Takbo
Takbo
TakboPatuloy akong tumatakbo sa hindi ko maipaliwanag na lugar. Tingin sa kaliwa tingin sa kanan. Paulit ulit lang ang paligid na aking nakikita. Saan ba ito patungo? Bakit parang humihinga ako sa kawalan? Para bang may bumabalot na kung ano sa aking katauhan, magulo, sobrang gulo hindi ko maintindihan.
Argh.
Ang sakit ng ulo ko. Alas dos y medya pa lang pala ng madaling araw. Anong klaseng panaginip ba yon? Unang pagkakataon na managinip ako ng ganoon.
"Oh bakit ka nagising iha?" Si manang Dahlia.
"Naalimpungatan lang po manang, kung pwede po pasuyo ng maiinom"
"Ahh ganoon ba, sige iha ikukuha kita saglit"
I'm Angela, Angela Gutierrez Del Valle, Labing syam na taong gulang at nag iisang anak na babae ng aming mga magulang, mayroon akong apat na kapatid na puro lalaki ngunit lahat sila ay nasa iba't ibang bansa, panganay si kuya Vinn, 36, sumunod si kuya Liam, 33, pangatlo si kuya Sam, 28, pang apat si kuya Tim, 26, at ako ang bunso na pahabol lang sa pimilya.
Ako na lang ang naiwan dito sa Pilipinas, once or thrice a year ay umuuwi silang lahat dito para magkaroon ng salo-salo. Kina manang Dahlia at manong Ruben na ako lumaki, mga kasama namin sa bahay.
"Salamat manang, matulog na din po kayo, pasensya sa abala"
"Oh sya iha, mag dasal bago matulog"
Ngayon na lang naman ako nagising ng dis oras ng gabi, hindi ko alam pero something's wierd about my dream.
"Good morning manang! Good morning manong!"
"Good morning din iha" sabay nilang sambit.
"Mabuti at maganda ang gising mo, mag agahan ka na. May pasok ka ba ngayon iha?"
"Sige po manang, wala po akong pasok pero aalis po ako. Nag padala po kasi si kuya Vinn sakin". "Manong pasuyo naman po ng sasakyan ko, salamat po"
"Sige iha" ani manong ruben.
Ang sarap naman ng nasa hapag, tocino, hotdog, toasted garlic bread and warm lemon juice.
Simula nung ako na lang ang naiwan ay sa kusina na ako kumakain kasabay si manang at manong, masyado kasing malaki ang dining table.
Hindi naman ganoon kalaki ang aming bahay dahil sama sama sa iisang kuwarto ang mga kapatid kong lalaki, mas malaki nga lang ang kwarto nila may tig iisang kama sila, ang kwarto ko lang ang nakahiwalay. Sa kabuuan ng bahay ay mayroong apat na kwarto, isa kina mommy at daddy, isa para sa mga kuya ko, isa para sa akin at isang guest room, mayroong dalawang hiwalay na kwarto sa labas ng bahay para kina manang at manong.
"Ayos pa po ba ang mga stocks natin?"
"Ayos pa naman iha bumili ka na lang siguro ng pandagdag at darating daw iyong pinsan mong si Mina galing ng Canada."
"Ahh ganoon po ba? Sige manang akyat na po ako sa taas para maligo"
Ano kayang naisipan ni Mina at uuwi ng Pilipinas?
Ang ganda ng panahon, masarap ang simoy ng hangin. Mahilig sa halaman si mommy kaya maraming halaman sa paligid ng bahay, may maliit ding swimming pool sa likod bahay. Malapit na kasi mag ber months kaya masarap na sa balat ang simoy ng hangin. Pumasok ako sa bathroom, hindi naman ako nagmamadali kaya gusto kong magbabad sandali sa bath tub.
Mabilis akong naglakad palabas ng mall. May sumusunod sa akin, isang lalaking mahaba ang buhok ngunit hindi ko maaninag ang kanyang mukha, may suot syang pink na sombrero at itim na jacket. Hindi ko na namalayan kung nasaang parte na ako ng parking lot, nasa labas ako pero hindi ko makita ang sasakyan ko, tanda kong dito ko iyon iniwan.

BINABASA MO ANG
One Shot Stories
Short StoryCompilation of stories based on the author's experience and imagination.