IV

5 1 0
                                    

Lumapit siya sa akin at ikinaway kaway sa mukha ko yung palad niya na gumising sa diwa ko. Umayos ka Aryl! Huwag pahalata!

"Ah dude, tapos ka na ba?" nakangiti niyang tugon na mas nagpaganda sa kanya

Ngumiwi ako at tumango ng nakangiti nang maibalik ko na sa ayos yung nawala kong sistema. Nagbago agad yung reaksyon ng mukha ko nung narinig kong isinara na niya yung pintuan ng banyo

Feeling ko naubusan ako ng hangin at halos ilang minuto ko rin hinabol ang hininga ko. Alam kong normal lang na nakahubad siya sa bahay at kahit may kasama siyang ibang lalaki pero ang tanong sa akin normal lang ba?

Mas nadadag-dagan niya ang pagkakagusto ko sa kanya e. And yung pakiramdam na habang mas tumatagal ko siyang nakakasama mas lumalalim yung feelings

Sana next time naman alam niya kung hanggang saan lang ako. Pero kahit siguro hilingin ko iyon magdamag kung di niya alam ang totoo siguro magtitiis na lang ako

I will be what I did...

"Mukha yatang may malalim ka nanamang iniisip" halos mapatalon ako ng marinig siyang magsalita mula sa tabi ko

"Ah, dude tapos ka na pala" sabi ko bago ibaling ang tingin sa TV "Wala lang ito siguro nag-aalala lang ako baka sobrang nag-aalala na si Tito Carl" tuloy tuloy kong pagdadahilan. Nagsinungaling nanaman po ako

"Tinawagan mo na ba siya? Para sana alam niya na ligtas ka" tama siya ba't di ko yun naisip agad!

"Ah oo nga pala. Dude pwede ko bang mahiram yung cellphone mo? Naiwan ko kasi sa bahay yung sa akin, nagmamadali din kasi ako kanina"

Inilabas niya sa bulsa ng maong niya yung cellphone niya na inabot agad sa akin

"Salamat dude" sabi ko pagkatapos kausapin si Tito na kanina pa pala talaga tumatawag sa akin. Yari ako nito pag-uwi ko

"Anong sabi?" tanong niya bago kunin yung cellphone niya sa akin

Nagkibit balikat lang ako

"Pinagalitan ka ba?"

Umiling agad ako

"Hindi! Nagpapasalamat nga siya sayo e. At gusto ka pa niyang makilala kaso sabi ko next time na lang kapag may oras ka"

Kumunot agad yung noo niya at nilakihan ako ng mata

"Ano ka ba dude may oras ako bukas, wala namang pasok. Samahan na lang kita umuwi para makilala ko yung Tito mo" pag-aalok niya

"Sigurado ka ba? Baka may iba ka pang pagkakaabalahan dude" pagtanggi ko

"Wala! Sa katunayan nga napakaboring dito wala naman akong ibang kakilala. At least kung isasama mo ako bukas malilibang ako, diba?" Ipinaglalaban niya talaga

Makulit pala siya at parang bata kung magpaliwanag

Hindi na ako nakatanggi kasi di naman 'yon gagana sa kakulitan niya

Medyo awkward yung atmosphere namin kasi nga Fifty shades darker lang naman yung panood sa TV niya. Wala bang ibang channel?

Naiilang akong kausapin siya na kung pwede niyang ilipat sa ibang channel. Baka isipin niya pa na nagpapaka inosente ako. Well sabagay dun naman ako magaling

Lulunok lunok lang ako ng natuon yung tingin ko sa bandang boxers niya. What the heck! Nakaboxers lang pala siya bakit di ko napansin? At holy shot, bakit may bulk?

Oh my God! Umaatake nanaman ang pagkaberde ko. Nalilibugan ba siya? Is this okay?

How could this be okay? I am sitting right next to a super hot guy who have this bulky something in his whatever, while watching a Rated X movie?

Take me Lord!

Di pa man natatapos yung movie biglang nailipat yung channel at tinignan ko siya

"Medyo SPG kaya nilipat ko na, okay lang ba?" inosente niyang tanong

Wow ha, ngayon mo lang narealize na SPG yun ngayong galit na galit na yang alaga mo?

"Or baka gusto mo pang ituloy?" dugtong niya pa

"Ano? Dude ayos lang napanood ko naman na yun e. Atsaka di rin ako mahilig manood ng ganun, good boy kaya ako!" Grabe nagsinungaling nanaman ako

Tumawa siya

"Oo na lang!" sabi niya

"Totoo nga! Bakit parang di ka naniniwala?" Natatawa ko na ding sagot

He just shook his head but I know he means something

"Sino bang nagsabing di ako naniniwala?" saad niya pero di parin tumitigil sa pagtawa

Ngumisi ako inabot yung mug ko at hinigop yung kaunting natitirang kape

"Kahit di mo naman sabihin halata naman sa ekspresyon mo dude" saad ko habang pinapansin ang pagtingin niya sa akin

Kahit di ako nakatingin sa kanya kita ko sa gilid ng aking mata na nakatitig siya sa akin

"Di naman lahat ng bagay malalaman mo sa ekspresyon lang" seryoso niyang sagot

"Hindi naman lahat ng bagay. Pero epektibong basehan ito, diyan din ako magaling ang basahin ang iba" pagmamayabang ko

"E, kung ganon kaya mo bang basahin ako ngayon? Sabihin mo kung anong nasa isip ko" medyo nagtataka na ako kasi bigla na lang naging seryoso ang pananalita niya

Did I say something wrong?

"Sige ba?" pagtanggap ko sa hamon niya

Nilingon ko siya at tiniis ang pagka-ilang, seryoso yung ekspresyon sa mukha niya at di ko masabi kung anong iniisip niya. Mas gwapo pala siya sa malapitan at medyo napadalas ang pagpikit ko nung mas ilapit niya pa yung mukha niya

"Anong nasa isip ko?" seryoso niyang tanong

Habang ako lulunok lunok lang dahil pinagpapawisan na din ako. Bakit ba ang init e ang lakas ng hangin sa labas

Di ako kumibo at tumagal kami ng ilang minuto sa ganoong posisyon

Ano bang ginagawa niya ba't niya ba ito ginagawa sa akin? He doesn't know it's very hard to find myself specially in this kind of situation

Kumunot yung noo niya na parang cue ko para basagin ang katahimikan

"Whoah, sineryoso mo talaga dude? Ang bilis mo namang maniwala saken. Siyempre binibiro lang kita" natatawa kong sabi habang siya nakakunot parin ang noo na nakatingin sa akin

"Dude? Parang may napapansin ako sayo?" nagtataka niyang sinabi

Kinabahan ako at binaba agad sa lamesa yung kanina ko pa hawak na mug. Tumikhim ako bago siya tingnan

"Ewan ko ba pero ngayon ko lang napansin sayo" mas lalo akong kinabahan "dapat matagal ko nang napansin e" dagdag niya pa

Naiihi na ako Lord! Syems lupa kainin mo na ako!!!

Kinagat ko ang labi ko habang sinusubukang pakalmahin ang sarili. Sabi na e dapat inamin ko na habang maaga pa

Anong sasabihin ko? Isip Aryl isip, kailangan mong mag-isip ng paliwanag

Pumikit ako

Uunahan ko na siya at hihingi na sana ng pasensya ng bigla niya along hawakan sa leeg na ikinabukas ng aking mga mata

I am so dead...

Pretty Boy: The OriginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon