*Dugdug...dugdug*
Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon.Ang iniisip kolang ay mag focus sa mga steps,pero ung mata ko naman nakafocus lang sa muka niya.Simula non,araw-araw na kameng naguusap sa messenger at sa personal.Naging mas close kame sa isa't isa at dun kolang nalaman na parehas pala kame sa marameng bagay.Ang dami kong nalaman na bago kay Wine.Magaling pala siya sa paggawa ng mga tula,tapos parehas pa kame ng gusto.Sa sobrang close namen,pati ung bunso kong kapatid na si Cassy nagtatanong na den saken."Kuya sino po yan?Girlfriend mo yan kuya? AYIEEE Girlfriend ni kuya!" Hindi ko nalang siya pinapansin kase bata lang naman siya,pero baket andame niya agad alam sa mga lovelife?Advance na ata mag isip to.Araw na ng pagtatanghal ng ballroom.Lahat ng estudyante sa Axford ay naghahanda na.Ang mga kaklase ko ay nasa may stage na at pinapanood ang ibang section sa kanilang pagsasayaw.Samantalang ako,hindi pa bihis."Cedrick!Ano pang ginagawa mo jan? Potek kanina kapa nanjan hindi kapa nagbibihis?!? Bilis!" Sigaw ni Nicole.Sa totoo lang,naghintay lang talaga ako ng may sesermon saken.Nung nakabihis nako,nakita ko agad si Wine.Shet ang ganda niya sa suot niyang Itim na longsleeves at puting palda!Napaupo nalang ako sa upuan namen at parang nanlalambot ang mga tuhod ko."Handang handa na si Wine ayiee excited na siya." Sabe ko sa kaniya para hindi niya mahalata na kabado ako."Hala hindi naman.Maaaga lang akong nag makeup." Sagot niya.Nung paalis na kame sa classroom namen,hinawakan ako ni Wine sa braso at binigay niya ung phone niya kay Nicole."Cedrick picture tayo para papakita ako kay mommy na ikaw kapartner ko." Bulong niya.'Ano?!?papakita niya sa mommy niya?anong meron saken?' Sa sobrang kaba ko,ampanget pala ng ngiti sa picture.Pero si Wine damang dama niya ung paghawak sa braso ko.Hindi naman sa assumero ako,pero halata banaman sa picture.
Nung kame na ang sasayaw,siyempre kabado kame pag tapak sa stage kase ang dameng manonood.Tapos binulungan ko si Wine na nasa kaliwa ko,"Wine,don't forget to smile.Kase yan ang pinaka important sa pagsasayaw at ienjoy molang,wag mong alalahanin ung mga steps kung magkamali kaman,ako na magaadjust." Biro kong payo.Si Wine naman ngiting ngiti na parang kinikilig na hindi ko alam kung baket.
"I found a love..."
Panimula nung kanta.Dun nagsimula ang kakaibang tibok ng puso ko simula nang mahawakan kong muli ang kamay ni Wine.Hindi ko namamalayan na sinasabayan na ng boses ko ang tugtog.Dahil dun natatawa kameng dalawa habang sumasayaw.Ang ganda ng performance nameng dalawa.Pero ang hindi ko makakalimutan ay yung nag Eye to eye contact kamme.Shet!!! Ang mga mata niya! Hindi ko maiwasang mapatitig sa kaniya ng ganon.At nung hawak ko yung mga kamay niya,parang ayoko nang bitawan.
'Nagkagusto na ata ako kay Wine.'
Kapag nakikita ko siya,hindi ko mapigilang ngumiti,tsaka nawawala lahat ng pagod ko kapag kasama ko siya.Pero nanigurado muna ako.Gabi-gabi,nagdadasal ako kay God na gabayan niya ako sa lahat ng desisyon ko,nanghingi den ako ng sign kung siya na ba talaga.Isang simpleng senyales lang naman ang hinihingi ko,yun ay kung hindi lalayo saken si Wine kapag nagtapat ako sa kaniya.At one day,isang araw,nagtanong saken si Wine sa messenger.Ilalagay ko daw sa my day ko sa messenger ang magiging sagot ko."Sinong crush mo sa room?" Tanong niya.Kumakalabog na ang puso ko dahil sa tanong nayon.'Hala shet! Lord to naba yon?sana eto na nga.'kapag sinabi ko sa kanyang siya ang gusto ko,baka magulat si Wine at layuan nako,pero pag ibang pangalan ang sinabi ko,nagsinungaling ako.'Bahala na' ang nilagay ko sa my day ko ay: "ikaw." At nung nakita niya yon,gulat na gulat siya."Hala ako ung crush mo?" Tanong niya."Ako ren dapat magtatanong den ako." Sabe ko,kase unfair naman kung siya lang magtatanong diba?"Ikaw?sino ang pinaka crush mo sa buong campus?"Tanong ko.Alam kong si Daniel ang gusto niya,kaya hindi nako aasa na tumama ang sign na hinihingi ko."Ikaw den." Yun ang nakalagay sa my day niya.'What the fudgee bar!! Ako?!? Totoo pala ung sinasabe nila Aly?' Hindi ko alam kung anong irereply ko kay Wine.Punong puno ako ng tuwa at pagaalinlangan nung mga panahon nayon."Cedrick,iiwasan moba ako?" Tanong niya.'Iiwasan? Siyempre hindi.Oppurtunity kona to,tatanggihan kopa?' Grabe.Sobrang saya ko,"siyempre hindi kita iiwasan.Nagtapat lang naman tayo sa isa't isa eh,wala namang magbabago diba?"Sagot ko sa kaniya.
'Shet! Nikikilig nako! May gusto pala saken si Wine! Is this Love?'HAHAHAHA!
ITUTULOY...