C4 - TRUTH & LIES

5.1K 219 28
                                    

For the Catharine of my life, my ate LadyEmpiratrice

C H A P T E R 4

________________

Nanghihinang pilit na tumayo si Catharine nang maramdaman niya ang paggaan ng likod niya. Umalis ang babae sa pagkakasakay sa kanya. Umalis ba o inalis ng lalaking kaboses ng namatay na Señor Abelardo?

"The investigation isn't fully done. You can't hurt her just like that." Mariin na sabi ng lalaki pero lalong umiyak ang babae.

"What further investigation, Dark? It was clearly stated that there was a drug in your Dad's bloodstream! Ano pang proof ang kailangan mo?! May syringe, may pera? May drugs? Come on Dark! Don't fucking tell me that you'll let this pass!"

"I won't." Bumaba ang tono ng lalaki pero kung bakit lalong napaluha si Catharine.

He won't let this pass? Si Dark na nga ang lalaki na natatakot niyang malingunan kung katulad ng sabi ng ama nito ay mukhang isinanla na raw kay Satanas ang kaluluwa. Ibig sabihin ay kaya siya nitong patayin kung talagang madidiin siya na siya ang may kagagawan sa pagkamatay ng matanda.

Ano bang nangyayari sa buhay niya?

"Aayusin ko lang ang burol ni Daddy at maghaharap kami ng babaeng 'yan." May bakas na ng galit sa boses nito kaya tuluyan na siyang lumingon.

At sa pagkagulat niya ay napatigil siya sa paghikbi nang maaninag niya ang mukha nito sa malamlam na ilaw.

Sa kabila ng nanlalabo niyang paningin at kumakabog na dibdib ay nakuha pa niyang makita ang kagwapuhan ng lalaking nakatayo sa tabi ng isang babae na seksing-sexy at madilim ang mukha habang umiiyak.

He isn't dark. He is gorgeous, masculine, tall and sexy.

Napatitig din ito sa mukha niya pero wala siyang makitang emosyon sa mga mata nito na tingin niya ay dark brown ang kulay.

"Get out Fiona. I'll handle this." Utos nito sa babae na hindi tumitigil sa paghikbi.

Wala man lang itinapon na sulyap ang lalaki roon at nakatutok lang sa kanya ang mga mata.

Para siyang lalong nanghina sa tiim ng titig ng lalaki na parang nakakasunog ng kaluluwa.

Diyos ko... nayakap niya ang sarili at naiilang na napaiwas ng tingin pero hindi niya napigil na huwag ulit tingnan sa mata.

Lumabas ang babae at isinara ang pintuan. Nabalot lalo ng lamig ang buo niyang sistema nang maiwan silang dalawa pero hindi niya magawang bawiin ang mga mata. Inaaral niya ang emosyon na meron sa mukha ng lalaki pero wala siyang makita bukod sa galit.

He's analyzing her as well until his eyes traveled across her body. Dumako ang mga mata nito sa maliit niyang baywang at sa hita niyang balot ng leggings. Iyon nga ba ang tinitingnan nito o ang bakat niyang pagkababae?

"I could kill you, as if you don't know." Basag nito sa katahimikan.

Alam ko. Sinabi na ng ama mo.

Hindi niya magawang sabihin iyon dahil lahat ng lakas ng loob ay tinakasan na siya. Humikbi na lang siya at pinahid ang luha pero may kasamang dugo iyon dahil sa sugat niya.

"Lights on." Anang lalaki at napatakip si Catharine ng mukha nang biglang lumiwanag ang paligid at mas higit iyon sa inaasan niyang liwanag. Pumikit siya dahil masakit sa mata pero sa isang iglap nang magmulat siya ay nasa mismong harap na nila ang lalaki na animo ay isang bampira sa bilis ng kilos at walang kaingay-ingay na ginawa ang sapatos.

Napaatras siya pero malabakal na kamay ang humawak sa maliit niyang braso kaya napatingala siya.

Hindi pala dark brown ang mata ng lalaki kung hindi light. His eyes are expressive but dead.

TRADED✔️(inc)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon