihan sa nangyayari. Basta ang alam ko lang kailangan kong pumili sa inyong dalawa. Diba ikaw pa nga ang nagsabi na siya dapat ang piliin ko sa loob ng dalawang buwan. Kasi ayaw mo sa akin. Kasi ayaw mo ng maingay, makulit, nakakainis na kagaya ko." Pinupunasan niya ang mukha ko gamit ang kanyang kamay. Hindi ko namamalayan na umiiyak na pala ako.

Sa kanyang mga mata lang ako nakatingin na puno ng iba't ibang emosyon. I know that these emotions I'm seeing right now are also visible in my eyes.

"Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak. Hindi ko alam kung bakit tayo ganito mag-usap. Diba we're like cats and dogs so why am I feeling this way?" umiling ako ng umiling. Niyakap na naman niya ako kaya mas lalo akong napaiyak.

Hindi ako makahinga. Ayaw ko ng ganito.

"Don't. I'm begging you," humigpit ang pagkakahawak ni Ryder sa bewang ko na parang ayaw niya akong paalisin.

Hindi ko pinansin ang boses sa labas ng aking kwarto at binigay sa kanya ang aking buong atensyon.

Ngumiti ako pero hindi abot sa aking tenga. "I already made my decision. Kaya nga tinawag kita para pumunta dito. Don't worry ako ng bahala kay mommy," naramdaman kong napatigil siya sa sinabi ko.

"May I remind you Ryder na ikaw ang may gusto nito simula pa lang." ngumiti ako sa kanya. Alam kong mukha akong ewan dahil naiiyak ako habang nakangiti.

Ilang segundo niya akong tinitigan nang magsalita siya "Okay. If that's what you want then be it." Tinanggal niya ang pagkakahawak niya sa bewang ko at humarap sa kisame.

"Katulad ng sinabi mo ito ang gusto ko una palang." Naglakad siya sa may kama ko at kinuha ang kanyang damit.

"Go Harley before I change my mind." Pagkatapos niyang isuot ang damit nagpapunta siya sa bintana ng aking kwarto nang hindi tumitingin sa akin.

Pinagkatitigan ko siya ng ilang segundo.

Para akong sinasakal dahil hindi ako makahinga ng ayos sa mga oras na ito. Nahihirapan na rin akong magsalita, pakiramdam ko kasi parang may nakabara, "Don't worry, hindi na ako magpapakita sa'yo."

Tumalikod ako at dahan-dahang naglakad papunta sa pintuan ng aking kwarto.

Sa huling pagkakataon sinulyapan ko siya. Malamig ang kanyang mga matang nakatingin sa akin.

This is what you want, right?

Humarap ulit ako sa may pintuan at nanginginig itong binuksan.

Naglandas na naman ang mga luhang kanina ko pang pinipigilan.

I hope I made the right decision for letting him go.





Abandoned PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon