No.2

1 1 0
                                    

Jungshin's POV

Nakakita ng multo. 'Yan ang mukha nila. 'Di sila makapaniwala sa kinuwento ko. Halos walang sumabat sa pagkukwento ko.

Flashback...

"So, may aaminin sana ako pero sana walang sumabat or sumagot okay? Maliwanag ba?" Sabi ko. Pero hindi sila tumugon. Nakatingin lang sila saakin.

"Maliwanag ba!?" Medyo pasigaw na tanong ko kaya napatalon sila sa takot.

"Sabi mo 'wag kaming sumabat or sumagot! Go ahead!" Medyo asar na sabi ni Prince kaya sinamaan ko nang tingin. Ang pilosopo nila pero at the same time tama naman sila. Bobo ko pala minsan? So I just rolled my eyes. Tsk!

"So, isa akong assassin o reaper" nagstop ako para tignan ang reaksyon nila. Medyo okay lang naman, hindi naman sila nashock or ano.

"Nagtatrabaho ako sa isang grupo ng Mafia. Isang pinaka malakas na Mafia group. At ako ang pinaka-magaling na assassin nila. Since naulila tayong dalawa Prince, nagtrabaho ako sakanila para may pangtustos tayong dalawa. Pero 'wag kayong magalala dahil ang mafia na kinabibilangan ko ay kasama sa mga mababait, I mean ang pinapatay at kinakalaban namin ay ang Black Mafias. Mga mafia na gumagawa nang masasama at illegal na gawain" mahabang paliwanag ko. Tinignan ko sila medyo okay naman.

"Pwede na kayong magsalita!" Naiinis na sinabi ko. Dahil wala talagang nagbalak na magsalita. Takot lang siguro nila.

"Alam namin 'yan Shinie. Sa tingin mo ba hindi kami nagtataka kung bakit lagi kang nawawala?" Malumanay na sabi ni Hobi. Shinie ang tawag niya saken at ang tawag naman ni Chim-Chim saken ay Shin-Shin.

"Paano nyo nalaman? sinundan niyo ba ako? Alam niyong delikado ang ginagawa ko" nagaalalang sabi ko. Ayaw ko kaseng mapahamak sila. Sila lang ang pamilya ko.

"Nako Shin-Shin! Sobrang hirap mong sundan ilang beses na naming binalak na sundan ka pero nawawala ka bigla" sabi ni Chim-Chim.

"Huh? Kung ganon, paano niyo nalaman?" Nagtatakang tanong ko. Imposible nga naman kaseng masundan ako dahil mabilis at malinis ako kung gumalaw.

"Ah, may nagpadala kaseng picture at sulat samin noong isang araw, noong araw na wala ka. Saktong nandito ang dalawa kaya ayon" paliwanag ni Prince. Picture? Sulat? Sino naman?

"Sino? Nasaan? Patingin!" Medyo nainis na sabi ko. Dahil siyempre nacucurious din ako 'no!

"Ewan. Mister B lang ang nakalagay sa sender ng sulat at 'yung picture medyo—uhhmmm. ayon nasa may cabinet tignan mo nalang" medyo ilang na sabi ni Prince. Tumayo ako at kinuha ang sulat at picture na sinasabi nila.

What the freaking frog!

Bakit? Bakit ito pa ang pinadala nilang picture! Argh! Nakakaasar. Paano ba naman ang picture ay ako na puno ng dugo at maraming katawan ang nakahilata sa sahig at lahat sila ay patay. May hawak akong katana sa kaliwang kamay ko at isang puso naman sa kanang kamay ko at nakangiti akong demonyo. At ang sulat kamay na ito. Alam ko na sinong Mister B. Humanda siya saken!

Napatingin ako sa tatlo at nakangiti lang sila. Nahiya naman ako bigla, ewan ko lang kung bakit.

"'Wag kang magalala walang nagbago sa pagtingin namin sa iyo. Halika nga dito!" Malambing na sabi ni Prince at hinila ako sa kamay at kinulong ako sa kanilang braso. 'Di na ako makahinga grabe!

"Gu-guys! Wait! I can't fucking— guys! 'Di na ako makahinga ano ba!" Inis na sabi ko. Tinignan ko sila nang masama at ang tatlong itlog nagpeace sign lang. I just rolled my precious eyes at them.

Kinuha ko ang phone ko at dinial ang number ng matandang ulyanin na iyon. Niloudspeaker ko naman ito.

[So? Ano? Alam mo na ba ha? My bab—] 'di ko hilig magpatapos kung walang sasabihing matino.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 01, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

If I Ruled The WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon