"I love you"

14 0 0
                                    

Bakit ganun ang titig niya sakin? Nakakailang tuloy, ang sexy pa naman ng outfit na pinasuot sakin ni Ray. Magkasabwat yata ang dalawa para makita ni Prince ang katawan ko.

"Ma'am, tapos na po ang photo shoot.", sabi sakin ng PA ni Ray.

"Thanks.", at dumiretso na ako sa dressing room para magpalit ng damit dahil naiirita na ako sa titig ni Prince. Bubuksan ko na sana ang pinto ng bigla akong nahilo. After that, nagising nalang ako na nasa kwarto na.

Hindi ito ang hotel room ko, kaya kahit medyo nahihilo pa ako bumangon na ako. Ang nakakagulat, si Prince na nasa gilid ng kama, natutulog at hawak ang kamay ko. Nakita ko sa wall clock na its already 12 midnight. Gaano ba ako katagal nakatulog?

"Oh, you are awake sweetie.", baritonong boses ni Prince na medyo nakapikit pa ang mga mata.

"Nasaan ako?"

"Here in my room"

Tumayo ako para lumabas ng kwartong iyon, ang awkward ng feeling na dalawa lang kami sa loob ng kwarto niya.

"Over fatigue sweetie.", sabay hila sa kamay ko kaya naman napahiga ako sa kama. Nagulat nalang ako ng bigla nalang lumapat ang labi niya sa labi ko. He is kissing me so passionately.

"I love you.", yun nalang ang nasabi niya sakin at ipinagpatuloy ang ginagawa niya.

Nakakaloka ang pakiramdam ng halik niya. Para akong high na high. Nakadilat at tulala ang mga mata ko samantalang siya ay nakapikit, enjoying my lips. Teka nga muna at bakit niya ako hinalikan?

"Wait Prince.", at umiwad ako sa kanya. Tumayo ako sa kama at siya naman ay umupo. "Sorry.", yun lang ang nasabi niya.

My gosh! Ang cute niya, he was blushing. After five years, naging manly na ang aura ng prince charming ko.

"I gotta go Prince. Thanks.", naglakad na ako papunta sa pinto.

"I miss you a lot Michaella Shane.", mahinang tono niya.

"What?"

"I miss you so much Ella. And I love you so much, you know that. Sa five years na magkalayo tayo, I am wanting you more and more each day."

"Kelangan ko ng umalis. Anong oras na at nandito pa ako alone with you in your-", at hindi ko na naituloy ang sinasabi ko dahil niyakap niya ako mula sa likuran ko.

"I love you Ella. Will you marry me?", bulong niya sa tenga ko. Ang awkward lang kasi super higpit ng yakap niya and I can feel his manly desire mula sa likuran ko.

"Marry you agad?"

"Huh?"

"Five years ago, hindi mo ako niligawan ng maayos, biglaan nlang girlfriend mo na ako.Kaya hindi ako makapaniwala sayo before.", at nag-cross arms ako.

"What do you want me to do sweetie?"

"Court me.", and kumalas ako sa pagkakayakap niya sakin.

"Seriously?"

"Yes Prince, seriously."

"Sweetie bakit pa? I know naman na you love me too. Ramdam ko."

"Prince, I want us to start again in the nice way. The right way."

"Ella.", at nag-pouty lips pa ang loko. My gosh talaga!

"Goodnight Prince.", at nagmadali na akong lumabas ng kwarto niya. Mahirap ng magtagal ng kaming dalawa lang. Baka kunin na niya ako sa dahas. Hahaha.

------ to be continued ---------

I hope na effective love story writer na ako.. Thanks sa mga nagbasa.. Enjoy reading!

Aloof Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon