At the Reception

11 0 0
                                    

Maraming pagkain at mukang nasasarapan ang mga bisita ng pinsan ko. Aba siyempre dapat lang, galing kaya sa akin ang mga recipe na iyan, in short mga employees ko ang nagluto niyan hahahaha. Proud to be a chef....

"Master ang sarap talaga ng recipe mo!"
"Asan ung specialty mo dito Master?"
"Ano namang gagawin mo dun?"
"Malamang kakainin! Tanga mo rin e noh?"
"Tongak! Lahat kaya yan specialty ni Master!"
"Buang! Kada chef merong isang pinaka special na dish! Puro ka kase kain ang ginagawa mo kaya hindi mo iyon alam"
"Ewan ko sayo. Kumain ka na nga lang. Lalo akong nagugutom sayo e"
"Baka maubusan mo bisita ni Ate Dean!"
"Anong sabi mo?"
"Narinig mo naman diba? Bakit ko pa uulitin? Bin---"

"Pede bang tumigil kayo!!" suway ko sa kanila na siya namang ikanatigil nila. Buti naman, ang sakit kaya sa tenga ng nga bunganga nila.

"Sorry Master" paghingi naman nila ng sorry

Bumalik na lang ako sa table namin nina Erst. Kukuha sana ako ng pagkain, nawalan na ako ng gana e ano ba yan! Hay, hayaan niyo na makakakain ko pa naman iyan e. Lulutuin ko na lang sa bahay

"Musta yung pagkain?" bungad ni insan pagkaupong pagkaupo ko pa lang

Ako pa talaga ang tinanong. "Masarap siyempre. Recipe ko ata iyan" proud kong sabi

"Ikaw ba? Sina Erst tinatanong ko" bara niya

Tss. "Ewan ko sayo" ngayong gutom pa naman ako ang sarap mang away, pero no nagbago na ako. Matino na ako

Lumapit siya sa akin sabay akbay. Tss, tinanggal ko nga. "Ito naman napaka matampuhin. Ganiyan ka na simula ng makabalik ka dito"

Tss. Promise ko kase sa sarili ko magbabago na ako.... At siyempre kasama na doon ang maging cold towards sayo. Hayy.... -__-

"Hayy Insan! Tara" hinatak niya ako, hindi naman ako pumiglas. Shet! Ano ba iyan! "Puntahan natin family ni Mahal"

Napatingin ako sa kaniya sabay taas ng kilay😕. Ano daw? Mahal? Tss.....

"Ang panget naman ng endearment niyo" I mumble out

Napatigil siya so I finally crossed my arms out, 😰salamat bumitaw din. I just look at her at nakita ko siyang malditang nakataray sa akin......

"Oh bakit?" I coldly asked

"Grabe ka naman, kapag ikaw nagka jo---"

"Na hinding-hindi mangyayare. Mas gugustuhin ko pang tumandang mag isa kaysa mangunsume sa mga taong panakit ulo lang" I explained my side to her

Totoo naman e. Simula ng mangyare yung kay Natalie at sa akin.....parang ayoko ng magka jowa kahit kelan. Mga panakit ulo lang kase e. Ayoko nang sumakit ulo ko, baka mapabayaan ko pa ang mga mahahalaga sa akin.....

"Ewan ko sayo. Keganda ganda mo tapos mas lalake ka pa mag isip kaysa sa Gang mo"

"Para san pa, na naging Master ako diba?" I rolled eyes. "Tss, asan ba table ng 'mahal' mo?" I make face the last word. La lang feel ko lang

"Ayun oh!" nginuso niya sa akin ang table ng siguro ay parents ng asawa niya. "Tara dali!" sabay hatak niya sa akin, gg ka teh?

Pagkadating namin sa table ng parents ng asawa niya, pinakilala niya ako as her cousin at ang chef na nagluto for the reception. Siyempre kinomplement nila ako, hah! Ako pa ba?😎

"Dylan! Asan na ba ang kapatid mo?" tanong ng matandang babae sa asawa ni insan Dean. Ang ganda naman pala ng pangalan ng asawa niya, Dylan..... naks! Lakas maka-pogi

"Ma! Padating na daw siya. May dinaanan lang daw siya"

"I-text mo, sabihin mong dalian. Baka matapos na yung party wala parin siya"

"Yes ma!" naks! Masunurin naman pala, napatingin ako sa pinsan ko, tss. Siguro diyan nahulog si insan Dean?

"May kapatid ka pala, kuya?" hahahahaa, ngayon lang ako magalang. May expiration date din iyan.....

Napatingin siya sa akin. "Oo, actually magkasing edad kayo. Hindi mo pa ba siya nakikilala?" obvious ba? Magtatanong ba ako kung hinde? Tss (-_-)

Umiling lang ako. Tumango lang siya at ayun may tumawag muna sa kaniya. Di ko alam na may kapatid pala siya. Ano kaya itsura nun? Sana naman hindi katulad ng lalakeng nanakit sa akin dati... Ayoko ng banggitin pangalan niya....

Tango diyan tango dito. Thank you diyan thank you dito. Pa-humble dito pa-humble doon..... Hayyy, wohoooo! Kanina pa ako hatak hatak ng pinsan ko papalapit sa mga bisita nila. Haiyst! Yung totoo? Mas mukang akin yung party kaysa sa bagong kasal ah?..... Pero okay lang atleast nakakuha na ako ng mga taong kukuha sa business ko for catering, actually restaurant and pastry lang kame pero binago ko na, hehehehe sayang naman diba? May mga kukuha sayo for party caterings. Sikat ka na busog pa sila. San ka pa? Hahahaaah dito ka na😂

Nang bitawan ako ni insan Dean, umupo muna ako sa table namin nina Erst. Wala sila doon kaya ako lang mag isa sa table, okay lang sanay na akong mag isa :'(... Tss, ang drama XD... Nagbasa na lang ako ng notes ko. Bakit ko iyan ginagawa? Well, wala lang ako magawa. Buti nga natitiis ko magbasa kahit maingay eh!

"Busy ah?" napatingin ako sa may ari ng boses. (• •)....

"Bakit ka nandito?" curious lang, ayaw niya kaseng pumunta sa mga ganitong parties e, ewan ko kung bakit.....

Umupo siya sa katabi kong upuan. He shrug. "Bakit, bawal na ba akong pumunta sa party ng pinsan ko?" taas kilay niyang tanong.

Pinsan? Tama pagkakarinig ko diba? Party ng pinsan niya? Hah! Wow! Hindi ko alam iyon ah? Naging kaibigan ko siya lahat lahat, tapos hanggang ngayon hindi ko pa alam na pinsan niya ang asawa ni insan Dean?.... What a small world...

"Tsaka, pumunta na rin ako kase sabi niya restaurant mo daw ang mag-oorganize para sa mga pagkain" dagdag niya. "Nakaka-miss kaya ang mga luto mo" dagdag na compliment niya

"Jonard, hindi ako siopao para bola-bolahin mo, okay?" bara ko sa kaniya, halata naman kase ang ginagawa niya (-_-')

"Aish! Hindi ka parin nagbabago" humawak siya sa tiyan niya. "Nagutom tuloy ako nung sinabi mong siopao" he purse his lips, hehehe.... -_- hindi naman bagay

"Edi kumain ka. Marami namang pagkain doon oh!" sabi ko sabay turo sa lugar kung nasaan ang mga pagkain

"Ayaw. Busog ako e"

Napatingin ako sa kaniya sabay taas ng kilay. Sabi niya nagugutom siya? Tas ngayon sasabihin niyang busog siya? Yung totoo? Lokohan, biruan?😑😕😐

"Buang ka na talaga, Jo---"

"JONARD!!!!"

Sabay kameng napatingin sa direksiyon ng boses, pero hindi ko nakita....tumayo kase agad si Kuya Jonard e! Ang laking bara, nakaharang ba naman e..... So pinabayaan ko na lang. Baka kaibigan niya lang, hindi ko naman kilala so ipagpapatuloy ko na lang ang pag---

"Master!"

Napatingin ako. Lumapit sa akin yung isa sa mga alagad namin. Pinapatawag daw ulit ako ni insan Dean. Meron daw siyang ipapakilala sa amin nina Sec at Erst. Siguro isa sa mga co-business partners niya, hayyy, ewan.... I sighed. Mukang sa bahay na lang ako magbabasa ng maayos. Mga panggulo yung mga tao dito e....😑

She's My GangsterWhere stories live. Discover now