Letters and Words #9

153 16 4
                                    

This one-shot is dedicated to my friend, Nicole, who shows her endless support for me and my dream. Thank you!

| remember me, my love |

*Jairo calling...*

I pick up my phone and answer the call. Nilagay ko pa ito sa aking leeg habang inaayos ang mga papel na pinapadala sa akin ng aking boss.

"Good morning, sweetie." malambing na sabi ni Jairo sa akin sa telepono. Napangiti ako ngunit napawi rin iyon ng pumasok sa opisina ko ang isa kong katrabaho sa kompanyang pinagtatrabahuan ko.

"Bye, sweetie. Sorry, tatawag na lang ako mamaya. I'm busy. Bye, I love you." sabi ko at binaba ko na agad at hindi na hinintay pa ang sasabihin niya.

"Nichola, 'yung mga papel daw na pipirmahan ni boss, kailangan na niya. Alam mo na, he always wants to make things more faster." sabi sa akin ni Tricia at ngumiti naman ako rito at kinuha na ang mga papeles na inaayos ko kanina. Naglakad na ako palabas ng aking opisina at pumasok sa elevator dahil nasa 5th floor pa ang opisina ng CEO ng kompanyang ito.

I check my wrist watch at kaunting oras na lang ay break time na namin. Hindi ako ganoong nakakain ng agahan dahil ayokong ma-late at makaltasan ng sahod.

Marami pang pumasok sa elevator at halos nasa dulo na ako dahil sa maraming taong pumasok. Kinagat ko ang aking labi at hinintay na makarating na sa floor na pupuntahan ko.

Nasa 5th floor na kami kaya't mabilis akong umalis para makarating agad sa opisina ng aming boss. Inayos ko ang kwelyo ng aking blouse na nakatupi kanina.

Nasa tapat na ako ng opisina ng CEO at kumatok ako ng tatlong beses bago ko narinig ang kanyang boses sa speaker sa gilid ng kanyang opisina.

"Come in." rinig kong sabi nito sa speaker kaya't dahan-dahan kong pinihit ang doorknob papaloob at pumasok dito at sinara rin agad ang pinto ng kanyang opisina.

Lumapit ako sa kanyang desk at nakitang may ginagawa siya sa kanyang laptop kaya't nilapag ko sa gilid ng kanyang laptop ang papeles na kanyang pipirmahan.

"The papers are from the construction site nearby, they want to make a deal to our company, Mr. Soriano. I just read some of the details and make a report." sabi ko at hindi pa rin ito tumitingin sa akin ngunit alam ko namang nakinig siya kanina sa mga sinabi ko.

Tumalikod na ako at aalis na sana ng banggitin niya ang apelyido ko.

"Ms. Penalozeda." tawag niya kaya't pumihit ako papaharap at nagulat ng makitang nasa harap ko na pala siya.

Mariin siyang nakatingin sa akin at mukhang ine-examine ang buong mukha ko na tumigil sa aking mga labi at ibinalik niya ang tingin sa aking mga mata.

Napalunok ako at aatras na sana ng hilahin niya ang kamay ko at yakapin ako ng sobrang higpit.

Gulat akong napasubsob sa kanyang matitipunong dibdib at hindi agad nakapagsalita.

"Damn, ito na ang hinihintay ko. Hug you tight just like the old days." sabi niya at nagtataka akong humiwalay sa yakap niya at kunot noo ko siyang tinignan.

"W-What are you talking about, sir?" tanong ko at ginulo niya ang buhok niya at nag-aalalang tumingin sa akin.

"Don't you remember me, Nik-Nik?" sabi niya at mukhang batang inagawan ng candy. Ilang ulit nag-reply sa utak ko ang sinabi niya at napahawak ako sa ulo ko dahil sa hilo at pagkalito.

"I am your fiancé, Nik-Nik. Engage na tayo but then mukhang hindi mo na ako maalala dahil sa mga nangyari 4 years ago." sabi niya at napahawak muli ako sa aking ulo habang nagpapaliwanag siya. Hindi ma-take ng utak ko ang mga sinasabi niya lalo na ng malaman niya ang nangyari sa akin 4 years ago.

"Nagkaroon ka ng amnesia, Nik-Nik at sa mga panahon na iyon ay pinalayo ako ng mga magulang mo. They want me to go away because they think that I'm the one who put you on that amnesia. Pero hindi ako, kundi si Jairo, ang kababata ko." sabi niya at mukhang nagalit siya ng masabi niya ang pangalan ni Jairo. Bakit kilala rin niya si Jairo? Is he truly my fiancé?

"I-Imposible iyang sinasabi mo, Sir Jacob. H-Hindi." sabi ko at tumulo ang aking mga luha sa hilong nararamdaman.

Lumapit siya sa akin at pinunasan niya ang aking pisngi na para akong isang babasaging pinggan. Bakit pamilyar ang paghaplos niya sa akin?

"Hindi ko na hahayaang paghiwalayin muli tayo ni Jairo, or whosoever it is. Hindi ko na ulit ako lalayo, hindi na kita bibitawan ulit. You're my everything, beyond my properties and wealths, and I'm willing to exchange all of this material things, just to have my fiancé back, my one and only love." sabi niya at kasabay nun ay ang pagdampi ng aming mga labi.

It take a minute bago siya humiwalay sa akin at sa pagkakataong ito, may naalala na ako.

"I love you, Jacob." nasabi ko na lamang ng tumulo ang luha niya at pinagdikit ang pareho naming ilong at mariin siyang pumikit.

"I love you too, my Nik-Nik." sabi niya at nakangiti na rin akong pumikit kasabay ng pagtulo ng aming mga luha sa saya.

****

Don't forget to vote and comment!

Every Letters, Every Words (Collection of One-Shots)Where stories live. Discover now