KASH ECHAVEZ :Monday..
Monday morning nang mag text si Mrs. Galvez para ipaalam na ngayon ang lipat ni Kash pansamantala sa bahay ko, monday morning din ng puntahan ako ni Patricia, nag kwento ako about sa usapan namin ni Mrs. Galvez
"What? Are you out of your mind? Eh hindi mo nga kilala ang taong yun! Gad Dime! Nung Wednesday lang kayo nagkita"
Singhal nya sakin habang naka pamewang pa with matching taas kilayTinaasan ko din sya ng kilay, problema nito? Anong inuungot ungot nya eh nagpa renta din naman sya dati sa ilalim ng bahay nya
"Ano ba itsura? "
Tanong nya ulit pero inirapan ko sya"Basta!"
Asar ko namang sagot sa kanya, nga pala! Kaka break lang nito ng jowa nya kaya pumunta dito. Dito nagwawala"Gwapo ba?"
Lumapit sya sa tabi ko at parang kuminang yung mga naghihintay na um-oo ako
"Hindi" Napakamot agad sya sa ulo nya tsaka marahang tumayo at pumuntang kusina. Abangers din to ng gwapo. Parang ako dati"Pat! Akala ko ba interasado ka?"
"Okay lang ako! Nag momove on pa ako"
Psh. Move on her face! Napailing nalang ako tsaka nanuod ng tv pero wala pang ilang minuto nang may sunod sunod na bumusina sa labas
"Ugh! Ano ba yun?"
Nilakasan ko pa yung volume nang tv ko nang dumaan si Pat sa harap ko. May dala nanaman pancake! Busett talaga to sya lagi taga ubos ng mga pancakes ko
"Hep!"
Sigaw ko sa kanya bago sya maupo, napahinto naman sya saka tumingin sakin ng masama. Sya pa galit!"Akin na muna yan!"
Kinuha ko sa kanya yung isang plato ng pancake pero di pa din nya binibitawan, sunod sunod pa din yung busina ng kotse sa baba kaya naririndi na ako"Teka lang! Ano ba kasi yun?"
Reklamo nya tsaka binitawan yung plato
"Tignan mo muna yung tao sa baba"
Utos ko saka kumuha ng pancake na niluto nya. Para silang kumikinang sa mga mata ko"May sakit ka talagang KATAM! Hmp!"
Irap nya pero nginisian ko nalang. Di din naman sya makakapalag dahil laging nasakin ang huling halakhak"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH"
Dali dali akong napalabas nang marinig ko ang sigaw ni Pat, nabasag pa yung plato ng pancakes dahil sa gulat ko
"Anong nangyare?"
Tanong ko sa kanya ng makalapit ako, chineck ko pa yung kabuuan nya kung may galos o ano eh wala naman
"Ang OA mo naman! Kyaaaah di mo sinasabi sakin may bisita ka pala"
Saad nya saka sya ngumuso nguso at tinuro yung labas ng gateConfused naman akong napalingon dun nang makita ko si Kash.
"Kash!" Tawag ko sa kanya habang gulat pa
Aaaaaaaaahhhhhhh kaya naman pala! Nabighani ang besprend ko kay Kash. Kasi naman mga veh! Naka sando lang at kitang kita ang naglalakihang biceps. Walanghiya! May balak pa atang mag bold sa harap namin
"Hi"
Bati nya with accent, umurong naman si Pat sa gilid ko at siniko pa ako ng bahagya"I thought mamaya ka pa—"
"I'm sorry, na excite kasi ako"
Muli nyang saad saka ngumiti. Mas lalo pa akong siniko ni Pat kaya napaurong ako at tinignan sya ng masama"Girl! Baka naman ehehe" Patricia said and gritted her teeth
"By the way, Kash this is Patricia my best friend and Pat he's Kash. Ampon ko"
Saad ko pero tumawa silang dalawa. Did I say something wrong?Nagshake hands sila ni Pat habang tumatawa pa din
"What's wrong?"Ngumiti lalo si Kash, it makes him gwapo
"Ampon?"
Tanong nya, natatawa talaga ako every time na nagsasalita sya in tagalog. Hindi talaga nawawala yung accent nya"Oo! Ampon kita—"
"Amponin mo na din ako Dime"
Singit ni Pat at siniko akong muli. Ang sadista talaga nito! Kanina pa nya sinisiko, sikmuraan ko kaya to?"Ayoko nga! May bahay ka naman. Di bale sana kung palaboy laboy ka katulad nitong si Kash—"
"Grabe ka naman sakin! Tirik na tirik yung araw tapos di pa ako kumakain tapos sinabihan mo pa akong ampon? It hurts me so much "
Hinawakan pa ni Kash yung dibdib nya saka sya umarteng parang nasasaktan. Ang gwapo gwapo nya pero mukhang may saltik to"Bakit? Inampon naman talaga kita eh, tara na nga! Kawawa ka naman"
Hihilahin ko na sana sya kaya lang muli pang nagsalita si Pat
"Let's go! T-tour kita sa bahay ni Dime"
Tumigil ako sa paglalakad at tinignan si Pat"Oh kala ko ba nag momove on ka?"
"He he he oo nga! Tara na"
Patakbong nag una una si Pat sa loob. Tsk. Abnormal talaga kahit kailan -_-