How to apologize???

11 0 0
                                    

["Nak! Umuwi ka naman dito!"]

"Ayoko"

["Miss ka na ng mga kapatid mo dito sa Korea!"]

"Ayoko nga. 'Pede bang 'wag kayong mamimilit?"

["Dito mo ba ipagpapatuloy ang pag-aaral mo?"]

" 'di ko alam at hindi ko alam!!! Pede ba!"

*tututt! tututt!*

Pagkababa ko sa tawag ni mama, sumalampak agad ako sa sofa at binuksan na lang ang tv. Sasayangin ko na lang ang oras ko sa kakaunod kaysa kausapin ang mabunganga kong mama....

Sino ba namang hindi maiinis na sa pagkagising mo tawag at boses na akala mong nakalunok ng mega phone sa Korea ng mama mo ang sasalubong sa iyo?

"Oh? Si Tita ba yung tumawag?" I nod. "Anong sabi?" umupo siya sa tabi ko at inabutan ako ng cola, tinanggihan ko naman. Ikaw kaya umagang-umaga uminom ng cola? Tapos wala pang breakfast! Takte! Sakit ata ng tiyan ang habol nito eh!

"Pinapauwi niya na ako sa Korea"

Uminom naman siya ng cola niya. "Ano naman ang sinagot mo?"

"Siyempre hindi! Matagal ko ng sinasabi sa kaniya iyan diba? Pero hanggang ngayon hindi niya parin maintindihan!"

"Easy lang. Ako ba si Tita?"

"Eh, badtrip eh! Daig pa ang sirang plaka sa kakaulit!"

Napatawa siya ng bahagya. "Anong tinatawa mo diyan?" irita kong tanong

"Para ka ng si Tita magsalita. Like mother like daughter" binato ko nga ng unan, tss, ayokong maging katulad niya noh! "Well, pero babalik ka pa ba sa Korea?"

I shrug. "I don't know. Maybe yes? Maybe no? Ayoko muna"

Tumayo siya. "Sige, support kita sa desisyon mo" humawak siya sa tiyan niya, kaya napataas ako ng kilay. "Punta muna sa CR, gumagaralgal ang sikmura ko" sabay takbo sa taas

Sabi sa inyo eh! Sasakit ang tiyan niya diyan eh. Cola for breakfast end with grumbling tiyan. Lakas din kase ng trip eh! Makalabas na nga lang....

Habang papunta sa may pinto, nahagip ng mata ko ang isang bat, glove at bola ng baseball. Kinuha ko ito at dumeretso na sa labas. Magpapainti muna ako bago pumunta sa school..


•°•°•°• Master Sec P. O. V

"Master, aalis na ba tayo?" naiinip na tanong ni Gina, troupe mate ko

"Mamaya na. Aantayin natin sina Third at Erst" I stated

Tumango lang siya at umupo sa sofa at nagkalikot na ng cellphone niya. While me, standing pretty waiting for my prince charmings... Choss! Actually si Erst lang naman ang prince sa kanilang dalawa, si Third kase girl pero mukha na siyang boy sa paningin ko. Biruin niyo ba naman nagpaikli ng buhok at naging kamukha niya pa ang isa sa mga F4, eh long hair yung mga iyon diba? Tapos minsan gentleman or should I say gentlewoman?

Minsan nga iniisip ko na sana lalake na lang si Third. Kung hindi lang dahil sa flat niyang dibdib magmumukha na talaga siyang lalake. Actually, crush siya ng lahat sa campus. Every boys ang girls admire ang peg! Aumph! Pero siyempre inggit sila sa akin dahil close ko ang campus crush ng campus

"Oh! Master andiyan na po---"

Bago niya pa maipagpatuloy ang sasabihin ng troupe mate ko, lumabas na agad ako at sinalubong sila. 'Di halatang excited noh?

"Hi Erst and Third!" I waved excitedly at them, pero si Erst lang ang sumagot at nag-wave sa akin pabalik

Kahit malungkot deep inside, nagpanggap na lang akong masaya outside. Ganiyan naman talaga si Third eh, tamang tahimik lang, minimize words only just like a royalty. But that's okay lang, good looking naman sila parehas.

Si Erst with his school uniform while Third is dashing with her denim polo, black rip jeans and white sneakers. Opo, naka-sibillian si ate girl ayaw niyang mag-school uniform. Sila naman ang may-ari ng school campus na pinapasukan namin at tsaka isa pa hindi naman siya pumapasok sa sched hours niya.

Doon siya sa principal's office or dean ata ang tawag then doon na siya nag-aaral. That's fine pinsan naman niya ang principal eh at meron din nagtuturo sa kaniya doon.

"Alis na tayo?" excited ko parin na tanong sa kanila

Erst nod. "Oo, tapos tambay tayo sa library. Doon na lang ako gagawa ng assignments sa library"

"Ay! Oo ako rin. Free wifi doon Master diba?"

"Sige tara, gora na!"

Nagsimula na kameng sumakay lahat sa dalawang black hi-ace van, don't worry mukang maliit sa labas pero maluwag sa ito sa loob. Habang nakasakay na ang lahat, isa ang hindi ko napansin sa loob ng van

"Asan si Third?" tanong ko kay Erst na katabi ko sa two passenger seat, nginuso niya ang direksiyon ni Third

Meron na naman siyang kausap sa cellphone. But, weird cause she's smiling from ear to ear na parang girlfriend or boyfriend niya ang kausap niya na malabong mangyare. Basted lahat ng nanligaw sa kaniya. Sino kaya iyon? Curiousity took all of my system. Nangangate ako, I need to know who she talk to. Pagkatapos ng tawag ay dumeretso siya sa harap at kinatok ang bintana, binaba naman ni Erst ang bintana.

"Sino iyon?" I asked, 'wag magpahalata na curious ako

Her smile faded. "Ano naman sayo?" ay! Shungit! Tumingin siya kay Erst. "Una na ako sa inyo ah. May kakausapin pa ako eh" sabay alis

So, hindi siya sasabay sa amin?....

"Third!" humarap siya. "Sabay ka sa amin pauwi?"

She shrug. "Sa kanila lang, hindi sayo!" sabay sakay sa motor niya at umalis na

What a meanie girl. Pero okay lang, sanay na ako sa kaniya. Umalis na kame at tahimik ang buong biyahe....

"Hindi na talaga siya nagbago noh?" napatingin ako kay Erst, bigla-bigla na lang kase nagsasalita

Hindi ako sumagot. "Hindi niya parin ba makalimutan iyon? Ikaw naman kasi bakit mo---"

"Oo na! Oo na! My fault, my fault! Happy? Akala ko kase ayos lang sa kaniya"

"Akala? Maraming namamatay diyan sa salitang iyan Sec"

I eyed him wierdly.... "Seriously?"

Natawa siya ng bahagya at napailing pa ang ulo. "Hindi noh! Kasabihan lang iyon! Pero please umayos na kayong dalawa" then nagpasak na siya ng earhones sa tenga niya, sign na hindi na siya magsasalita

I sighed exasperately. Oo, kasalanan ko na pero wala akong maisip na paraan na makabawi sa kaniya...

"Hay naku! Gina, kung may dahilan may paraan kung wala edi wala!"

"Ano? Diba, kung ayaw may dahilan kung gusto may paraan?"

"Teka nga! Ako ba sila? At tsaka sa akin ka humihingi ng advice diba? Kanino ka makikinig? Sa kanila o sa akin?"

"Ewan ko sayo"

"Pasalamat ka wala si Kiel dito, kundi binuking na kita"

"Tse! Shut up!"

Hayyy.... Shems! Sakto pa talaga ah! Pero actually my point sila eh.... Okay! Gagawin ko lahat para makalimutan ni Third ang bagay na iyon....

She's My GangsterWhere stories live. Discover now