Chapter 5

3 0 0
                                    

Lost in Tinago








"Bagalan mo naman maglakad"

Napakadaming ugat ng puno ang natatapakan ko kaya hirap na hirap akong maglakad. Samantalang itong si Patrick ay walang kahirap hirap sa paglalakad.

It's so unfair. I just woked up then ito na yung bubungad sa akin. In our mansion I was the princess. Well of course I'm the only daughter.

I mean hindi ako pinapagod ng ganto sa umaga kapag kakagising palang. My usual routine after waking up is just stretching. Hindi gantong halos himatayin ako sa haba ng nilalakad namin.

So many things to rant about pero pinili ko nalang na wag isatinig kasi ayoko magkaron ng masyadong physical contact sa kanya.

"Wag ka na mag-inarte diyan. Magugustuhan mo naman yung pupuntahan natin e.

I rolled my eyes. Kahit saan naman kasi ako magpunta basta siya kasama magugustuhan ko. Hihe.

"Bakit sa motel mo ba ko dadalhin?" he look at my way.

"Kung pwede bat hindi?" Namula ako dahil sa sagot niya.
"Bastos ka talaga" he laughed like the world is about to explode.
"Ikaw ang nagsasabi tapos ikaw tong magagalit"

I don't know how to react. This is so foreign to me. Ya'know talking with Patrick plus saying some jokes. Bagong bago lahat sa akin to.

"O natahimik ka?"

"I'm just wondering, ilang exes na kaya meron ka? Mas marami kaya ex mo sa akin?"

He clenched his jaw. Feeling ko tuloy nagseselos siya maski alam kong nangangarap lang ako.

"Alam mo ikaw ke bata bata mo pa napaka dami mo ng lalaki"

"Eh bakit ikaw?"

He clenched his jaw once again. Parang handang handa na siya sunggaban ako anumang oras dahil sa inis niya sa akin.

"I am way older than you, you know!" he shouted.

I pouted. Counter attack ko sa mga ex ko kapag sinisigawan nila ako. Ang magpacute.

"Why are you shouting at me? Hindi porket mas matanda ka e dapat mas madami babae mo. Age doesn't matter nga diba." I laugh out loud."

Ginulo niya ang buhok niya sa napakagwapong paraan. Ako naman ay napatitig sakanya. Natauhan nalang ako nung tumingin siya ulit sa akin.

"Let's not talk about this okay. Nandito tayo para mag enjoy"

I smirked dahil para niya na din tinanggap yung pagkatalo niya. "Okay then"

We continued walking. Ang daming magagandang tanawin ang nakikita ko sa bawat daanan namin. Sa layo ng nilakad namin natatakot na tuloy ako baka maligaw kami.

"Oy!"

"Oy? Ino oy mo lang ako?"

"Arte mo. Pano pag naligaw tayo dito?" I ask him.

"Don't worry may signal naman dito. Iniwan ko yung isang phone ko kanina tapos inopen ko yung GPS para malaman natin yung babalikan"

Wow di ko naisip na mautak din pala tong mokong na to. Ay mautak naman talaga pala to kasi nakakaya niya pagsabay sabayin yung mga bunches ng babae. I sound bitterly.

Nang makarating kami sa kabayanan ay bumili muna kami ng makakain.

"What do you want to eat?"

"Ahm, mango shake nalang"

Bumili siya sa isang stool ng mga shakes para sa akin. Habang na order siya ay nag tingin tingin muna ko sa lugar.

Di ko napansin na napalayo na pala ko sakanya. My heart is pounding so fast dahil masyadong malaki ang Cebu at napakadami pang tao. Pano kung hindi ko na makita si Patrick? Anu nalang mangyayari sakin? Magiging batang laboy nalang ba ako.

Predicted (Maceda Boys Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon