Case # 2

44 3 0
                                    

Case 2

"Mag-iingat kayo." Paalala ni Sheriff Alvarez sa kanyang mga anak. Tumango lang ang mga ito at lumabas na ng kotse.

Sabay na naglakad ang magkapatid papasok sa main building ng eskwelahan. Panay ang kaway ni Jam sa mga babaeng nakakasalubong niya habang si Lianne naman ay pahigpit ng pahigpit ang hawak sa librong kanyang bitbit. Kaunti nalang at masisira na ito.

"Lianne! Relax ka naman, masyado kang tensed!" Pang-aasar ni Jam sa kapatid.

"Tumahimik ka Jam kundi malilintikan ka sakin. Palibhasa kasi matagal ka na dito kaya sanay ka na." Pagmamaktol nito. Basa na ng pawis ang mga palad ni Lianne dahil sa kaba. Natatakot siya sa maaaring mangyari sa kanya sa eskwelahan na ito. Marami kasi siyang nababalitaan noon sa probinsya na laganap daw ang bullying dito sa Maynila. Mabuti nalang talaga at magka-klase sila ng kapatid niya kaya kahit papaano ay napanatag ang loob niya.

Sa kasamaang palad ay wala ng bakanteng upuan sa tabi ni Jam kaya naman ay napilitan siyang umupo sa likod kung saan may dalawang bakanteng upuan. Pinili niyang maupo sa tabi ng bintana. Gustong-gusto kasi niyang tingnan ang tanawin sa labas. Nagtataasang building, at humaharurot na mga sasakyan. Ibang-iba talaga ang Maynila sa probinsya.

Natapos na sa pag che-check ng attendance ang guro nilang si Ms. Alcantara ngunit lutang parin ang isip ni Lianne.

"Sorry Ma'am, I'm late." Tinaasan ng kilay ni Ms. Alcantara ang estudyanteng kapapasok lamang.

"You're late again Mr. Enriquez. Sa susunod na ma-late ka pa sa klase ko, you will stay outside. Clear?"

"Yes ma'am." Nagpatuloy na sa pagtuturo ang guro. Dumiretso nalang ang binata sa likod at tumabi kay Lianne. Napansin ata nitong may nakatingin sa kanya kaya agad siyang lumingon.

"Hi!" Bati nito ng magtama ang kanilang mga mata. Hindi nagsalita si Lianne. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin sa estranherong nasa harapan niya. "Ako nga pala si Jared. Ikaw?"

"Lianne." Hindi niya alam kung bakit, pero magaan ang loob niya kay Jared. Pakiramdam niya ay matagal na silang magkakilala.

"Ms. Alvarez and Mr. Enriquez! Talking is strictly prohibited in my class! Get out in my classroom. Now!" Agad na napatayo ang dalawa at lumabas ng silid. Nagkatinginan muna sila bago tumawa ng malakas.

"Pasensya ka na. Dahil sakin napalabas tuloy tayo." Paghingi ng paumanhin ni Jared pagtigil nito sa pagtawa.

"Ayos lang. Ang boring naman ng itinuturo niya eh. Inaantok ako sa loob." Umayos ito sa pagkakatayo. "Bakit ang sungit ni Ma'am?"

"Menopause na kasi." Impit na napatawa si Lianne sa narinig. Naalala niya kasi ang sinabi sa kanya ng kapatid. Ayon kay Jam ay matagal na daw talagang masungit si Ms. Alcantara kaya naman ay tumanda itong mag-isa.

Isang oras din ang lumipas ng ma dismiss ang klase. Nauna ng umalis si Jared at naghintay nalang si Lianne sa labas ng classroom para hintayin ang kapatid.

"Lianne." Tawag sa kanya ni Jam ng makalabas ito.

"Ang ganda ng first day mo ah? Napaalis ka agad sa room." Tatawa-tawang sambit ni Jam. Siniko siya ni Lianne at tiningnan ng masama.

"Haha! Biro lang. Alam mo, kung ako sayo, sasali ako sa mga club dito sa school para naman makakilala ng ibang tao. Mahilig ka sa pagda-direct ng mga play at short film diba? Sumali ka sa Cinema Club. Nandoon naman ako." Suhestiyon niya. Napaisip si Lianne. Tama si Jam. Hindi naman pwedeng wala siyang gawin. Napangiti siya.

"Oy. Alam ko yang ngiti na yan. Tara na at isasali na kita." Sabay silang naglakad sa corridor. Pumasok ang dalawa sa isang malaking classroom. Sinalubong sila ng mga miyembro ng Cinena Club.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 07, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Case ClosedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon