First day of school.Marame nang estudyante na naghahanap ng rooms nila.Samantalang ako,wala pang ginagawa.Nakatayo lang sa may waiting shed na parang may hininhintay sa wala.Nung nakita ko bigla ung kaibigan kong si James at Rome.Binati ko sila na may pagkotong.Ewan ko pero ganon yung batian namen ehh.
Siya ngapala,Grade 9 students na kame.Sa Axford University.Panay ang kwentuhan namen kase ngayon nalag ulet kame nagkita."Musta mga buhay nio? Kayo paba ni Anne?" tanong ko kay Rome."Hahaha Strong ata kame.Pero ikaw? Wala ka pareng bebe noh? Sa dinami dami ng nagkakagusto sayo? Wala? IMPOSIBLE!!!" Sagot ni Rome."Buti pako,mabaet.Inuuna ko muna pagaaral." Sabat ni James."Taena mo ka.Aral aral,ehh may Roxanne kana nga pota ka!" Sabe ko.
Natapos lang yung paguusap namen nung bigla akong tinawag ng kaklase ko dati na kaklase ko paren ngayon na si Warren.Hindi ko alam kung BI sia o ano man,pero mas lalake pa yung boses niya kesa saken."Hoy Cedrick!Dito lang room naten!Kung san-san kana napupunta." Sigaw niya.Tinawanan ko nalang sarili ko kase kanina kopa nadadaanan yung room nayon.Agad naman akong pumasok.Pagpasok ko,nahiya naman kaagad ako(pero makapal talaga muka ko) kase siyempre,lahat ng mga kaklase ko nagtinginan saken.'Siguro napansin nila na kalbo ako?Baka naman nakita nila ung pimple ko sa ilong ko?' Buti nalang may mga kakilala ako don kahit konte.At yun na ang simula ng boring kong school year na akala ko boring pala.
2 Months Later...
Habang naghihintay kame sa room ng teacher,nagulat ako kase pumasok pala ung kaklase ko ma si Wine.Isa siya sa mga tahimik na kaklase ko.Morena siya,matalino,basta magaling siya sa room namen.Absent kase siya ng 2 weeks sa kadahilanang nagkabulutong siya.Ngayon lang siya pumasok kase siguro magaling na siya."Uyy Wine hellou! Ok kana ba?" Tanong ko sa kaniya."Ay ok na ok nako.Salamat." Sagot niya na parang nahihiya siya saken makipag usap.Feeling ko kase hindi pa siya ok.So pinapahinga ko na siya.Baka narindi na siya saken kaya siguro sumama yung pakiramdam niya.
Few weeks na ang nakalipas...habang wala kameng ginagawa sa time ng English subject,tinawag ako bigla ng babaeng kong kaklase na si Lanny."Uy Cedrick! May gusto kamo sayo si Bianca.HAHAHA!" Alam kong nagbibiruan lang kame.Pero meron naman akong kaklase na naapektuhan.Si Bianca.Isa siya sa kaibigan ni Lanny na kaklase ren namen."Uy Lanny t*ng**amo!tama na nga yan!" Sigaw niya.Hindi ko nalang pinansin yung biro nayon pero doon na pala magbabago ang lahat.
Meron kameng Role Play ng "Romeo & Juliet".Ako yung napiling Romeo tapos si Bianca naman ung napilimg Juliet.Kahit na marameng nangaasar samen,hinahayaan kolang sila kase para sa grades koto.Pero halata kay Bianca ang pagkahiya saken sa tuwing nagpapractice kame.Ewan koba kung totoo ba talaga ung sinabe saken ni Lanny dati...
Araw na ng pagtatanghal.Nakasuot na ako ng mala Romeo na outfit.Tapos hinihintay konalang non ay si Bianca na ang tagal dumating kase paguusapan pa namen ung sa script.Pero di ko akalaing pati ako ay mabibihag niya.Dumating siya ng naka pulang dress at nakatirintas ang buhok niya.Hindi ko alam pero para akong nakakita ng himala non.Nakatulala lang ako sa kanya."B-Bianca...ang ganda mo ngayon." Sabe ko sa kanya.Bigla nalang siyang namula pero hindi ko alam kung baket.
Hindi ko alam kung baket sobrang saya ko non.Pero pansamantala lang pala yon.Hindi ko alam kung papano,pero nagkagusto nalang ako sa kanya.Araw-araw ko siyang hindi maalis sa isip ko.Araw-araw den kameng naguusap sa messenger pati sa school.Kahit napapansin kong nahihiya siyang makipagusap saken,hinayaan kolang.Ok lang saken na nagsasalita ako mag isa kapag kasama siya.Baliw ako ehh.Para akong nakikipag usap sa wala.Tanga ko noh?
Ang dame kong effort sa kaniya,pero hindi ko paren nararamdaman na naaappreciate niya lahat ng ginawa ko sa kaniya.Pero hinayaan kolang ulet.Siguro ako na ang pinakatanga at pinakanhid na tao sa balat at laman ng lupa.Hanggang isang araw,kinausap ako ni Lanny,"Cedrick,alam mo na ba na may boyfriend na si Bianca?"Hindi ko alam kung anong reaksyon ko nung marinig ko yon."Ha? Hindi pa.Pero baket hindi niya sinabe saken yon?"Binalewala kolang lahat ng sinabe ni Lanny saken.Kase akala ko sasabihin saken ni Bianca yung totoo.Pero kahit punong puno nako ng pagseselos at pagtataka,nagpakamanhid paden ako.ISA AKONG DAKILANG ANESTESIA!
Pero nagimbestiga ako sa facebook.Hindi ako makapaniwala na pampalipas oras lang pala ako ni Bianca.Sobrang saket ng ginawa niya saken.Baket niya ginawa saken yon?Tanga ako eh.Kaya pinilit ko paren na maging masaya kahit durog na durog na ung puso ko.(drama mo kyah)
Christmas party,pormang porma ako non.Dala dala ko yung gift ko para kay Bianca.Oo kay Bianca paden.Tangang tanga nako sa mga pinaggagagawa ko sa sarili ko.Basta ang kailangan kolang gawin ngayon,ay mabigay ko sa kanya yung gift ko.Pakiramdam ko napipilitan nalang ako na mahalin siya,pero baket may concern paren ako sa kanya? Hayss ewan ko,wala nakong magawa.Ubos na ung mga luha ko dahil iniyakan ko yung walang kwentang babaeng yon langya!
Balik tayo sa araw nayon...Birthday den non ni Wine,pumunta kame sa bahay nila kase may handaan siyempre hindi ako mawawala don kase kailangan kong magpataba.Grabe! Ang sarap ng luto ng mama ni Wine!Naalala ko si mama,simula nung naghiwalay sila ni papa,hindi nako nakakain ng nga luto ni mama.Back to the scenario...naglaro kame ng spin the bottle,tapos ako agad ung naturo. Nagtanong saken yung kaklase ko na si Emjay."Handa kabang hintayin si Bianca?"tanong niya."Oo,handa akong maghintay para sa kanya."Palusot ko.HAHAHA!
Firstime kong maging plastik sa buong buhay ko.Few weeks later...
Aminado nako sa sarili ko na wala nakong feelings para kay Bianca.Nagfocus nalang ako sa pagiging antukin ko sa loob ng classroom.Doon ko nalang makakalimutan ang lahat.
Nung nagannounced yung adviser namen na magkakaroon ng ballroom sa school,naexcite ako kase makakapagsayaw nako ng ballroom.Kaso palagi nalang nilang pinagpipilit saken na ipartner si Bianca kahit ayoko nang maging partner siya.So tiniis konalang muna.Pero mga ilang araw,palagi siyang absent sa mga practices,"Pag wala pa bukas si Bianca,si Wine na magiging partner mo Cedrick ah?"Pakiusap ni Nicole saken.Kinabukasan,wala paren si Bianca.Sa wakas!!!Hindi ko na siya kapartner! Mas ok pako kay Wine,kase kahit tahimik siya,palagi naman siyang present sa practices at serious siya sa ginagawa namen."Wine ok lang ba na ako na ako na yung permanent partner mo ngayon?Wag kang magalala,sasaluhin naman kita kapag medyo mahirap yung steps."
Tugon ko.Pero may iba akong naramdaman that time.'Baket ako kinabahan sa tinanong ko?'Ang ganda ren kase ni Wine.Lalo na kapag napatitig ka sa mga mata niya...SHET!!! Napaptulala nalang ako kapag napatitig nako sa kaniya.Pero nung hinawakan ko na yung kamay niya,mas lalo akong kinabahan.*Dugdug...dugdug*'Baket ganto?ibang iba na nanraramdaman ko?Baket parang ang komportable ng pakiramdam ko pag kasama ko siya?'
ITUTULOY...