C1 - CHOSEN PATH

7.1K 171 23
                                    

Sa may pasalubong sa akin na Kylie Lipstick in Infatuation and Passion. Ayeee. Lab u kapatid. 😘 Balikbayan GorgeousAthena07 hahaha #teamkokak

C H A P T E R 1

______________________

"One hundred fifty thousand pesos ang kailangan mo para sa panganganak ng nanay mong kwarenta anyos, iha. May mayoma siya ay siguradong mangangailangan siya ng maraming dugo at lalaki pa ang bill kapag magdesisyon tayong gamutin siya." Iyon ang sinabi ng duktor kay Niña Catharine nang kausapin niya ito sa loob ng opisina.

Isang Obstetrician si Dra. Epifania na inirekomenda sa kanya ng private hospital na pinagdalhan niya sa nanay niya matapos na sumakit ang t'yan. Ayaw niyang mapahamak ang ina niya lalo na ang kaisa-isang kapatid niya na nasa t'yan noon, pero saan siya magbubungkal ng mahigit sa isandaang libong piso? Ni pang-almusal nga ay hirap sila dahil nagtitinda lang naman siya ng mga kakanin sa palengke tapos heto at may gastusan pa siyang daang libo?

Diyos ko po.

Matatag siyang babae sa kabila ng edad niyang bente anyos. Subok siya ng buhay pero ngayon ay naiiyak siya. Wala siyang yaman, walang pera, walang bahay na maganda dahil tagpi-tagpi ang bahay nila na ilang metro lang ang layo sa tulay na kapag bumabaha ay kasamang inaanod ng malakas na agos. Nag-aaral naman siya kaya lang ay hindi siya makatapos dahil patigil-tigil. Kung minsan ay nauunahan pa siya sa mga scholarship programs dahil wala siyang kapit.

Wala siyang kapit kasi hindi naman siya tuko.

"Salamat po duktora. Basta kayo na po ang bahala sa Nanay ko at sa kapatid ko. Ako na po ang bahala sa pera." Matatag pa rin niyang sabi rito na mukhang awa sa kanyang tumingin. Tumango ito at ngumiti sa kanya.

"Makakaasa ka."

Tumayo siya at naglakad papalabas ng opisina. Kailangan niyang makadiskarte ng pera para sa dalawang yaman ng buhay niya.

Kaya lang ay bumulwak ang galit niya sa lalaking naging ka-live in ng nanay niya na matapos malaman na nagbubuntis ay galit pa ang demonyong 'yon at lumayas na walang paalam. Tapos ang nanay naman niya ay iiyak-iyak.

"Ayan, sige ,nay, bukaka lang nang bukaka na parang palaka para naman mukha kang bullfrog na nasobrahan sa himas kaya lumobo ang t'yan." Daldal nya sa nanay niya nang makita iyon na iiyak-iyak matapos na iwanan ng hinayupak na miron, sugarol na, lasenggo pa.

Noong una pa-responsible effect ang dyablo at paligaw-ligaw sa ina niyang lukarit naman at nadala sa pa-beautiful eyes. Ano naman ang karapatan niyang humadlang ay hindi naman niya maibibigay ang kakaibang kaligayahan na gusto ng ina niya?

Bata pa siya pero hindi siya bulag sa nakikita ng mga mata niya sa paligid. Nawala ang kainosentehan ng utak niya ay nang minsan na manguha siya ng saging sa sagingan at ibang saging ang nakita niya. Maitim na saging at may buhok. Ang taga kabilang tulay na si Alfon na tagahuli ng suso sa ilog. Ang bwisit na 'yon ay pinatayo lang si Lupe na tagatinda naman ng gulay na pako sa katawan ng saging at shoot na kaagad ang bwisit na pagkalalaki ni Alfon.

Kakaripas sana siya ng takbo kaya lang hindi niya nagawa lalo na nang parang makita niyang nahihibang ang babae na umaatungal na parang asong ulol. Curious na pinanood niya ang dalawa na kahit may mga saplot ay nakakapagtalik.

Pero 'yon na ang una at huli dahil hindi na 'yon nasundan pa ng kalaswaan.

Napabuga siya nang hangin nang silipin ang ina niya sa labor room. Hindi siya nagpapakita sa ina ng kahinaan dahil ayaw niyang makunsensya ang nanay niya. Mabait naman kasi ang nanay niya at lukarit nga o sa ibang salita ay luka-luka. Wala naman itong sayad sa utak pero parang ganoon na rin dahil sobrang mabiro at walang pilo kaya ang daming ka-chismisan lalo kapag nasa palengke at nakikitinda ng isda o gulay ko kung ano pa man na pwedeng itinda. Kaya nga yata lapitin ng lalaki kahit na medyo may edad na.

TRADED✔️(inc)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon