#1

7 0 0
                                    

They appear in your thoughts out of nowhere.

It's been a year na pala. Ang tagal na simula nung nasira yung pagkakaibigan namin ni Donny. Well hindi naman talagang nasirang-nasira pero parang nasira hays hindi ko alam kung paano ko ieexplain.

"Hoy Katie ang lalim na naman ng iniisip mo!" aba pinitik pa ako sa noo nitong si Nikki. "Ano bang iniisip mo?" pagtatanong ng aking munting kaibigan. "Ano? Sino. Sino ang iniisip ko. Edi sino pa ba, si Do----" ay pakshet na malupet. Ano bang pinagsasabi mo Katie?

"Ha? Anong sabi mo Katie? Sorry natakam ako dun sa french fries ni Marielle kumuha ako saglit." Sabay tawa ng babaeng 'to. Basta talaga pagkain eh. Well, okay na rin yon atleast di niya narinig. "Wala. Sabi ko puntahan ko lang yung pinaluto kong squid balls."

"Hala ateeeee! Bakit sunog yung isang squid ball?" omg bakit sunog. ayoko ng sunog huhu "Okay lang yan ne, pagkain pa rin naman yan." Okay ate. Sorry ha. Habang naglalakad ako pabalik tinititigan ko talaga 'tong sunog na squid ball. Panira eh. Then something--- no. Someond came on my mind. Si Donny. Madalas siyang pagtripan at asarin ng mga tropa niya na sunog siya. Di naman siya ganong sunog pero dark brown siya. Kungbaga pantitrip lang talaga sakanya yung word na "sunog".

"Ay kalabaw ka!" So ayun nga po ano, muntikan na kong madapa buti nalang sinalo ako ni kuya. Wait. Sino 'tong kuya na 'to? Kamay lang niya nakikita ko at dark brown ang kulay nito. Teka! Si Donny ba ito? Shet. Dahan-dahan kong itinaas ang aking tingin at nadismaya sa aking nakita. Wait. No. No. No. Bakit naman ako madidismaya? AHAHAHHAHAA Si kuya manbun pala ito. Isa sa mga heartthrob dito sa school namin.

"Anong kalabaw? Hindi ako kalabaw. Tao ako." natatawa niyang pagdepensa sa sarili niya.

"Sabi ko nga po. Pasensya na po di ako tumitingin sa daanan." Sambit ko habang napapakamot sa ulo.

"Bakit ka nagkakamot ng ulo mo? May kuto ka ba?" pagbibiro niya habang natawa. Sinamaan ko siya ng tingin sapagkat sino ba siya? Hindi naman kami close like duh. Mukhang marunong naman siya makaramdam at agad bumawi "Joke lang naman ate. I'm Darius. Ikaw?" sabay abot ng kamay pang shake hands.

"You don't need to introduce yourself to me naman. Kilala ka kaya dito. I'm Katie. Thank you pala sa pagsalo sakin." sabi ko habang nakangiti. Hindi ko maimagine kung ano ang mangyayari sakin kung hindi niya ko nasalo.

"No worries, Kat. See you later." Wow Kat na agad. Dumiretso na ko kay Nikki dahil gustong-gusto ko na kainin 'tong squid balls kanina pa!!!! Ngiting-ngiti naman si Nikki sa pagsalubong sakin. Nababaliw na naman 'to.

"Ayieeee. Ikaw ha? Dariuuuuus *sabay finger heart niya*" natawa nalang ako sa ginawa niya. Tinukso-tukso naman niya ako. Sinusundot-sundot niya ang aking braso sabay sabing "Ang haba talaga ng hair ng bestfriend ko. Ang ganda-ganda."

"Anong ganda-ganda? Pinagsasabi mo? Ang panget ko kaya." pagkontra ko sa sinasabi niya. "Huy anong panget pinagsasabi mo. Ang dami-daming nagkakagusto sayo eh. Lalo na si Donny."

Okay. Donny na naman. Ayoko naaaa! Hindi makalaipas ang isang araw ko na hindi siya naiisip.

"Alam mo bes, wag ka sana magalit ha. Pero ramdam ka talaga na may gusto ka kay Donny."

"Alam mo Nikki, hindi ko na talaga alam. Isang taon na ang nakalipas. Pero madalas ko pa rin siyang naiisip and I don't know why."

"Katie baka naman kaya madalas mo pa rin siyang naiisip or madalas pa rin siyang nasa utak mo is hindi ka pa nakakamove on sa nangyari. Baka there's something na pinagsisisihan mo which is yun yung pumipigil sayo na makalimutan si Donny."

-----

Sobrang aliwalas talaga dito sa minipark. Ang sarap mag isip sa gantong lugar. Ang daming pumapasok sa aking isipan. Isa na roon si Donny.

"Ang lalim naman ng iniisip mo, Kat." Nabalik ako sa realidad ng biglang may nagsalitang kalabaw sa tabi ko. Hindi ko na lamang pinansin ang kanyang sinabi. Hindi naman porket gwapo siya eh kakausapin ko na siya.

"Bakit ang taray mo?"

"Ha? Ako? Tama ba narinig ko? Ang bait-bait ko eh." Pagbibiro ko kay Darius. Nararamdaman ko naman ang pagtingin sa akin ng mga babaeng malakas ang tama sa ginoong katabi ko.

"Sabi ko na eh. Alam ko namang hindi ka talaga mataray. Alam mo ba? Matagal na kitang napapansin. Ang lakas mo kasi tumawa parang hindi ka babae." Sinamaan ko naman siya ng tingin dahil sa kanyang sinabi. Pero tama naman si Darius. Madalas pa nga akong mapagbintangang tibo. Paano ba naman kasi? Malakas ako tumawa, malakas din ang aking boses lalo na pag sumisigaw, lalo na sa paraan ko ng paglalakad. Maraming nagsasabi na para raw akong lalaki sapagkat napakasiga kong maglakad.

"Bakit mo ba ako kinakausap?" nacucurious kasi ako. Ang gwapo-gwapo niya at napakasikat niya tas kakausapin niya ako na isang normal na babae. Duh. Hindi naman sa ayaw kong kausap ang napakagwapong nilalang na ito ngunit naaano ako sa tingin ng mga kababaihang parang nais akong patayin gamit ang titig.

"Wala lang. Nakita ko kasi na magisa ka. Tutal mahaba pa naman vacant ko, patambay mun dito."

"Pwede ba 'ko humingi ng payo sayo?" pagtatanong ko.

"Oo naman." Mabait na pag ayon niya.

"I had a guy friend. Let's call him Boy 1 nalang." I said while referring to Donny.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 24, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The One That Got Away (TOTGA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon