Sa kasamaang palad, hindi pa yata iyon ang oras ko upang mamaalam sa walang kwentang mundong ito. Ang unang nasilayan ko sa muling pagmulat ng aking mga mata ay ang puting kisame ng isang ospital na malapit sa unibersidad namin. Kakatapos palang ng isinagawang tests sakin ng doktor na ito at bahagya kong naririnig ang mga sinasabi nila sa labas ng pinto.
"Mabuti nalang at naisugod nyo sa agad, Mr. Hidalgo. Malalim ang naging sugat nya at kung hindi naampat ang pagdurugo ng kanyang sugat ay maaaring ikamatay nya ito. As of now, stable na ang pasyente ngunit kailangan lang namin syang obserbahan ng maigi."
"Maraming salamat po, Dra. Ramirez."
"No need to thank me, Mr. Hidalgo. I am just doing my job. Oh, paano, magrorounds muna ako."
Tumango ang lalaki na sinasabi nilang si Mr. Hidalgo at umalis na ang doktor. Pumasok si Mr. Hidalgo sa aking kwarto at awtomatikong naghanap ang aking kamay ng gamit na maaari kong gamitin bilang panangga kung sakali man na may gawin syang masama sa akin. Lalaki sya. Hindi ko sya maaaring pagkatiwalaan.
"Hindi ko na tatanungin kung okay ka lang kasi halata naman na hindi. Pero sana maging maayos ang iyong pakiramdam at sana mawala ang bigat ng kung ano man ang dinadala mong problema."
Humakbang sya patungo sa lamesitang katabi ko at may ipinatong na maliit na kahon.
"Sa tuwing natatakot o nangangamba ka, hawakan mo lang iyan at gagaan ang iyong pakiramdam."
Kinuha nya ang kanyang backpack, sabay harap at ngiti sa akin.
"Babalik ako bukas, Melody."
Bago pa man nya mahawakan ang seradura ng pinto ay nagsalita na ako.
"Ano ang pangalan mo?"
Natigilan sya at dahan dahang humarap sa akin.
"Ang pangalan ko ay Adam Hidalgo, ang iyong tagapagligtas."
Ngumiti sya at kumindat habang sinasara ang pinto. Kahit na ito'y umalis na, tumatak sa kanyang isipan ang huling mga salita nito. Ipinilig nya ang kanyang ulo at inabot nya ang maliit na kahon at binuksan ito. Nang ito'y mabuksan ay tinitigan nya ito ng mariin bago kunin mula sa lalagyan nito. Isang magandang rosaryo.
"Ang pangalan ko ay Adam Hidalgo, ang iyong tagapagligtas."
"Ang pangalan ko ay Adam Hidalgo, ang iyong tagapagligtas."
"Ang pangalan ko ay Adam Hidalgo, ang iyong tagapagligtas."
"Ang pangalan ko ay Adam Hidalgo, ang iyong tagapagligtas."
Mapait syang ngumiti habang nararamdaman ang kanyang luha na dahan-dahang umalis mula sa kaliwang mata nya.
'Walang nakapagligtas at magliligtas sa akin, Adam. Matagal na akong sira. Hindi ko kailangan ang rosaryong yan at mas lalong hindi kita kailangan."
Binalik nya ang rosaryo sa loob ng kahon at ibinato sa may pintuan at muling humagulgol.
YOU ARE READING
Saving Melody
General FictionMakulay. Masaya. Maaliwalas. Yan ang buhay ko noon. Ngayon Wasak na ang mundo ko. Ang dating makulay ay naging madilim Ang dating masaya ay naging malungkot at puno ng galit. Ang dating maaliwalas ay naging nakakasulasok, nakakadiri, at kasuklam-su...