Chapter 17

4 3 0
                                    

Kim Hae Soo

   Nang maihatid ako ni Re Hwa sa bahay ng Exo ay agad din syang umalis.

  Dali-dali akong kumatok sa pintuan at pinagbuksan naman ako ni Suho. Binati ko sya at pinapasok nya naman ako.

"Tulog pa ba si Xiumin?"

"Alam mo ba kung asan si Xiumin?"

  Parehas kaming nagulat sa tanong ng isa't isa. Ano?

"Anong ibig mong sabihin sa tanong na yan?"

   Napailing muna sya bago sumagot. "Simula pa kagabi, Paghatid nya kay Ae Jin ay hindi pa rin sya bumabalik"

  Wha...t?

"Baka nandoon sya kila Ae Jin nakitulog tutal gabing gabi na 'yon?" tanong ko kahit medyo kinakabahan ako. Umiling naman si Suho. "Kinausap na namin si Ae Jin pero ang sabi nya ay pagkahatid sa kanya ni Xiumin hyung ay agad din syang umalis kahit sinabihan nya na itong doon muna magpalipas ng gabi"

   "Kung wala sya kila Ae Jin, Saan naman sya pwedeng pumunta?" tanong ko dahil hindi ko na alam ang gagawin ko. "Hinala na rin namin na kasama mo sya pero sinabi ni Baekhyun na hinatid ka na raw nya sa inyo ng gabing yun bago sya umuwi"

   Natahimik ako at napaisip. Ano ba talaga ang nangyari? Could it be....

  "Hae Soo, May dapat ba kaming malaman?"

  Agad namang bumaling ang tingin ko kay Suho. "Alam mong ngayon na ang tamang panahon para magsabi ng kung ano man" I sighed then looked directly in his eyes then started telling him the story.

"So sa tingin mo ay may kinalaman ang taong yun sa pagkawala ni Xiumin hyung ngayon?" tanong nya kaya tumango ako.

  "Sya lang ang naiisip kong dahilan kung bakit nawawala si Xiumin ngayon, Pwera na lang kung trip ni Xiumin na bumili ng toyo sa America"

"For now, We need to make sure you're safe"

"Pagkatapos nun ano na? Di ba natin pwedeng ireport 'to sa pulis?"

"Well, Wala pang 24 hours simula ng mawala si Xiumin hyung so baka wala lang din"

"Hindi naman sya nawawala eh! Kinidnap sya!" Hindi ko mapigilang bahagyang mataas ang boses ko. "Pasensya na, Kinakabahan at nag aalala lang talaga ako ng sobra para kay Xiumin"

  "It's fine. For now, Your safety is our number one priority. Hindi natin alam nasa paligid lang sya at nagmamasid"

"If i can do anything to help just tell me, Okay?" Tinanguan nya ako at nginitian. "Maaayos din ang lahat. Umuwi ka muna ngayon, Ipapahatid na lang kita kay Chen at Baekhyun"

***

  "Noona, Mahahanap din natin si Hyung di ba?" tanong ni Baekhyun. Nginitian ko sya at sinabing "Oo naman, Bumili lang naman 'yon ng toyo sa America" Napangiti naman sya ng kaunti.

  "Paano mo nagagawang maging masaya kahit ganito na ang nangyayari?" Nabaling ang atensyon ko kay Chen na nagdadrive dahil sa tanong nya.

  "Kung magiging malungkot ba ako, May maiitulong ba ako? Wala naman di ba? At tsaka magiging pabigat lang ako lalo"

  "Naikwento na ni Baek sa akin ang mga nangyayari kaya mas lalo akong nag aalala"

 
  "Mahahanap din natin sya. Hindi pa nga nya ako sinasagot. Kaya hahanapin ko sya kahit saan pang sulok ng mundo, Kung may sulok man ito"

7 S H A D E S O F R H E D

[MYGAHD Malapit na ang pagtatapos ng ending ng wakas ng storyang ito. 3 Chapters na lang plus epilogue. Huehue kung matapos man 'to ay ito ang magiging kaunaunahang storyang natapos ko maliban sa mga One Shot stories. So yeah see youuuu]

Call you BaeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon