Hayst malapit na naman ang pasukan. Ang bilis ng panahon parang kailan lang kakagraduate ko lng sa junior high school tapos ngayon bukas na ang unang araw ng pasukan na at senior high school na ako.
Pero excited na ako pumasok kasi makikita ko na ulit ang mga kaibigan ko. Ang tagal na rin nung huli kaming magkakasama. Habang inaayos ko ang mga gamit ko para bukas ay bigla kong naisip si Justin. Doon din kaya siya mag-aaral ng senior high? Sana naman doon siya mag-aaral para makita ko siya lagi ani sa isip ko. Napangiti ako habang iniisip ko yun. Si Justin ay crush ko mula noong nag grade 10 na kami. Magclassmate naman kami mula grade 8 pero nung grade 10 ko lang siya naging crush.
Weird ko ba? May crush kasi ako noon na classmate ko mula grade 7 hanggang grade 9 ay naging crush ko yun kaya nung naggrade 10 kami ay itinigil ko na kasi ang hirap kayang umasa. Akalain mo yun umabot ng tatlong taon ang paghanga ko dun kaya noong ng grade 10 na kami, si Justin ang bumihag ng mga mata ko.
Ganun talaga ako kapag nagkacrush isa isa lng at umaabot pa ng taon. Kung crush ko ang isang tao ay siya lng ang magiging crush ko at wala ng iba pa. Kahit magwapuhan ako sa isang tao ay hanggang doon lang yun. Ganyan talaga ako loyal sa kanya kahit walang kami.
Kapag naman nay nahanap akong ibang crush ay ititigil ko na rin ang pagkacrush sa isa dahil sabi ko nga loyal ako sa isa kahit walang kami. Kasi umaasa ako na magiging akin ang crush ko sa huli pero sino ba naman ako para magustuhan nila eh ang taba ko. Hindi naman masyadong mataba pero masasabi ng chubby ako. May konting itsura naman ako pero wala eh walang nakakapansin sakin.
Hindi rin naman nila alam na naging crush ko sila eh kaya hindi naman awkward kapag kinakausap ako ng crush ko. Pero meron pa ring konting hiya kasi nga crush mo. Diba ganun yun? Kapag crush mo nahihiya ka sa kanya.
At nang makita ko siya ng araw na yun, parang nalove at first sight ako pero parang lang ha. Hindi ko pa naman kasi nararanasan ang mainlove eh. Hindi siya tulad ng kay Justin e. Iba ang nafifeel ko sa kanya. Parang obsess ako sa kanya na ewan. Masarap sa feeling na may halong sakit parang ganun ba.
At ito ang istorya ko tungkol sa kanya na sana sa huli ay maging istorya na namin.
Sana po magustuhan nyo>^_^<.. para po siyang binabase sa buhay na tungkol sa crush ko pero iniba iba ko lng yung iba:) Naiinspire po kasi akong sulatin ang about sa kanya(^o^)丿
Please vote and follow ^_~
BINABASA MO ANG
Into You
Short StorySabi nga nila ang crush ay isang paghanga sa isang tao pero para sakin hindi lang basta basta paghanga ito. Simula nang nakita ko siya, masasabi kong crush ko na sya mula noon pero hindi ko inakalang lalalim pa ang nararamdaman ko para sa kanya, hi...