UTANG 3~

648 32 2
                                    

Unang bumungad sa akin ang sunflower na orasan ko. It's already 7 in the morning. Umpisa na naman ng bagong araw. Bagong araw para ipakita sa lahat kung gaano kaganda ang Diyosang Diva. Well, no wonder bakit bumabalik si ex. Paraanin niyo ang Diyosa. Kinikilig ako mga chaka. 'Yung tipong gusto kong manabunot.

May isang araw na rin mula nang nagkaroon ng 'sudden visit' si Lloyd dito sa Palasyo. Nakakailang tawag na rin siya kahapon pero hindi ko pa kayang makipag-usap kahit gusto ko. Napahawak ako sa luscious lips ko. Inaalala ang simpleng pagkagat niya dito. Uggh, ang landi ko! Pero to be honest, Ayoko munang itanong kay Lloyd ang status nila ng ex-friend kong si Dagul. Oo na, mas maputi siya but I don't give a flying fuxk kung babad na sa hormones 'yung baklang 'yun. 'Di hamak na mas maganda, blooming at sexy ako. And I thank you.

Naisip kong mag-stretching nang kaunti. Kaya tumayo na rin ako. I-attract dapat ang positive vibes. Malas s buhay ang nega mga gaga!
Mabuti na lang at automatic ang aircon, so I don't need to turn it off. Just so excellent! Dala ang phone, dumiretso ako sa veranda and let my skin kiss the sweet and warm rays of sunshine.

Ini-on ko ang bluetooth speaker and I play Monday Morning ni Christina to match the vibes. There kaunting inat, I am confident with my own skin kaya sige, taas kamay ako and wave it in the air. Sarap pa ng ngiti ko. Naisip ko na ring mag-live sa IG to inspire, and help others. You know, beauty queen. Hindi lang big ang boobs, may big heart din. Eme. Ayan, may 69 viewers ako. Pa-simple kong iniipit 'yung hair ko sa gilid ng ears ko. Hinagod ko sa akin ang camera to show my curves. Medyo natigilan na lang ako when I realized the flashes around me. May nga nanonood sa akin mula say mga bintana ng kapitbahay. Nandoon din si Emerson na nakangiti pa, habang hawak ang isang tasa. Bahagya niyang itinaas ito na wari inaalok ito sa'kin. Omg! May pa-kilikili. Tinanguan ko nalang siya na 'kala mo magsusuntukan kami para astig. Kaya bago pa dumami ang paparazzi, pinatay ko na ang music para makababa na ako.
Sorry nalang sila.

Nagpupunas ako ng mumunting pawis nang makita ko sila Mama sa dining.

"You're glowing my dear!" aniya.

"As always." ngumiti lang ako sa kanila.

"Let's eat na Ma'am Tine." sabat ni Lucrecia na may suot na polkadot na headband.

"Sure."





Paalis na ako ng bahay para pumunta sa shop. Ang gaan lang ng pakiramdam ko. Nag-blouse and khaki shorts na lang ako to flaunt my short, yet beautiful legs.
Naabutan kong nagbabasa sa sala si Lucrecia na tila kinikiliti. Tumingin pa ang hitad.

"Ma'am Tine." umayos pa siya ng pagkakasandal sa upuan.

"Kinikilig ang bakla!" okray ko.

"Nakakakilig naman kasi 'yung story na sinulat ni Bijoulee sa wattpad."

"Ano bang title nun?"

"Bulong ng bakla!" high na high siya sa pagsagot.

Natawa nalang ako sa kaniya.

"Oh siya, ikaw na bahala dito." napapailing kong bilin sabay labas ng palasyo.

Napansin ko nalang 'yung itim na motor sa kanto. "Kanino naman 'to?" bulong ko. Laking gulat ko na lang sa binatang sumakay dito.

Umandar ito patungo sa direksiyon ko. Kaya para sa seguridad ng kagandahan ko, hinanda ko na agad ang microphone sa shoulder bag. Tatalunin ko ang magic pocket ni Doraemon. Sige ako sa pagkalkal, pero bakit wala pa rin? Credit cards, IDs and pampaganda lang nandito!

"BEEP!"

Napatili ako, mga E6! Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Bahagyang nagulat ang flower ko nang mapagtantong nasa harap ko na siya.

UTANG NG INA MO! (gayxstraight)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon