Kehirap nam panget
Hindi makasinget
Sa mga mapalad
At mukhang malupet.
Kehirap nam panget
Nakukuha'y may sabit
Kapag pinatulan
Ay magiging kabet.
Kehirap nam panget
walang makaduet
Sa awit ng buhay
Sintunado ulet.
Kehirap nam panget
Kahit anong pilet
"Di magkakasyota"
Ang lahat ay may bet.
Kehirap nam panget
walang naiingget
Pinagtitinginan,
sa asar ay sulet.
Sa isip ng panget
Ang tanong ay baket...
May pag-asa kayang
Siya'y makabingwet.
________________________~~*~~________________________
Salamat sa panahong iniukol mo sa aking pahina - ito ang nagbibigay dahilan sa akin upang patuloy na sumulat at magbahagi. Sana'y mabasa mo rin ang iba ko pang mga tula at kwento at makalikha ako ng ngiti/luha sa 'yong mukha. Lubos kong ikaliligaya kung makapag-iiwan ka ng iyong rekomendasyon, puna o anumang reaksyon patungkol sa aking akda.
Nagmamahal,
Sami Bathan de Ramos
BINABASA MO ANG
KEHIRAP NAM PANGET
PoesíaAng kapangitan ay hindi lang sa itsura. Ito ay maaaring sa ugali, sa pagtingin sa kapwa, sa paraan ng pag-iisip at paghuhusga. Mahirap maging pangit.. Mahirap.