First kiss stealer

77 2 0
                                    

"Hoy cousz!"

"Ano ba yun ha? Kung makahampas ka naman ng balikat wagas!"

"Hayun na si crush! Dalian mo lumabas kasi aalis sila nila kuya, may laban daw sila ng basketball. Cousz ang cute talaga ni Tony!"

Hayan ang pinsan ko na kadalasan eh mapagkakamalan mong lukaret. Si Adelle ay mas bata sakin ng 3 years, well i'm not saying na i'm old na. Ako naman si Mikaella Shane just call me Ella for short. At dito nagsimula ang never ending love story ko.

"Hay naku naman talaga cousz, kagigising ko lang saka hindi pa ako nakaligo.", sabay amoy sa sarili.

"Ok lang naman yan nuh! Change outfit ka lang and spray some cologne, at ready to go ka na. Dalian mu at pupunta na tayo sa court.", na may kasama pang pa-charming na beautiful eyes.

"Oh siya sige na nga. Wait lang po ha."

At binuksan ko ang closet ko at humanap ng pwedeng maisuot. Ang favorite kong white shirt na may print na spongebob at six pocket pedal short brown in color. Naghilamos at nag-spray ng favorite kong cologne. Samantalang heto namang sweet kong pinsan ay naka-plain violet tee and gray mini short. I was combing my hair when she said, " Cousz maganda ka sana kaso kulang sa ayos at ang sungit mo in fairness ha."

"Wala akong barya cousz. Saka maige na yung masungit kesa maloko.", and i showed her a mischievous smile.

"Hindi ka maloloko kung hindi ka magpapaloko."

"Tara na nga at baka matapos na yung liga eh hindi mu pa nasulyapan ang ultimate crush mo."

Ultimate kasi kung kiligin hetong si Madelline, Adelle for short eh parang wala nang bukas. Well yung si Tony ay one of heartthrobs dito sa subdivision namin. Maputi, chinito, 5'6" in height, medium built body, with braces sa mga ngipin, medyo spiked na buhok na magulo na parang ewan, at anak ng isang business tycoon. Sino ba naman ang hindi kikiligin kapag nakita siya? At ang kuya ni Adelle na si Adrian ay kasama sa barkada nila Tony. Well I admit it na cute nga si Tony. Ang slight conflict lang eh yung age gap ng pinsan ko at ng ultimate crush niya, second year high school palang si cousz at first year college na si Tony.

"Cousz hayun na siya oh! Ayieh!", hayun ang pinsan ko kilig na kilig. Matapos ang 15 minutes walk na may kasamang kaladkad ay nakarating din kami sa court.

"Go Tony! Go go go!", sigaw na may kasamang tili ni Adelle.

Hindi naman talaga ako mahilig sa basketball kaya wala sa game ang diwa ko. Naglakad muna ako para narin bumili ng snack na favorite ko talaga. Ube hopia and pepsi blue na ice cold. Busy ako sa pagkain ng fave hopia ko ng may biglang-

"Aaaahhh!", hayun nabunggo ng isang stranger ang busy sa pagkain na si Ella at natapilok. Plakda sana ako sa semento ng may sumalo sakin. Parang isang scene sa romantic movies na yung poging lead actor eh sinalo ang cute na lead actress niya. At ang mukha namin, my gosh! One inch lang ang agwat! I can smell his manly scent, baby breath, and he stares at me. STARES AT ME? Bumalik ang katawang lupa ko at inilayo ang sarili sa kalahi ni Adan.

"Uhm, sorry nga pala miss. Ako nga pala si-"

"Nasaan na yung hopia ko? Ampotek naman yung pepsi ko naubos dahil nabutas ang plastic.", halos mangiyak na mukha ko habang hinahanap ang tumalsik na hopia ko.

"Miss?, sabay hawak sa braso ko.

"Anu ba yun ha? Saka wag mo nga akong hawakan, nawawala ang poborito kong hopia."

"I just wanna say sorry pero hindi mo ako pinapansin kasi busy ka sa paghahanap ng hopia mo."

"Ah eh."

Aloof Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon