Chapter 1

116 3 1
                                    

"Clelia!" napatingin ako sa taong tumawag ng aking pangalan.

Tinaasan ko siya ng kilay bago sipain pero agad din niyang nasalag dahil bigla niya akong niyakap.

"What do you want, Jacob?" naiinis na tanong ko dito at kinurot siya sa kamay.

Napangiwi siya sa sakit at kukurutin ko pa sana siya dahil sa inis na nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko ang mukha niya pero mabilis naman niyang tinaas ang dalawang kamay na parang sumusuko. 

"Chill babe, huwag masyadong mainit ang ulo, okay?" malambing na sabi nito sa akin bago ako hinalikan sa pisngi.

Tinulak ko siya ng malakas, "I hate you, Jacob!" naiinis na sigaw ko dito habang pinapahid ang parteng kanyang hinalikan. Gross. "Ano bang kailangan mo?"

"Babe don't worry, sa susunod sa lips na kita hahalikan." Smirked plastered in his face while wiggling his eyebrows.

If looks can really kill, matagal na siyang nilalangaw sa pwesto niya.

Ayaw ko sa lahat ng bubbly at mga happy-go-lucky. It pisses me off big time.

"Sagutin mo ng ayos ang tanong ko, 'Anong kailangan mo?'" seryosong tanong ko dito bago uminom ng tubig.

Nasa kusina ako para sana magluto nang biglang dumating si Jacob. Nawalan na ako ng gana dahil sa pangit niyang mukha.

Hindi ko alam pero sa tuwing nakikita ko ang mukha niya naba badtrip ako.

Sinulyapan ko siya at napansing nakatingin ito sa aking kamay.

Mabilis ko naman agad binaba ang baso sa lamesa at nilagpasan siya. Punyeta, bakit ba nakalimutan kong isuot?

Lumabas na ako ng kusina at ramdam kong nakasunod siya sa akin kaya pasimple ko siyang sinulyapan.

Ang kanyang mga kamay ay nakalagay sa kanyang batok at pasipol sipol na tumitingin sa mga paintings na aming nadadaanan.

"You really love painting. Can you paint my nude body? I'll pay you but give me discount, okay?" napakuyom ang kamay ko sa sinabi niya. 

Calm down, Clelia. Calm down.

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad at hindi siya pinansin.

Tumigil ako sa tapat ng isang pintuan at bubuksan ko na sana nang unahan ako ng makulit na bubwit na ito sa pagbubukas, "I'm not a gentleman for nothing." Kinindatan niya muna ako bago ako pinapasok.

Iniwasan kong paikutin ang mata ko. Baka mas lalo lang akong mastress sa kanya. Sana mapasakan ng upuan ang bibig nya.

Narinig ko ang pagsarado ng pintuan kaya umupo na ako sa sofa dito sa library bago ko siya binigyan ng pansin.

"Maupo ka, Jacob."

Nginitian niya muna ako saka siya umupo sa isahang sofa na kaharap ko lamang. Napapagitnaan kami ng isang babasaging lamesa na yari sa ginto.

This golden table was a gift I received from daddy.

Natatandaan ko dati lagi niya akong binibili ng mga bagay na yari sa ginto. Natutuwa ako kasi kumikinang siya at nakikita ko ang repleksyon ko dito.

But that was all in the past. 

Napatingin ako kay Jacob dahil bigla itong umubo. Ngumiti siya sa akin, "Meron ka bang problema, Clelia?" sinamaan ko siya ng tingin bago umiling.

I let my guard down. I sighed. 

He faked cough again before he speak, "Just like what I said, your mom told me to give you something."

Abandoned PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon