Saving Melody

25 0 0
                                    

Tumingin ako ng maigi sa salamin at huminga ng malalim. Lumabas ako ng pinto at ang sumalubong sa akin ay ang aking nakakatandang kapatid na si Genevieve.

"Melody, halika na. Kain na tayo-"

"Wala akong gana."

"Melody-"

Hindi ko na pinatapos ang sasabihin nya ng mabilis kong kinuha ang aking mga gamit at umalis ng bahay. Sumakay na ako sa motorsiklo ko at pinaharurot ito papuntang Montefiero Academy kung saan ako nag-aaral ng 3rd year high school. Ininspect ako ng gwardya at hiningi ang aking ID. Tumingin ng maigi ang gwardya sa ID ko.

"Eto na Miss. Alam mo mas maganda ka kapag ngumingiti ka. Ngiti ka naman dyan."

"Alam mo din ba na wala akong pakialam kung maganda o pangit ako sa mata ng iba?"

Marahas kong hinablot ang ID ko at naglakad patungo sa unang klase ko ngayon. Umupo ako sa pinakadulo at nagmuni-muni hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na ako.

^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^

"Daddy, huwag po. Ayoko po ng ganito." Humahagulgol na saad ni Melody.

"Akala ko ba mahal mo si Daddy, ha? Come to Daddy and give him a big kiss!" Malakas na sigaw ni Alfredo habang nanlalaki ang mapulang mga mata at yinuyugyog ang trese-anyos na si Melody.

"Ayaw ko po! Ayaw! Ayaw! Ayaw!" Nanlaban si Melody hanggang sa sinakal at sinikmuraan sya nito at pabalyang ihinagis sa kobre kama.

^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^

"AAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHH!" Malakas na hiyaw at hagulgol ni Melody ang nakakuha ng atensyon ng kanyang mga kaklase.

"Hala, anong nangyayari sa kanya?"

"Melody, panaginip lang yun!"

"Melody!"

Patuloy pa rin ang paghagulgol nya. Nanlalabo na ang mga mata nya at naninikip na ang dibdib nya. Nakita nyang may hawak-hawak na gunting ang estudyanteng kaharap nya kaya mabilis nyang inagaw ang gunting at sinugatan ang kanyang pala-pulsuhan at diniinan ito ng todo.

"Tumawag kayo ng nurse, bilis!"

"Gago, hindi! Doktor ang kailangan nya!"

"Hindi, psychiatrist ang kailangan nito!"

"Pwede bang may humingi nalang ng tulong?!"

Hanggang sa unti-unti ng humina ang mga boses na naririnig nya at imbis na matakot sa pagsalubong ni kamatayan au buong puso nya itong tinanggap.

Saving MelodyWhere stories live. Discover now