VI

9 0 0
                                    

Nagising ako dahil sa ilaw na nanggagaling sa labas ng bintana. Medyo kinusot ko ang mga mata ko at napahawak sa ulo bago bumangon

Ang sakit ng ulo ko. Nagpuyat nga pala ako kagabi

Mabilis akong naghilamos at nag gargle. Iniayos ko muna yung mukha ko bago ibukas yung pinto

Pagkabukas ko ng pinto naamoy ko kaagad yung napakasarap na ulam. Amoy pa lang ulam na

Sinilip ko siya sa mini kitchen at nakita siya doon nakahawak sa pan.

He's topless, again. While wearing this red apron, fitted jeans and cute fur slippers

Ang hot niya, can't stop staring at him. Napaka ideal niya

Bago pa man ako kainin ng pagpapantasya ko sa kanya pumunta na ako sa sala at hinanap yung sapatos ko na inilagay ko na rin sa aking bag

Narinig ko siyang papalapit kaya nagkunwari akong may hinahanap

"Anong hinahanap mo dude?" Nilingon ko siya

"A, hi good morning dude! Wala hinahanap ko lang yung singsing ko? Oo yung singsing ko" wala akong maisip na iba

"Need some help? Magaling akong maghanap" saad niya ng may panghihikayat sa boses

Magaling ka palang maghanap, di na ako magugulat kung maaga mong mahanap ang katotohanan sa akin

Umiling ako at ngumiti
"No thanks, baka di ko dito nawala. Baka sa ibang lugar hindi lang naman dito ako napunta e"

Inaya niya na akong kumain at ang sarap talaga

Yung hotdog niyang mahaba, makintab na mga itlog, at mainit init na gatas.
This is heaven!

"Sorry ha, di pa kasi ako ganun katagal na nagluluto kaya di gaano ka propesyonal yung skills ko" saad niya na hindi ko masyadong narinig dahil yung focus ko ay sa matatamis niyang ngiti, dagdag mo pa yung morning abs. I am totally fucked up!

"Ayos lang naman e. At least nabusog mo ako" di ko sadyang sagot

Tumaas yung kilay niya at parang naguluhan sa sagot ko

"A-ah hindi naman ganun kapangit ang lasa parang pro nga e. Kaya tignan mo naparami ako" sabi ko kasabay ng pagtawa na sinabayan niya naman

"So? Let's go?" sabi niya

Nakasakay na kami ngayon sa bus bahagyang malakas pa yung ulan kaya hindi ko na sana isasama si Dwayne, kaso di kinaya ng powers ko yung kakulitan niya

Napangisi ako habang inaalala yung pagtatalo namin kanina

Ang cute lang..

May narinig akong camera na tumunog sa harapan namin

Sabay kaming napatingin ni Dwayne sa pinagmulan nung ingay

"Shoks! May flash pa!" sabi nung babaeng naka sunflower shirt at jeans doon sa lalaking kasama niya na mismong may hawak nung camera

Ngumiti ng parang nahuli ng pulis yung lalaking may hawak ng camera, di ko alam kung straight ba o ano.

Pero feeling ko paminta to. Medyo chubby siya tapos pormang lalaki parin but I had this feeling na hindi siya straight

You know? I can smell too

"Sorry po, gusto ko lang po kayong kuhanan ng pictures para mafeature sa Facebook page na ginawa ko for LGBT COMMUNITY" ngumiti siya na parang proud parin siya sa ginawa niya

"Ah hindi naman kam—"

"It's okay" pagpuputol ni Dwayne sa akin

Ngumiti yung lalaki at babae

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 15, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pretty Boy: The OriginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon