Komplikado

6 0 0
                                    



Ang hirap ko raw intindihin, ang hirap ko raw unawain. Hindi ko naman ginustong maging mukhang komplikado sa harap ng maraming tao, pero masisisi nyo ba ako kung ilang beses nang nadurog ang puso ko? Oo, durog na durog pa nga eh! Ikaw ba naman ang paulit-ulit maiwan hanggang sa maging mag-isa ka nalang at ang mas masakit eh yung wala kang magawa para hindi sila mawala. Ang hirap pero kailangan tanggapin, ang hirap pero kailangang bumangon muli. Siguro ganon talaga ang buhay, oras at panahon ang masugit kong kalaban. Kaya kahit mahirap? Sige lang! tuloy lang ang laban. Alam ko namang masaya na sila sa heaven ngayon. Hindi madali para sa akin pero wala na akong magagawa kundi tanggapin ang katotohanang wala na sila at hindi na babalik pa. Sa ngayon, hindi ko alam kung paano ako magsisimula. Hindi ko alam kung paano magiging normal ang sarili ko. Hindi ko alam kung paano ako maiintindihan ng maraming tao kung kahit ang sarili ko eh hindi ko rin maunawaan. Basta ang alam ko lang, dapat kong hanapin ang sarili ko at dapat kong buuin ang sarili ko na nawala at nawasak maraming taon na ang nakalipas.


VoiceWhere stories live. Discover now