AKYAT BAHAY 1

405 4 0
                                    

Akyat Bahay (Empress-Cath Anniversary Contest Entry, 5th Place)

by ammyghed



Haaay. Nakakapagod mag- aral sa subject naming Advance Chem. Naramdaman kong umiikot na ang paningin ko kaya sign na to na dapat mag break muna ako. Mamaya ko na lang ulit ipagpapatuloy total I still have the whole day para mag- aral ng mag- aral. Ganito ang routine ko kapag wala kaming pasok. Kailangan talagang mag- aral ako ng mabuti dahil graduating na ako ngayon sa college. Balak ko naman sana na umakyat sa stage kahit maka cum laude man lang.

Tiniklop ko muna ng maayos ang notebook ko at inilagay ito sa loob ng bag ko. Niligpit ko rin ang iba pang mga kalat sa ibabaw ng study table ko, mga scratch papers at mga aklat na ginagawa kong mga reference books.

*Kruuu* Napahawak ako sa bigla ko lang tumunog na tiyan. Napangiwi ako. Ilang beses na itong tumunog mula pa kanina. Tiningnan ko ang wall clock na nakasabit malapit sa pintuan ko, 1: 23 na pala ng hapon. Nalipasan na pala ako ng gutom ni snacks ay hindi ako kumain kanina. Makakuha nga ng makakain sa ref.

Pababa na sana ako ng hagdanan ng. . .*CRAASHHH* may narinig akong parang may nabasag na kung ano sa baba, specifically sa second floor. Dahan- dahan naman akong bumaba mula sa third floor para tingnan kung ano man yung nabasag na yun.

All that time ay isa lang ang nasa isip ko. OMG! May nakapasok na akyat bahay!

Wala namang ibang ibang tao sa loob ng bahay kungdi ako at ang katulong namin na si manang Linda. Pwera na lang kung umuwi ang isa pang tao sa bahay namin which is never in a million years pa yata mula nung naka graduate siya ng college. Sigurado din namang naka lock ang gate dahil sigisiguro yun nina mommy at daddy bago sila umalis.

Teka lang. . .kung akyat bahay nga eh bakit kung umakyat ng bahay broad daylight? Di ba dapat gabi para walang may makakita?

Nobody trespasses inside my house. Grrr!

Hindi pa man ako nakababa ng tuluyan ay tumambad na sa paningin ko ang nagkalat na mga piraso ng basag na vase. Kung hindi ako nagkakamali ay yun mismong vase na nakalagay sa gilid ng hagdanan ay ang pinakamahal na vase sa loob ng bahay na ito. Sigurado ako kasi kasama mismo ako ni mommy ng binila namin ang vase nay an sa Thailand ng nag vacation kami doon two years ago.

"Shit" napatingin ako sa gilid at ang nakita ko ay ang gulat na gulat na ekspresyon ng 'kuya' ko. Wow. Himala yata na napadalaw ang mokong na yan dito sa bahay. Matagal tagal na rin nung huli siyang umuwi dito dahil nag- aaral siya sa Cebu, taking up Medecine.

An evil grin formed on my face. "Don't tell me na ikaw ang nakabasag niyan?" Mas nagulat siya nung makita niya ako na nasa harapan niya at naka cross arms pa. Bakas din sa mukha niya ang pagkataranta.

"H-ha. Ano. Di ko sinasadya no. Tama. Di ko sinasadya. Nagmamadali kasi ako." Nauutal niyang sabi. Napailing ako. Asarin ko kaya to. Bwahahahaha.

"Pano na yan. Kakauwi mo lang nakabasag ka na kaagad. Lagot ka kay mommy." Pananakot ko sa kanya at nakita kong effective naman. "Pano kaya pag nalaman niyang nabasag ang pinakamamahaling vase sa collection niya at ikaw ang nakabasag nito?" tinaas baba ko ang kilay ko sabay ngisi. Namutla siya.

Siya nga pala si Reed, 'kuya' ko. Step brother ko to be exact. Anak siya ni daddy Kelm, my step dad. Hindi kasi nagkatuluyan ang parents ko that's why my mom ended up marrying daddy Kelm. Pareho sila ng mom ko na single parents when they met 15 years ago. Well, that's another story. And I'm not in good terms with my 'kuya'period. Teka bakit ba ako kuya ng kuya hindi naman kami talagang magkapatid eh. At wala din kaming kapatid sa parents namin. Siguro dahil mas matanda siya sakin ng 4 years. . ah yun nga. May ginawa kasi siya sakin na kinaiinisan ko buong buhay kom at hinding hindi ko makakalimutan yun. I'ts another story din. So for now it's payback time. *evil smile*

"Pano ba yan. Mauna na ako KUYA. Problema mo na yan. Byieeee"

Nilagpasan ko siya at bababa na sana ulit sa isang hagdan ng nahawakan niya ako sa braso at hinatak. Tumama tuloy ang mukha ko sa dibdib niya. Shit. Ang tigas. Ang l-. Teka. Ano ba tong pinag- iisip ko. Naitulak ko naman siya bigla.

"ANO BA!" inis kong sigaw sa kanya. Feeling ko tuloy umakyat ang lahat ng dugo ko sa mukgha ko.

"Tulungan mo naman ako oh. Tulungan mo akong mag explain kay tita." Yeah. You heard it right, tita ang tawag niya sa mom ko. Wala namang kaming problema dun eh. Hindi lang talaga siya masyadong close sa mommy ko kasi nga mas lumaki siya sa tunay na mom niya.

"Ha? Ayoko nga. Bitawan mo ako." Binawi ko sa kanya ang kamay ko na kanina pa niya hawaki hawak. Hindi ko lang namalayan.

"Sige na naman oh." Halos magmakaawa na siya sakin.

"A-YO-KO!"

"Ano ang nagyari siyan? Bat' may narinig akong nabasag?" sigaw ni manang Linda mula sa baba.

"Patay" he whispered. "Tago! Dali." Hinatak na naman niya ako kung saan.

"Ayoko nga. Bat' ako magtatago? Ikaw naman ang may kasalanan ah. Ikaw ang nakabasag. Ikaw ang dapat magtago."

Tatakbo na sana siya ng higitin ko ang T-shirt niya.

"Hep hep hep. Saan ka pupunta aber?" tinaasan ko siya ng kilay.

"Ahhm. Magtatago?"

"Anong magtatago? Hindi ka magtatago dahil isusumbong kita kay manang." Ayaw pa niya yun na kay manang ako magsumbong. Baka magawan pa niya ng paraan. Pasalamat siya wala si mommy ngayon kungdi. Haaay.

"Lagot ka"

"AJ! Reed! Ano yung narinig kong nabasag diyaan? Kayong mga bata talaga!" naririnig na namin ang mga yabag ni manang kaya pareho na kaming nataranta. Siya natataranta kung ano ang gagawin niya habang ako naman ay natataranta at may halong excitement kung ano ang mangyayari pagkatapos.

"Manang kasi po mhhhffff--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil tinakpan ni Reed ang ang bibig ko at hinatak ako papunta sa likod ng hagdan. "Mhmmmfff" Nagpupumiglas ako pero masyado siyang malakas kaya naubos na lang ang lakas ko ay hindi parin ako makawala sa kanya.



"Shhh. Wag kang maingay." Bulong niya malapit sa tenga ko. Kinilabutan naman ako. Nakikiliti kasi ang tenga ko ng hininga niya. Taka! Ano ba tong iniisip ko. Arghhh!

"Ay nabasag. Ano ba naman to." Reklamo ni manang. "Tsk. Nakabukas naman kasi ang terrace eh. Alam namang malakas ang ihip ng hangin ngayon. Yan tuloy." Sinara niya ang sliding door ng terrace at nilock ito. "Baka may makatapak ng mga bubog dito." Bumaba ulit si manang para kumuha ng walis.

Wala ng sign ni manang kaya ubod ng lakas kong naitulak si Reed.

"Ano ba yan. Ang alat ng kamay mo. Pwe! Nag ano ka noh." Pang- aasar ko sa kanya.

"Sira!" sabay batok sakin. "Muntik na tayo dun ah. Phew." Parang nakahinga siya ng maluwag.

"Anong tayo? Ikaw lang noh. Idadamay mo pa ako eh. Tss. Diyan ka na nga. Isusumbong parin kita."

"Sige, subukan mong magsumbong. Hahalikan ulit kita." Nanlaki ang mga mata ko. Siya nman ngayon ang nakangisi.



Hahalikan kita. . .

Hahalikan kita. . .

Hahalikan kita. . .

Parang gasgas na cd na nag pe-play sa utak ko ang sinabi niya. Unti- unti tuloy nag flashback ang ginawa niya saakin noon.

"Ipapupulis kita. Akyat bahay!"

"Anong akyat bahay. Dito rin naman ako nakatira dati ah. Pero this time dito na ulit ako titira."

Sa sinabi niyang yun para narin siyang naka point ulit. Reed- 1; AJ- O

"Argh!"

AKYAT BAHAY (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon