Wakas
Hindi lahat ng bagay na gusto mo, makukuha mo.
Hindi lahat ng gusto mong ibalik, maibabalik mo.
Kaya wag kang magpadalos-dalos.
Kasi baka sa huli? Ikaw pa yung madedehado.
--
Flashback (May 01-02 2014)
Summer na. Specifically? Month of May. Specifically ulit? May 1 na. Halos... 4 months na? Hahaha! Hindi ako bitter ‘no! Sadyang nanghihinayang lang. At idagdag pa na birthday ko na bukas.
Hahaha! Wish ko? Magkabati kami. Actually, alam ko okay na kami. Okay na okay na. Pero deep inside? Alam kong may kulang. May kulang. Alam nyo kung ano yun? Closure. Yun lang ang gusto ko. Kahit wag na yung bestfriends thing. Di na ako naniniwala dun. Hahaha! Basta... closure. Yun lang. Yun bang bumalik kami sa dati? Dating-dati. Yung first day of classes nung g7? Yung... friends lang. No more, no less.
Okay alam kong nadadramahan na kayo. Wala e. Pero achievement! Di ako umiyak! Wahahaha! Kada naaalala ko kasi yung mga yun, napapaiyak ako. Ewan ko sa tear glands ko. Masyadong pa-pampam. Tss.
11:30 na pala!? Hala! 30 minutes na lang birthday ko na! :D
*vibrate vibrate*
From: A’Inna
Myks happy bday! Mamaya ko magsspeech, sakit ng ulo ko e. 548 imissyou please come bck.
Ako? Syempre gulat! Ikaw kaya sabihan ng ex mong please come back? Di ka magugulat? C’mon! Diba? Alangan namang okay lang sayo!
Pero... nakapag-compose pa rin ako ng message kahit gulat yung buong sistema ko sa “please come back” kuno.
To: A’Inna
Salamat. :> Pagaling ka uy! :3 Haha. 548:* Oo babalik din ako, tiwala lng. XD
Syempre naman, gusto ko rin namang bumalik e, sino ba naman kasi ang hindi gustong bumalik sa dati? I mean sa dati talaga, yung puro tawanan, kwentuhan at asaran lang kaming apat nila Maricar at Michaela? Diba? Yung tipong wala kayong pakialam basta magkakasama kayo saka basta nasa tabi nyo yung isa’t isa? Yung nagsasabihan pa kayo ng 548, forever and always saka to the moon and back? Nakaka-miss sabihin yun ng walang inaalala, kasi ngayon? Hindi na sya maalis sa isipan ko, na kada maririnig ko yung pangngalan ni Inna, ganun na, na wala na. Masakit ngang isipin na wala na talaga, pero anong magagawa ko? Magagawa... namin? Kung ayaw talaga ng tadhana na maging magkasama kami o maging magkaibigan kami hanggang sa hindi namin alam? Diba? Mahirap talagang kalabanin ang tadhana, especially si God, kung iba yung nakatadhana sayo at sa kanya, wala na tayong magagawa dun, kasi God has better plans for us. Kaya tiwala lang!
Pagkatapos nun, nanuod na lang ako ng Turbo, yung animated film? Ang ganda! Ang cute ni Turbo! Hahaha! Then binati ako ni Mama, then ayun ulit! XD Nakahiga na ako ng biglang nakaramdam ako ng sunod-sunod na vibrate! Grabe ang dami! Pagkakuha ko ng cellphone ko, agad kong binuksan yung mga messages, nagbabaka sakaling nagtext na si Inna, pero wala. Puro bati ng happy birthday Myks lang ang nakita ko mula sa mga kaibigan ko. Well, ano pa nga ba?
BINABASA MO ANG
Hashtag: Selos
Short StoryThis is not a work of fiction. But names, characters, places and events similar to other stories are purely coincidental. Do not plagiarize. PLAGIARISM is a big crime. Now? Start reading. ©Blueberryyyyyyy. All rights reserved 2014.