No.1

1 1 0
                                    

Jungshin's POV (Present)

Let me introduce my self formally. My name is Jeon Jungshin and I'm 17 years old. I love black, white and bloody red. OUR favorite foods are chocolate and ice cream.

Kung nagtatanong kayo kung sinong OUR ang tinutukoy ko. Well it's my other half, my twin brother and my life. I can't live without him.

Sabi nila magkamukha daw kami ng twin brother ko and it's true. We have this same bunny teeth,  same lips, ngunit medyo may kalakihan ang mga mata niya kumpara sa mga mata ko, mas mahaba din ang eye lashes ko at higit sa lahat mas pointed ang ilong ko kase yung kaniya—

*Pik!* (sounds po yan ng pitik ah? Hahaha!)

"AY MALAKING ILONG!!" Gulat na sabi ko gawa nang pagpitik niya saaking noo. Kasalukuyan kase kaming magkasama dahil nasa hospital siya.

"Aba't binubuwisit mo ata ako Princess!?" Medyo inis na sabi ng kambal ko. Opo medyo malaki ang ilong niya pero 'di mo maitatangging gwapo talaga siya.

I just rolled my eyes at him. Napaka Short tempered at mainitin talaga niyang tao. Oh well, pareho kaming competitive, mainitin ang ulo pero ewan madaming nagsasabi na mas nakakatakot daw ako kumpara sa kapatid ko.

"So what are you saying again?" Tanong ko. May ikunukwento kase siya kanina kaso 'di ako makapag-pay attention dahil may iniisip ako.

Tinignan naman niya ako nang masama. What? Did i missed something? Eh sa hindi ko talaga narinig ang sinabi niya eh.

I gave him 'WHAT-NOW-LOOK' dahil masama parin ang tingin nito saakin. Huminga muna siya nang malalim. Ganiyan 'yan pag napipikon na. Sorry naman 'no? masyado nga sigurong na occupied ang utak ko.

"I said, my private doctor said i can go home later" masayang sabi niya. Ayun naman pala eh! Niyakap ko naman siya. Dahil sa wakas at magaling na din siya.

Siya lang ang nakakakita ng side kong ganito. Dahil sa mata ng iba, ako si Jungshin na cold, stubborn, walang puso at demonyo.Masisisi niyo ba ako? Matapos ang nangyari 7 years ago? Anyway past is past.

Ay! Mayroon pa palang dalawang engot ang nakakakita nang ganitong side ko 'yon ay ang mga kaibi—

"YAAAAAAAHHHHH! KOOKIE! I'VE HEARD THE NEWS!"

"SPELL CELEBRATE!"

Hay nako! Ang bunganga talaga nila. Magsasalita palang sana ako but Hobi cut me off.

"YEAH THATS RIGHT ITS C TO THE E TO THE B TO THE E TO THE R TO THE A.T.E!—ARAY NAMAN!!" Sigaw sakin ni Hobi katapos ko siyang batukan. Ang ingay niya talaga! Kahit nasaan nalang eh!

"HAHAHAHAHAHAHA! BAGAY SAYO ANG INGAY—AYSJWIXMWKOW!" pinakain ko naman ng saging si Chim-Chim dahil kay ingay din kasi niya. Nakakastress 'tong mga kaibigan ko!

"Shut up! Ingay niyo talaga!" Suway ko sakanila. At ayun nag tuloy-tuloy na ang bangayan ng dalawa. Nagsisisihan sila kung sino ang mas maingay. Hay!

Napatingin ako sa kambal ko... Napaka-saya niya dahil lalabas na siya dito after 1 year na pagstay at halos gawin ng bahay ang hospital na ito. I'm so happy for him.

Masaya na siya dahil makakasama niya na ako at mararanasan niya na ang normal na buhay. Simula kase bata kami, lagi siyang nasa loob ng bahay. Mahina kase ang immune system niya at mabilis siyang magkasakit. Lagi siyang nadadala sa hospital. At noong nangyari ang trahediya 7 years ago mas napapadalas ang pagpapaconfine namin sakaniya. Buti nalang at magaling na siya ngayon. Well medyo sakitin pa din naman daw siya pero di na gaya nang dati na halos maulanan lang ay nilalagnat na.

Napapaluha ako kaya tumayo at nagbalat nalang ng apple para di nila ako mapansin. Naaawa kase ako sa kambal ko. 'Dito kase siya nagaaral. Naghired ako ng private teacher niya para kahit papaano ay mayroon siyang pagkaabalahan at hindi niya maranasan na napagiiwanan siya ng panahon.

Ilang taon na nga pala simula nang ma-kidnapped kami ng kambal ko. Ilang taon na din simula nang maulila kami dahil ang alam ko mayaman naman ang pamilya namin pero bakit 'di kami nahanap? Bakit 'di sila gumawa nang paraan? Masama ang loob ko kila Daddy, Mommy at lalo na kay Jinnie. Hinayahan niya kaming mawala, wala siyang nagawa. Bihasa naman siya sa pakikipaglaban ngunit bakit 'di niya kami hinanap? Siguro masaya na siya dahil wala ng kambal na mangaagaw ng atensyon ni Mommy na para sakaniya. Wala nang mangungulit sakanya at wala nang—

"Princess what are you thinking? Don't tell me you're still mad at them? Specially Jinnie?" Tanong ni Prince. Napatingin ako sakanila. Sobrang seryoso nilang tatlo. Para bang hinihintay ang sagot ko.

"They don't deserve my forgiveness. I don't know a person named Jinnie so stop saying it" malamig na sabi ko. Napatingin naman ang kambal ko saakin, nakikita ko ang awa sa mata niya. Palibhasa napakabait niya. At iyang kabaitan niya na 'yan ang dahilan kung bakit siya masasaktan sa hinaharap. Turuan ko kaya itong magmura? Ay 'wag na nga bad 'yon.

"'Wag mong hayaan mawala ang Princess ko" malungkot na sabi niya. Hay! Ako parin naman 'to Prince. Isasagot ko sana iyan kaso biglang nagring ang phone ko. Nagexcuse ako sandali at sinagot ang tawag.

📞Old Hag Calling...

[Jungshin! My Baby!] Malakas na sabi niya. Nakakainis naman itong ulyanin na ito.

"Just spill it. You shit!" Inis na sabi ko. Tumatawag lang kase ito kung may ipapagawa o kung may kailangan. Parang 'yung mga kaibigan niyo na kilala ka lang kapag may hihiramin at may pabor sa iyo diba? Ay humugot pa ako haha!

[You should greet me first] Natatawang sabi niya. Wala akong oras para makipag-asaran lang sakaniya 'no!

"Whatever, come on spill it. I don't have time for this. I need to pay my twin brother's bill." naasar na sabi ko. Agad naman siyang tumigil dahil alam niyang masama akong mapikon. Baka 'di ko gawin ang gusto niya.

[WOAH! Chill! 'Di kana nagbago! By the way, wala kana talagang oras dahil next monday kana papasok sa Big Hit Academy] sabi niya at gumawa pa ng sound effect ng gumagana ang oras. Tik! Tok!

"Okay. I still have one week. 'Wag excited" naasar na sabi ko. Matagal pa naman iyon eh.

[I'm just checking baka you for—] I didn't let him finish. I ended the call. Wala naman kaseng kwenta ang sinasabi niya.

Hoy! Just to clarify. Hindi ko Sugar Daddy iyon ha? Siya ang Master ko. Nagtrabaho ako bilang assassin niya. Isa siya sa pinaka makapangyarihan na Mafia Lord at gusto niyang pumasok ako sa Big Hit Academy na pagmamay-ari niya para magmanman dahil may isang traydor na nakapasok doon at isa-isang pinapatay ang mga kasapi ng ibang mafia. Isa itong prestigious school na mga mafia, gangster, artista o hindi kaya ay mayayaman ang mga nagaaral dito.

Walang nakakaalam sa sikreto ko. Ako lang. Hindi alam ng mga kaibigan at ng kambal ko. Anong sasabihin ko? Na para may panggamot ka Prince, pumapatay ako. Baka magpakamatay pa ang kapatid ko nang 'di oras.

Buti nandiyan ang dalawang kaibigan ko simula noong una palang. Pareho kaming apat na ulila at nagkakilala kami sa lansangan at sa murang edad ko nandudukot at kung ano-ano pa ang ginawa ko. Hanggang makilala ko si Master at tinrain ako lalo kaya kapag nasa Hospital ang kambal ko, nasa  underworld naman ako.

Underworld, 'yan ang lugar kung saan lahat ng bawal ay pwede. Pwedeng pumatay, pumatay at pumatay.

Hay! ano ba ang gagawin ko? Magaling na nga siya pero kailangan ko siyang iwan. Kailangan ko silang iwan.

"Princess may kailangan ka bang sabihin samin?" Malumanay na tanong ng kambal ko pero 'di ko alam kung bakit nabubulol ako.

"H-huh? A-ano kase—" siyempre dahil kambal ko siya. Kilalang-kilala niya na ako. Pero kilala niya nga ba talaga ako?

"Don't try to fool us Princess" sabi niya at huminga ako nang malalim. Bahala na ang puwet ng kabayo! Sasabihin ko na sakanila.

• • • • •

Don't forget to vote, comment your thoughts and share it to your love ones. I'll appreciate it. Thank you

If I Ruled The WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon