Letters and Words #3

592 31 3
                                    

This one-shot is a true to life story. It just happened yesterday, on our school. We are frightened at the same time panicked because of what just happen. But some events were not real so don't worry. Stay back and just read.

| worried |

*ting*

Tumunog ang cellphone ko habang nasa cafeteria kami nang school.

From: Sissy Brenna

Ate may bomba daw sa school. Mag-ingat kayo.

Napatigil ako sa pagkain ko at inulit ko ulit basahin ang text ng kapatid ko.

"Denny, psst." tawag pansin ko kay Denny na kasalukuyan ding kumakain.

"Hmm, ano yun?" baling niya sa akin.

"Nag-text si Brenna. May bomba daw sa school. Mag-ingat daw tayo." sabi ko at tumawa naman siya.

"Ows? Baka pinagloloko ka lang niyan, huh?" nakataas ang kilay na sabi niya at tumawa bigla.

"Malay mo totoo." sabat naman ni Ara sa pag-uusap naming dalawa.

"Wag kayong maingay. Nagmu-musical.ly ako. Shut up muna kayo." sabi naman ni Lucy sa amin.

"Adik ka na talaga dyan, bespar. Malala ka pa sa malala." banta ko sa kanya at umirap naman siya.

"Di ako adik, Jess." at nag-pout siya sa akin. Eww, kadirdir.

*boogsh*

Nagulantang kami kaya bigla kaming napatayong apat.

"Aissh, libro lang pala. Akala ko kung ano na e." malalim ang paghingang sabi ni Denny.

Umupo na kami ulit at nagsibalikan na sa nga sari-sarili naming ginagawa.

Tapos ko nang kumain kaya niligpit ko na ang container nang pagkain ko at binalik ko na sa aking bag.

Magce-cellphone pa sana ako ulit nang may biglang sumigaw sa labas nang cafeteria namin.

"Ma'am Andrada! Lumabas na daw po nang school! May bomba daw po sa building 1!" hinihingal na sabi nang isang estudyante na hula ko ay Grade 10 na.

"Ano?!" gulat na tanong ni ma'am pero dagli rin siyang humarap sa mga estudyanteng kumakain at nasa loob ng cafeteria.

"Students! Lumabas na kayo ng cafeteria at dumiretso na sa labas ng school! Magpasundo na kayo sa mga parents niyo! Bilis, bilis!" natatarantang sabi ni ma'am kaya agad na rin kaming tumayong apat at sinukbit na namin ang mga bag namin.

"Sabi kasi sa inyo." nagmamadali ring sabi ni Ara pagkalabas namin ng cafeteria.

Lakad-takbo na ang ginagawa namin para agad makalabas ng school.

"Hala! Sina Raven pa! Tsaka si ading mo, Jess!" nag-aalalang sambit ni Denny kaya nag-alala na rin ako.

Magkaklase ang dalawa naming nakababatang kapatid at hindi namin alam kung nasang parte sila ng school.

"Labas muna tayo ng school. Delikado at baka nandito pa yung nagplanta nang bomba." mahigpit ang hawak ni Lucy sa kanyang cellphone. Kinukuhan niya pa nang litrato ang mga estudyanteng kasabay din naming papalabas.

Tumakbo na kami ng mabilis at nakalabas na rin kami ng school. Halos lahat ng estudyante ay nasa labas at may mga tricycle pang nasa kalsada at naghihintay ng mga pasahero.

Kinakabahan ako dahil text ng text si ading ko pero wala naman akong load kaya hindi ko siya mareplyan.

"Please, sagutin niyo...please." halos maiyak nang sabi ni Ara sa cellphone niya.

"Raven!... Nasan kayo?... Lumabas na kayo ng school... Nasa bridge kami... Puntahan niyo kami ni Brenna dito... Bilis!" kinakagat pa ni Denny ang kuko niya dahil sa pagpapanic.

Nasa bridge kami sa labas ng school at naghihintay kina Brenna at Raven na nasa school grounds pa na malapit sa building 1 ng school.

Hindi ko matawagan sina mommy kaya sasakay na lang kami ng jeep papuntang bahay.

Mga ilang minuto rin ay nakita na namin silang dalawa sa dagat ng mga tao.

Niyakap ko agad si Brenna na umiiyak na dahil sa pagpapanic. Kasama niya rin si Raven na halos hindi na makahinga dahil sa kanyang asthma.

"Ssh. Wag ka ng umiyak, Bren. Nandito na ako. Uuwi na tayo." pagtatahan ko sa kapatid ko kahit na ako na mismo ay naiiyak na rin para sa kaligtasan namin.

"Lakarin na lang natin papuntang paradahan ng jeep. Masyadong traffic kapag magta-tricycle pa tayo." sabi naman ni Denny.

Agad kaming tumango para na rin lumayo sa school.

Inaalalayan ko si Brenna dahil nahihilo na siya at umiiyak pa.

Butil-butil ang pawis sa aming mga noo habang naglalakad papuntang paradahan.

Nang makarating kami sa paradahan ng jeep ay doon lamang ako nakahinga ng maayos.

Pumasok na agad kami sa jeep. Umandar na ito at bumyahe na kami.

Hinagod ko ang likod ng aking kapatid at pasimpleng ngumiti.

Pumikit ako at nanalangin.

Thank you God for saving us. You are not just a powerful God but also our protection. Thank you so much because of you, I know that I'm always safe and sound.

***

A/n: Yes. A bomb threat just gave us chills and fear. But thanks to our Almighty God that its just a scare and its not a real bomb.

Also, thanks to everyone who always support me in everything I do to achieve my dream, to be a writer.

Please vote and comment!

Lovelots <3

Every Letters, Every Words (Collection of One-Shots)Where stories live. Discover now