Case Closed

443 7 0
                                    

Prologue

Case Closed by: Saoirsenemesis(Yanie_26 & Sleeping Kogoro)

Written by: Saoirsenemesis (Saoirsenemesis ay ang collaborated account nina Yanie_26 at SleepingKogoro.)

Copyright: Saoirsenemesis, Yanie_26, SleepingKogoro

All rights reserved

Disclaimer: This idea came from both SleepingKogoro and Yanie_26. We own nothing except the characters, the story, the plot, the setting or any idea that was included in the story. If any of those were taken, it was all purely coincidental.

Prologue:

1 year before…

“Isang grupo ng mga istudyante na nag-aaral sa isang private academy sa maynila ang brutal na patay na natagpuan sa isang cabin ditto sa kagubatan. Naniniwala ang mga pulis na sila’y nagpakamatay pagkatapos nilang paniwalaan na may multong masama sa cabin na kanilang tinutuluyan. Saktong 11:00 pm ng gabi ng araw ng mga patay sila natagpuan. Nakarinig ng isang putok ng baril ang isang mangangaso na papauwi na. Ayon sa isang tao na aming nakausap, nag-iwan daw ang lahat ng istudyante ng kani-kanilang mga death wish at suicidal notes. Ito ang naging dahilan upang isapribado o isara na ang kasong ito. Ang isang lalaki naman na studyante ang itinuturing nilang serial killer ng mga istudyante. Ito daw ang nagpaputok ng baril sa kanyang ulo at nag-iwan ng mensahe na siya ang pumatay sa kanyang mga kaklase kasama na ang kanyang girlfriend na hanggang ngayon ay hindi pa kilala. Nanatiling tahimik ang mga pulis tungkol sa insidente at nagdisisyon silang hindi ibunyag ang pangalan ng mga istudyante. Pati na rin ang kanilang iskwelahan na pinapasukan ay nanatiling tahimik tungkol sa isyu…”

Sa labas ng isang maliit na bahay sa gitna ng kagubatan ay nanatiling kalmado si Deputy Alvarez kahit na nararamdaman niya na tumataas na ang presyon ng dugo niya. At pakiramdam niya ay aatakihin siya sa puso o magkakaroon ng stroke anong oras ngayon. Ngunit kailangan niyang manatiling kalmado lalo na ngayon na siya ang in-charge sa kasong ito sapagkat wala ang Sheriff ng kanilang distrito.

Hindi niya maisip kong anong klaseng tao ang pumatay sa mga istudyanteng ito possible kayang isang hayop ang gumawa nito?

Dahil sa alingasaw ng amoy ng dugo at ang hindi mapagtiisang itsura ng mga istudyante sa loob, hindi na pumasok si Deputy Alvarez sa loob ng bahay kung saan sila unti-unting nakita. Limang studyante ang namatay sa isang gabing malamig na ito. Dalawang babae at tatlong malalaking lalaki na pare-parehas na pumasok dito sa bahay na ito ng walang pahintulot ng caretaker na ito. Natuklasan niyang ang isang studyante ay apo ng may-ari ng bahay na ito pero ng hindi sila pahintulutan na tumuloy dito ng isang gabi, sumilisit sila at nanuod ng isang pelikula ‘Scream’ na ipinalabas noong 1997.

Lahat sila ay nabasa o binasa maliban sa lalaki na binaril ang kanyang sarili. Siguro upang hindi malaman ng mga pulis kung ano ang talagang oras ng pagkamatay ng mga istudyante.

Natigilan si Deputy Alvarez ng makarinig siya ng malakas na hagulgol sa kanang bahagi ng kagubatan. Sa sobrang lakas nito, muntikan na niyang mapagtanto na nasa isang concert siya at hindi isang crime scene. Nang magkaroon sila ng eye contact ng babaeng umiiyak at nakahandusay sa sahig, bigla itong sumugod kay Alvarez at yumuko’t lumuhod.

Paulit-ulit na sinabi ni Alvarez na tumayo siya ngunit hindi ito nakinig. Nanatili itong nakaluhod at tila nagmamakaawa kasabay ang bawat hikbi na sanhi ng kanyang pag-iyak.

“Pakiusap officer, huwag niyong ilabas ang pangalan ng anak ko sa publiko. Hindi naman siya ang pumatay sa mga iyon. Naniniwala ako na sinetup lang siya.  Kilala ko ang aking anak at batid ko na hinding-hindi niya iyon magagawa lalo na sa mahal niya.” Hikbi ng babae.

Napa-oo na lang si Alvarez. Kahit na hindi sabihin ng babae, hindi naman niya talaga ilalabas ang pangalan ng mga istudyante. Ngunit nalulungkot pa rin siya sa kalagayan ng babae at sinapit ng mga istudyanteng nandoon sa loob ng bahay. Napakabata palang nila at 18 taong gulang pa lamang sila.

Napangiti na lang ang babaeng malungkot at dumating ang isang babae na member ng SOCO na may puting gloves sa kanyang kamay at isang camera. Tumakbo ito kay Alvarez kasabay ng paglisan ng babaeng umiiyak.

Kahit naman sinong magulang ay iiyakan ang anak nila. Lalo na’t napakasakit ng kanilang sinapit sa kamay ng pumapatay. Pero bakit ba niya pinatay ang mga kaklase niya? May nagawa ba silang masama sa kanya upang mapilitan siyang gawin ang lahat nang ito?

Sumabay na rin ang lalaki na may dalang limang plastic bags na may laman na mga duguang liham ng mga istudyante. Makita lang ito ni Alvarez ay tila gusto na niyang sumuka ngunit kaya pa niya. Hindi dahil dito ay susuko na siya sa kanyang pangarap na maging Sheriff.

Napaisip tuloy siya, dahil ba sa pangarap na iyon kung bakit siya hiniwalayan ng asawa niyang si Athena? At kaya ba ang anak niyang lalaki na si Jam na lang ang natirang kasa-kasama niya? Kaya ba kahit kalian ay hindi siya nakapunta sa kahit anong mga kaarawan ng kanyang anak na babae na si Lianne? Kaya ba paulit-ulit na sinasabi sa kanya ni Athena na wala siyang kuwentang asawa at ama?

Siguro nga ay kailangan mong magsakripisyo kahit ang iyong sariling kaligayahan upang makamit ang iyong pinakamimithing pangarap? Siguro naman ay worth it ang lahat ng ito hindi ba? Siguro ay magiging masaya muli siya kapag makamit niya ang gusto niyang puwesto sa pulis?

Nagising siya sa kanyang panandaliang panaginip ng pagii-isip ng magsalita ang babaeng may hawak na camera “Officer, nakuha na po namin ang mga ibidensya ng pagpatay. Nakuhanan ko na rin po ang posisyon ng mga ito. Meron na po tayong mga litrato.” Sabi nito.

“Sige, ipadala natin iyan sa ating Lieutenant na in-charge. Ipa-print niyo na ang mga iyan at saka natin ipapadala.” Sabi ni Alvarez.

Ibinigay naman ng isang lalaki ang limang plastic bags na puno ng liham. “Nakuha ko na rin po ang liham ng mga namatay. Walang duda po na siya ang pumatay sa limang kasama niya. Nakuha ko na rin po ang mga death wishes na iniwan ng mga biktima na natagpuan sa kani-kanilang mga kuwarto.”

“Sige. Siguro pwede na nating sabihin na nalutas na natin ang kaso. Our work here is done. It’s case closed.”

Case ClosedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon